MALOLOS—Libo-libong
Bulakenyo kabilang ang mga mag-aaral at kasapi ng ibat-ibang priobadong samahan
ang inaasahang makikilahok sa malawakang pagtatanim ng bakawan sa baybayin ng
lalawigan.
Sa
kasalukuyan, matatapos na anf planong inihahanda ng kapitolyo para sa
pagpapatupad ng proyektong nakadisenyo sa proteksyon ng mga pamayanan sa
baybayin ng Bulacan.
Samantala,
nakatakda namang magsagawang isang fund raising campaign ang Sigla Movement of
the Philippines (SMP) bilang suporta sa nasabing proyekto kaugnay ng panawagan
samga kandidato sa halalan sa Mayo na isama sa kanilang plataporma ang
pangangalaga at pagpapaunlad sa mga barangay sa tabing dagaty na karaniwang
nakakalimutan.
Ayon
kay Gob. Wilhelmino Avarado, aabot sa 300,000 binhi ng bakawan ang nakahandang
itanim ng kapitolyo sa taong ito.
Ang
mga nasabing binhi ay donasyon ng Eco-Shield Corporation, ang kumpanya
nangunguna sa pagtatayo ng Bulacan sanitary landfill sa barangay Salambao sa
bayan ng Obando.
Sa
kanyang pahayag sa Radyo bulacan noong Sabado, Enero 12, sinabi ng punong
lalawigan na ang unang dalawang buwan ng taon ang tamang panahon sa
pagtatanimng bakawan.
“The
months of January and February are the best time to plant mangroves on the
coast of Manila Bay because we still have the northeast monsoon winds or
amihan,” ani Alvarado sa kanyang
luingguhang palantuntunang isinasahimpapawid sa Radyo Bulacan tuwing Sabado.
Ipinaliwanag
niya na kung buwan ng Enero at Pebrero, ang hanging amihan ay umiihip sa
direksyong palayo sa dalamapasigan ng Manila Bay.
Kung
kalagitnaan naman ng taon, ang direksyon ng ihip ng hanging habagat ay patungo
sa dalampasigan kaya’t ang alon ay humahampas doon at posibleng mapinsala ang
mga bagiojng tanim na binhi ng bakawan.
Bilang
isang beterano sa larangan ng pamamalaisdaan, iginiit ng gobernador na mas
malaki ang posibilidad ng ma mabuhay ang mga binhi na itinanim sa unang
dalawang buwan ng taon dahil mas mababa ang tubig sa araw o low tide.
Ito
ay inayunan din nina Kagawad Alfredo Lunes ng Barangay Puigad sa bayan ng
Hagonoy na nagsabing kung mas maagang maitatanim ang mga binhi ng bakawan ay
malaki ang psobilidad na mabuhay ito dahil sa loob ng tatlo hanggang apat na
buwan ay nakakapit na ang mga ugat nito sa lupa.
Dahil
sa nalalapit na ang pagbabago ng ihip ng hangin o ang pagdating ng hanging
habagat, sinabi ni Alvarado na dapat madaliin ang pagtatanim.
“We
really have to accelerate the transplanting to ensure high survival rate of the
seedlings,” aniya.
Dahil
dito, itinalaga niya si Provincial Administrator Jim Valerio bilang tagapamuno
ng isang Task Force na mangunguna sa pagtatanim ng bakawan, na siya ring
makikipag-ugnayan sa mga non-governmental organizations NGO at kinatawan ng iba
pang sektor.
Sa
mas naunang panayam ng Mabuhay kay Valerio noong Miyerkoles, Enero 9, sinabi
niya na kakailanganin nila ng tulong ng mga mag-aaral mula sa ibat-ibang
pamantasan sa lalawigan para sa pagtatanim.
Bukod
dito, sinabi niya na nakikipag-ugnayan na rin siya sa ibat-ibang samahan o NGO
para sa pakikilahok sa nasabing proyekto.
Nagpahayag
naman ng pagsuporta at pakikiisa ang Sigla Movement of the Philippines (SM) sa
nasabing proyekto.
Ayon
kay Gorssman Dax Uy, tagapangulo ng ng SMP, napapanahon ang pagtatanim ng
bakawan dahil sa unti-unting nasisira ng malalaking alon mula sa dagat ang mga
pamayanan sa baybayin ng Bulacan.
Batay
sa impormasyong naipon ng SMP, sinabi ni Uy na sa loob ng nagdaang 10 taon,
mahigit sa 100 ektaryang palaisdaan sa baybayin ng Bulacan ang napinsala at
lumubog dahil sa nadurog ng mga alaon ang mga pilapil nito.
Ayon
kay Uy, ang pagkadurog ng mga pilapil ng palaisdaan ay dahil sa unti-unting
pagkaubos ng mga puno ng bakawan na nagsisilbing panangga sa mga alon.
“Bumibilis ang pagkasira ng mga palaisdaan at
barangay sa coastal area ng Bulacan dahil sa nauubos din ang mga bakawan kaya
kailangang magtanim uli tayo,” ani Uy.
Dahil
sa kalagayang ito, sinabi ni Uy na magsasagawang isang fund raising campaign
ang SMP para makaipon ng pondo na gagamitin sa pagtustos sa pagtatanim ng
bakawan.
Ipinagmalaki
naman ni Mayor Christian Natividad ng lungsod na ito na umabot na sa mahigit
10,000 binhi ng bakawan ang kanilang naitanim sa baybayin ng Malolos, Paombong
at Hagonoy mula noong 2010.
Inilarawan
ni natividad ang nasabing proyekto bilang “tagumpay” dahil sa pakikisa ng mga
resident eng baybayin ng Malolos at mga mangigisda.
Iginiit
pa niya na patuloy ang kanilang pagtatanim dahil may sariling mangrove nursery
ang pamahalaang lungsod ng Malolos.
Samantala,
nanawagan sa kapitolyo ang mga residente ng mga pamayanan sa baybayin ng
Bulacan bigyan ng pantay na pagtingin ang mga Bulakenyong nakatira sa baybayin
ng lalawigan.
Ito
ay dahil sa mas maraming proyekto ang ipinapatupad sa mga kabayan kumpara sa
mga dulong barangay katulad sa coastal area.
Ayon
sa mga resident eng barangay Pugad sa bayan ng Hagonoy, higit ang pangangailangan
nila sa kalinga ng kapitolyo ngayon dahil nararamdaman na nila ang epekto ng
climate change.
Inihalimbawa
nila ang pagtaas ng tubig mula sa dagat o high tide at malalaking alon kung may
bagyo o storm surge bilang epekto ng climate change. (Dino Balabo)