The Department of Environment and Natural
Resources (DENR) in Central Luzon forms a strategic alliance with the Metropolitan
Waterworks and Sewerage System (MWSS) and the Local Government Units (LGUs) of
Norzagaray and San Jose Del Monte in Bulacan to address timber poaching,
squatting, kaingin-making and forest fire inside the 6,600-hectare Ipo
Watershed. Established under Presidential Proclamation 391 of 1968, the Ipo
watershed supplies domestic water to more than 11 million people of Metro
Manila. The Ipo dam has a storage capacity of 7.5 million cubic meters of fresh
water and lies about 7.5 kilometers downstream of Angat dam.
Thursday, September 13, 2012
Saturday, September 8, 2012
Hindi lahat ng tubig na nagpalubog sa Hagonoy at Calumpit ay nagmula sa Candaba Swamp
HAGONOY, Bulacan—Hindi lahat ng tubig na nagpalubog sa bayang
ito at sa Calumpit noong
ikalawang linggo ng Agosto ng Agosto ay nagmula sa Candaba Swamp sa
Pampanga.
Ito ang paliwanag ng Pampanga River Flood Forecasting and
Warning System (PRFFWC) na ipinadala sa Mabuhay noong Agosto 16.
Iginiit naman ng Provincial Disaster Risk Reduction
Management Office (PDRRMO), na “hindi sa Candaba Swamp ang backflooding dahil
hindi ito umapaw.”
Ngunit para sa mga residente ng bayang ito at ng Calumpit,
ang Candaba Swamp at Ilog ng Pampanga ay iisa ang kahulugan dahil sa
pananaw na ang bahagi ng kailugan ay dumaan sa bahagi ng Candaba Swamp.
“Not all flooding in your area is attributed to Candaba
Swamp, ani Hilton Hernando
ng PRFFWC na nakabase sa Lungsod ng San Fernando sa Pampanga sa isang
email na ipinahatid sa Mabuhay noong Agosto 16.
Ipinaliwanag niya na bago lumubog sa backflood ang Hagonoy
at Calumpit noong Agosto10 ay mababa ang tubig sa Candaba Swamp.
Sa tulong ng mapa, ipinakita ni Hernando sa Mabuhay ang
kinalalagyan ng Candaba Swamp at ipinaliwanag na sa kabila na ang bahagi
ng Ilog ng Pampanga ay naka-ugnay doon, hindi basta tumataas ang tubig
sa Swamp.
Ayon kay Hernando at sa mapang kanyang ipinakita, higit na
tataas ang tubig sa Swamp kung ang Ilog ng Pampanga ay aapaw sa bahagi
ng Cabiao Floodway sa Nueva Ecija, at ang tubig sa Ilog ng Pampanga sa
bahagi ng bayan ng Arayat ay aabot sa 9.5 meters.
Idinagdag niya na ang tubig na nagpalubog sa Calumpit at
Hagonoy ay dahil sa pag-apaw ng Ilog ng Pampanga sa bahagi ng Calumpit.
“Hagonoy is flooded thru the spill-over of Pampanga River at
Calizon (Calumpit) corresponding to an estimated level at Sulipan
gauge station at above 3.60 to 3.65 meters,” ani Hernando.
Ang Cabiao Floodway at bayan ng Arayat ay matatagpuan sa
hilaga ng Candaba Swamp, samantalang ang Sulipan na bahagi ng Apalit,
Pampanga, at ang Barangay Calizon sa Calumpit ay nasa timog kanluran
ng Candaba Swamp.
Batay pa rin sa mapang ipinagkaloob ni Hernando, ipinakita niya na maraming ilog ang dumadaloy sa Ilog Pampanga na ang dulong
itaas ay nasa Nueva Ecija, ang dulong ibaba ay nasa Manila Bay.
Ayon kay Hernando, sa silangan ng Candaba Swamp ay makikita
ang mga Ilog ng Bulu at Maasim na matatagpuan sa mga bayan ng San
Miguel at San Ildefonso ayon sa pagkakasunod.
sa Tarlac at Nueva Ecija.
Ayon kay Hernando higit na problema ang hinaharap kapag
nagakasabay-sabay na umapaw ang mga nasabing ilog kasama ang
mga Ilog
ng Coronel at Penaranda sa Nueva Ecija, at ang Ilog Angat.
Ito ay dahil sa
ang mga tubig na dumadaloy sa Ilog ng Pampanga at
Angat ay
nagsasalikop sa bahagi ng Calumpit bago maghiwalay patungo sa
Manila Bay.
Ang tubig na dumadaan sa Bulacan ay dumadaloy sa labangan
Channel at Ilog Angat sa bayan ng Hagonoy; samantalang ang dumadaloy sa
Pampanga pababa ng Manila Bay ay dumadaan sa bahagi ng Macabebe at
Masantol.
Batay sa karanasan, kapag dumadaloy na antub og sa mga
nasabing ilog, lalong tumatagal ang pagbaha sa mga bayan sa baybayin ng
Manila Bay kapag nasalubong ito ng high tide at ng malakas na hanging
habagat na naghahatid ng malalaking alon na nakakapagpabagal sa
paglabas ng tubig
Kaugnay nito, sinabi naman ni Liz Mungcal, hepe ng PDRRMO na
hindi sa Candaba Swamp nagmula ang tubig na nagpalubog sa Hagonoy at
Calumpit.
Ngunit para sa mga residente ng bayang ito at ng Calumpit
halos magkasingkahulugan ang Candaba Swamp at Ilog ng Pampanga.
Binigyan diin ng ilan na pamilyar sa mapa ng Ilog ng
Pampanga na ang bahagi ng ilog ay dumadaloy sa Candaba Swamp.
Una rito, binatikos ng ilang residente ang PDRRMO dahil sa
kakulangan ng babala hinggil sa posibilidad ng back flood noon
ikalawang linggong Agosto.
Ngunit iginiit ni Mungcal na ang impormasyong ipinahatid ng
Municipal Disaster Risk Reduction Management Office ng Hagonoy noong
panahong iyon ay sa kanila nanggaling.
Payo ng kapitolyo sa land developers, gamitin ang green technology
| ||
| SOIL HOUSE. Nakangiting nagpakuha ng larawan sina Fr. Dars at Fr. Dennis sa harap ng bahay na gawa sa lupa sa Jubilee Homes sa bayan ng Plaridel. |
MALOLOS—Nanindigan ang kapitolyo para sa makakalikasang
teknolohiya at
ipinayo sa mga negosyanteng nagtatayo ng proyektong pabahay
sa
lalawigan na gamitin ito sa kanilang mga proyekto.
Ayon kay Arlene Pascual, hepe ng Provincial Planning and
Development
Office (PPDO), ang paggamit ng green technology o
makakilkasang
teknolohiya sa pagtatayo ng mga proyektong pabahay ay
makakatulong sa
paglaban sa epekto ng climate change.
Iginiit pa niya na ito ay tugon din sa mga kalamidad na
nararansan sa lalawigan.
Sa kanyang presentasyon sa mga negosyante dumalo sa
talakayang
inorganisa ng Bulacan Chamber of Commerce and Industry
(BCCI) noong
Agosto 31, ipinayo ni Pascula na dapat ipatupad at gayahi ng
mga
negosyante sa lalawigan ang mga teknolohiyang ginagamit sa
Estados
Unidos at Europa.
Ipinawanag niya na ang mga teknolohiyang ito ay kasing
simple ng
pagtatayo ng bahay na ang mga malalaking bintana ay
nakaharap sa ihip
ng hangin.
Ayon kay Pascual, sa pamamaraang ito, mas makakatipid ng
gamit sa
kuryente o enerhiya ang titira sa nasabing bahay dahil mas
malamig
iyon ay hindi masyadong gagamit ng kuryente upang paandarin
ang
bentilador o airconditioner.
Dahil malalaki ang bintana ng bahay, mas magiging maliwanag
din iyon
at magagamit ang natural na liwanag.
Ihinalimbawa rin niya
na ang teknolohiya sa Venice kung saan ay may
mga bahay na hindi lumulubog sa high tide sa kabila ang
ansabing
lungsod ay laging lumulubog.
“We have to understand that there is climate change and all
we can do
is adapt to make our communities resilient,” ani Pascual.
Ipinaliwanag pa
niya na ang climate change adaptation o patugon sa
climate change at pagbabawas ng epekto nito ay kabilang sa
mga
pangunahing polisiya na binuo ng pamahalaang panglalawigan.
Bukod sa mga nasahing teknolohiya, ipinayo rin ni Pascual
ang paggamit
ng rainwater harvesting system.
Ito ay ang pagsasahod ng tubig ulan at paggamit nito sa
paghuhugasng
gamit, pandilig ng halaman, o kaya ay panlinis sa banyo at
ibang
bahagi ng bahay.
Ayon kay Exuperio Lipayon ng Department of Environment and
natural
Resources (DENR), ang rain water harvesting system ay
makakatulong din
para makabawas sa pagbaha.
Ipinaliwanag ni Lipayon na ito ay dahil sa hindi agad
dumadaloy s amga
kanal, sapa at ilog ang tubig ulan..
Ang nasabing teknolohiya ay nauna ng sinimulan ni Inhiyero
Rodolfo
German ng National Power Corporation sa Angat Dam.
Ito ay matapos makaranas ng kakulangan sa tubig ang
lalawigan sa
panahong ng pananalasa ng El Nino may tatlong taon na ang
nakakaraan.
Kaugnay nito, ipinayo naman ni dating Environment Secretary
Elisea
Gozum ang paggamit ng puti o mapusyaw na kulay ng pintura sa
bahay
partikular na sa mga bubong.
Ayon kay Gozum ang mas madilim na na kulay ng pintura ay
humihigop ng
init mula sa araw samantalang ang puti o mapusyaw na kulay
ng pintura
ay mas malamig.
Kung gagamitin sa bubungan, ang putting pintura ay
nagbabalik ng init
sa himapapawid, ani Gozum.
Saturday, July 21, 2012
KASAMA SA SONA: Strong environmental performance ng PHL kumpara sa US, Australia
MALOLOS—Tiniyak ni Environment Secretary Ramon Paje ang
isasama ni Pangulong Benigno Aquino III sa kanyang State of the Nation Address
(SONA) ang magandang balita hinggil environment performance ng Pilipinas
kumpara sa mas mayayamang bansa sa mundo.
Ito ay dahil sa dinaig ng Pilipinas sa environmental
performance ang mga bansang Australia, Amerika, Singapore at Israel, ayon sa
ulat na 2012 Environmental Performance Index (EPI) na inilabas nitong Pebrero.
Ang nasabing ulat ay magkasamang binuo ng Yale University
at Colombia University, sa pakikipagtulungan ng World
Economic Forum (WEF) at ng European Commission.
Ayon kay
Paje, ang Pilipinas ay nasa kategoryang “strong performer” batay sa nasabing
ulat.
Ito ay dahil sa
ang Pilipinas ay pumang-42 sa 132 bansa sa mundo mula sa dating puwestong
pang-50 noong 2010.
Batay pa rin sa
2012 EPI, ang bansang Australia ay pang-48, Amerika (49), Singapore (52), at
ang Israel ay pang-61.
Ang mga nasabing bansa ay nasa kategoryang “modest performer.”
Ayon kay
Paje, dinaig ng Pilipinas ang mga nasabing bansa dahil sa 100 o perpektong iskor
na na ibinigay ng EPI sa limang indicators na ginamit sa pagsusuri.
Ito ang 10 porsyentong iskor sa pangangalaga sa kagubatan sa
pamamagitan ng pagpapatupad ng loggiong ban; pagkakaroon ng growing forest stock para sa National Greening
Program (NGP); CO2 per capita para
sa patuloy na carbon sequestration ng lumalawak na kagubatan; subsidiya
para sa mga lowland at upland farmers sa pamamagitan ng pagsusulong ng
administrasyong Aquino ng organiko pataba; at pagbabawas ng outdoor air
pollution.
Ang naging basehan ng EPI sa log ban ay ang pagpapalabas ng
Malakanyang ng Executive Order No. 23
noong Pebrero 2011na nagresulta sa pagkakakumpiska ng 13.3-Milyong board feet
ng kahoy na nagkakahalaga ng P330-Milyon.
Nagresulta rin
ito sa pagsasama ng 328 kaso na nagbunga ng pagkakahatol sa 57.
Ang mga nakumpiskang kahoy naman ay idinonasyon sa
Department of Education (DepEd) at ginamit sa paggawa ng 73,710 silya; 8,737
desk, at 2,208 na ioba pang kagamitan sa paaralan.
Bukod dito, sinabi ni Paje na nakapagtayo rin ng 378 bagong
silid aralan; at ang mga silyang nagawa sa nakumpiskang kahoy ay nagamit sa
1,638 silid aralan.
Ang NGP
naman ay bunga ng EO No. 26 na naglalayong mapalawak ang kagubatan ng
pansa. Ito ay inilunsad noong Pebrero
2011.
Ayon kay
Paje, ang NGP ay ang pinamalaking reforestation program sa kasaysayan ng
bansa. Ito ay naglalayon na makapagtanim
ng 1.5-Bilyon puno sa 1.5-Milyong ektarya ng kagubatan mula 2011 hanggang 2016.
Kaugnay nito,
umabot na sa 89.6-Milyon puno ang naitanim sa 128,558 ektarya ayon sa tala
noong Disyembre 2011.
Ang programang ito ay nakalikha ng kabuuang 364,088 trabaho
Ayon kay
Paje, sa kasalukuyan ay may 7,6 milyong ektarya pang nalalabing kagubatan ang
bansa, at 8.2 milyong ektarya naman ang kalbong kabundukan.
Sinabi niya
na sa pamamagitan ng NGP, umaasa nilang mababaligtad ang sitwasyong ito kung
kailan ay tinataya nilang magiging mas malawak ang kagubatanng bansa na may
tanim na punong kahoy.
Batay sa
kanyang pagtaya, aabot sa kalahating milyong ektaryang kagubatan ang
matataniman nila bago matapos ang 2013; at sa 2016, ang kagubatan ng bansa ay
madadagdagan ng 26 na posyento na kung pagsasamasamahin ay katubas ng 60
porsyentong kagubatan ng buong bansa kabilang ang kasalukuyang kagubatang
natataniman.
Binigyang
diin niya na ang pagtatanim ng punong kahoy ay malaki ang epekto sa carbon
emission dahil nasisipsip ng mga punong kahoy ang mga usok.
Ayon kay
Paje, habang lumalawak ang kagubatang natataniman, mas lalong tataas ang carbon
sequestration ng bansa.
Ipinagmalaki
rin niya ang gumagandang kalidad ng hangin sa kalakhang Maynila.
Ito ay
dahil sa kanilang pagpapaigting ng kanilang kampanya laban sa smoke belching.
“Through an intensified anti-smoke belching campaign,
air pollution, measured by Total Suspended Particulates or TSP, in Metro Manila
decreased by about 29 percent from an
average of 166 micrograms per normal cubic meter (ug/Ncm) in the 2nd quarter of
2010 to an average of 118 micrograms per normal cubic meter in the 4th quarter of 2011. It has
increased, though, to 136 micrograms per normal cubic meter in the 1st quarter
of 2012. The acceptable level for TSP is
90 micrograms per normal cubic meter while for PM10 is60 micrograms per normal
cubic meter,” ani Paje.
Bukod sa
nasabing programa, sinabi rin niya na matagumapay ang kanilang
pakikipag-ugnayan sa pribadong sektor sa pamamagitan ng mga adopt a river at
adopt sa estero program.
Sa nasabing
programa, ang mga kasapi ng pribadong sektor ay lumalahok sa paglilinis sa mga
ilog at mga estero.
Bukod dito sinabi
ni Paje na mayroon silang 24 na bangkang nag-iipon ng basura sa Ilog Pasig at
plano nilang magbigay ng mga ito sa iba pang lalawigan.
Hinggil sa
pakikiisa ng pribadong sektor, sinabi ni Pajer hindi kaya ng gobyerno ang lahat
ng trabaho at lubhang kailangan ang pakikiisa ng bawat mamamayan.
Iginiit niya na
kung hindi makikiisa sa paglilinis ang mga mamamayan,ang gobyerno ang
magsisilbing “basurero” ng bayan.
Habang nakikisa naman ang mga mamamayan, sinabi niya na
patuloy ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa
pagpapataas ng antas ng paglilingkod.
Ito ay sa pamamagitan ng paglalagay ng mga close circuit
television sa mga tanggapan ng DENR.
Ayon sa kalihim, kahit nasa punong tanggapan siya ng DENR o
kahit nasaan, nakikita niya ang mga sangay ng tanggapan sa mga rehiyon at
nakikita kung nagsisipagtrabaho ang mga kawani ng DENR.
Ito ay dahil sa footages ng kanilang CCTV ay nakakonekta sa
telepono ng kalihim. (Dino Balabo)
Tuesday, July 10, 2012
Dam operators, LGU dapat magkaisa
LUNGSOD
NG MALOLOS, Bulacan, Hulyo 9 (PIA) - Hiniling ni Gob. Wilhelmino M. Sy-
Alvarado sa mga dam operator sa lalawigan at mga lokal na pamahalaan na
magkaroon ng malinaw na koordinasyon upang maiwasan ang pagbaha sa mga mababang
lugar sa Bulacan.
Kabilang
sa mga ahensyang nagpapatakbo sa mga dam sa Bulacan na inanyayahan ng
gobernador ang National Irrigation Authority, Metropolitan Waterworks and
Sewerage System (MWSS), Manila Water at
National Power Corporation.
“Para lamang itong larong basketbol, kailangan natin ng
teamwork, ipaabot sa bawat ahensiya lalong lalo na sa mga taong higit na
maaapektuhan ng pagpapakawala ng tubig. Mas madalas hindi naaabisuhan ang mga
Bulakenyo na magpapakawala ng tubig. Kaya dapat nag-uusap tayo, dahil isa
lamang sa atin ang magkamali ay nagdudulot na ng problema,” ani Alvarado.
Hinimok
din ng gobernandor ang pamunuan ng Ipo Dam na ipagbigay-alam sa NIA bago magtapon
ng tubig upang makapaghanda agad ang Bustos Dam at makapagpalabas din ng tubig
bago pa man dumating ang tubig mula sa Ipo Dam.
Ipinaliwanag din niya na isa rin sa mga problema ay ang
pagiging sub-reservoir ng Ipo Dam para sa Maynilad.
“Dapat ang Ipo Dam ay may preemptive release bago magbaha
kaya lang hindi ito maisagawa dahil sa Maynilad kaya dapat magkaroon ng
sariling sub-reservoir ang Maynilad. Samantalang
habang wala pang sub-reservoir, dapat nagkakaunawaan ang mga operator ng mga
dam. Dapat ang mga dam ay may mataas na carrying capacity ng tubig tuwing
panahaon ng tag-ulan,” dagdag pa ni Alvarado.
Kahit mapanganib, Bustos dam patuloy na dinarayo
BUSTOS,
Bulacan—Sa kabila ng panganib na hatid ng marurupok na rubber gates ng Bustos
Dam, patuloy pa rin ang ilang mga residente sa pangingisda at paliligo sa apron
ng nasabing dam.
Ang panganib na ito ay hindi lingid sa mga residente
dahil sa bukod sa binakuran na ng National Irrigation Administration (NIA) ang
paligid ng dam ay naglagay din ng mga karatula na nagpapahayag ng mga babala.
Ilan sa mga hindi mapigilang residente ay ang
mgangigisdang si Renato Hizon at mga kabataang nagsisipaligo na kasama ni Sonny
Boy Janda.
Ayon kay Hizon, batid nila ang peligro ngunit dito daw
sila kumukuha ng kanilang pinagkakakitaan.
Iginiit pa niya na kung sakalling sumabog ang dam ay agad
silang makakatakbo upang makaiwas sa pwersa ng tubig dahil sa matagal na daw
silang nangingisda doon at alam na nila ang kanilang gagawin.
Gayundin ang naging tugon ni Janda at iginiit pa na
masarap daw maligo sa ibaba ng dam.
Ayon sa NIA, sinira ng mga residente ang kanilang bakod
at hindi nila mapigilan ang mga ito sa pangingisda at paliligo doon.
“Lubhang
delikado ang dam lalo na kapag may inabutan ang pagsabog nito,” ani Inhinyero
Felix Robles ang OIC ng water control and coordinating unit ng NIA.
Ipinalwanag
niya na aabot sa 500 cubic meter per
second (CMS) ng tubig ang raragasa kapag nasira ang isang rubber gate ng dam.
Iginiit
pa ni Robles na anumang oras ay posibleng masira ang rubber gate ng dam dahil
matanda na ito.
Binigyang
diin niya na batay sa pag-aaral ng Bridge Stone Corporation at Japan
International Cooperation Agency (Jica), ang mga rubbergate ng dam ay tumatagal
g 30 taon.
Ngunit
dahil sa init ng panahon sa bansa, aabot na lamang sa 15 ang itatagal ng mga
rubber gate na ikinabit noong 1997, o 15 taon na ang nakakaraan.
Dahil
dito, hinahayaan ng NIA na umapaw ang tubig sa ibabaw ng rubber gate upang iyon
ay mapanatiling malamig sa pagnanais na mapahaba ang serbisyo nito.
Ayon pa
kay Robles, ipinabatid na nila sa kanilang punong tanggapan ang pagpapakumpuni
sa Bustos Dam at posibleng abutin ito ng hanggang sa susunod na taon bago
masimulan.
Iginiit
pa niya na aabutin ng P1-Bilyon ang halaga na gugugulin sa pagpapakumpuni ng
Bustos Dam dahil sa ang bawat isang rubber gate ay nagkakahala ng P50-Milyon.
Dahil
sa malaking halaga ng gugugulin, sinabi ni Robles na bukas din sila sa ibang
teknolohiya upang matiyak ang katatagan ng dam.
Kabilang
sa mga teknolohiyang kinukunsidera ng NIA ay ang paggamit ng steel gate sa
dam. (Rommel Ramos)
Misyonerong Dutch environmentalist 17 pinaslang mula noong 2010
MALOLOS—Hindi lamang ang tamaraw at ang agila ang endangered
species ngayon o mga hayop na nanganganib maubos ang lahi.
Maging mga environmentalist o mga taong nagsusulong ng
adbokasiya para sa kapakanan ng kalikasan ay nabibilang na rin sa katulad na
kategorya, ayon sa Kalikasan Philippine
Network of Environmentalists (Kalikasan PNE).
Ito ay dahil sa pamamaslang noong Martes, Hulyo 3 kay Willem
Geertman, isang misyonero at environmentalist na nagmula sa bansang Netherlands.
Si Geertman ay executive director ng Alay Bayan Inc., (ABI)
na may tanggapan sa 54 Rue de Paree Street, L&S Subdivision, Lungsod ng San
Fernando, Pampanga; at isa rin sa mga direktor ng Citizen’s Disaster Response Council
(CDRC), isang koalisyon ng mga non-government organization (NGO) na na
tumutulong sa nasalanta ng kalamidad.
Ayon kay Fred Villareal, pangalawang tagapangulo ng sangay
sa Pampanga ng National Union of Journalists
of the Philippines (NUJP), nasaksihan niya ang pamamaslang sa misyonero.
“Nasa terrace ako ng opisina nila at gumagawa ng istorya ng
may marinig akong nagsisigawan, Akala ko mga kabataang nagbibiruan, pero ng tingnan
ko ay may nakatutok na baril kay Willem,” ani Villareal.
Ilang sandali, pa isang putok ang umalingawngaw at walang
buhay na humandusay si Geertman.
Tinangkang habulin ni Villareal ang dalawang salarin upang
makuha ang plaka ng motorsiklong sinakyan ng mga ito ngunit itinutok sa kanya
ang baril, kaya nagtago siya sa mga halaman.
Batay sa ulat ng pulisya, pagnanakaw ang motibo sa
pamamaslang dahil natangay ang bag ng misyonero na pinaglagyangng salaping
kinuha sa bangko.
Ngunit para kay Villareal, may posibilidad na may iba panbg
motibo sa pamamaslang sa misyonero dahil bukod sa pagtulong sa mga katutubo at
mga nasalanta ng kalamidad, isa rin sa tagapagsulong ng pangangalaga sa
kalikasan si Geertman.
Inayunan din ito ni Leon Dulce, ang direktor ng Task Force
Justice for all Environmental Defenders (TF-JED) ng Kaliaksan PNE.
Sa panayam sa telepono ng Mabuhay kay Dulce noong
Miyerkoles, Hulyo 4, sinabi niya na si Geertman ay ang ika-17 environmentalist
sa bansa na pinaslang mula noong 2010.
“Environmentalists are fast becoming and endangered specie,”
ani Dulce.
Ito rin ang nilalaman ng isang special report na inilabas ng
Kalikasan PNE ilang oras matapos paslangin si Geertman.
Ang nasabing special report na may titutulong “2012 Human
Rights Situation for Environmental Advocates in the Philippines”
ay ilalabas sana
ng Kalikasan PNE sa huling bahagi ng buwang ito upang sabayan ang nalalapit na
State of the Nation Address ni Pangulong Benigno Aquino III.
Ngunit dahil sa pamamaslang kay Geeetman, napilitan ng
Kalikasan PNE na ilabas ang nasabing ulat kung saan ay isinasaad na 58
environmental advocates sa bansa ang naging biktima ng ibat-ibang paglabag sa
karapatang pantao sa pagitan ng 2001 at 2012.
“A total of 36
environmental defenders were murdered, along with two reported cases of
enforced disappearances and two cases of frustrated murder during the
administration of former President Gloria Macapagal,” ani ng Kalaikasan PNE.
Sinabi rin sa nasabing ulat na maging ang “Tuwid na daan” ni
Aquino ay nabahiran din ng dugo.
“The promise of reforms under the “Tuwid na Daan” banner of
Pres. Benigno Aquino III, far from delivering swift justice to the families of
HRV victims and promoting a humanitarian regime, only served to perpetuate
impunity,” sabi ng Kalikasan PNE at idinagdag pa na, “17 cases of
politically-motivated killings and one case of abduction and torture have
already been recorded under Aquino, including the high-profile cases of Palawan
environmentalist Dr. Gerry Ortega and world-renowned botanist Leonard Co.”
Ayon pa sa ulat, patuloy ang pagtatalaga ng mga “Special
CAFGU Armed Auxiliary (SCAA) and other army units under the Investment Defense
Forces, in mines and other sites of development aggression, whose forces are
linked to the murder of the Italian missionary and anti-mining leader Fr. Pops
Tentorio.”
Dahil dito, lumalabas na ang agresibong pagpapalawak sa
industriya ng pagmimina ang nagsisilbing mitsa ng paglabag sa karapatang pantao
ng mga nagsisipagtanggol sa kalikasan.
Dagdag pa ng Kalikasan PNE na sa 58 kaso ng paglabag sa
karapatang pantao na naitala mula 2001, 46 ang kinasasangkutan ng mga
aktibistang lumalaban sa pagmimina.
“Five cases involved anti-large dam advocates, one
coal-fired power plant activist, six anti-logging activists, one anti-landfill
campaigner and four conservation advocates. Some individuals were involved in
various advocacies such as Fred Trangia, a biodiversity conservationist and
barangay leader who was also a staunch opponent of mining interests in Mainit,
Compostela Valley,” ayon sa ulat.
Sinabi pa sa ulat na “majority of the HRVs during the Arroyo
administration occurred after their declaration in 2004 the revitalization of
the mining industry through the Mining Act of 1995 and other mining policies.
The same trend persists under Aquino, with 14 of the 18 cases of HRVs, majority
of which are killings, exacted upon mining activists.” (Dino balabo)
Subscribe to:
Comments (Atom)

