MALOLOS—Kinapos
ng tubig inumin ang bayan ng San Miguel matapos sagasaan ng bagyong Santi
simula noong Sabado,Oktubre 12.
Ito
ay sanhi ng pagkaputol ng suplay ng kuryente na gamit sa pagpapaandar sa
pumping station ng water district na nagpapaalala sa karanasan ng bayan ng
Hagonoy mataposmanalasa ang bagyong Pedring noong 2011.
Dahil
sa kakulangan ng tubig inumin, napilitang pumila sa mga pribadong water
refilling station ang mga residente.
Ngunit
ilan sa kanila ay nagsipagtaas ng presyo ng tubig.
Sa
kabila nito, mayroon din na hindi nagtaas ng presyo sa kabila ng dagdag na
gastos sa paggamit ng generator.
Ayon
kay Claire Buencamino dating Kagawad ng Barangay San Vicente, ipinangamba ng
maraming residente ang pagkaubos ng tubig inumin.
“Hindi
namin inaasahan ang ganito, ngayon lang nagyari sa amin ang ganitong pinsala ng
bagyo,” sabi niya sa panayam ng Mabuhay sa telepono noong Oktubre 14 ng gabi.
Dagdag
pa niya, “biglang dating ng malalim na tubig baha, pagkatapos, nagsimula na
kaming kapusin ng tubig inumin dahil sa walang kuryente.”
Bilang
may-ari ng Aqua Calrita, isang water refilling station sa Barangay Poblacion,
sinabi ni Buencamino na napilitan siyang gumamit ng generator upang
makapagbenta ng tubig inumin.
Gayunpaman,sinabi
niya na hindi siya nagtaas ng presyo.
“Pare-pareho
kaming nasalanta, kaya parang tulong na lang yung dating presyo,” sabi niya.
Sa
paglalarawan ni Buenacamino, maraming tao ang pumila sa mga pribadong refilling
stations sa nasabing bayan isang araw matapos ang biglaang pagbaha noong Sanado
ng madaling Araw, Oktubre 12.
Ang
kalagayang ito ay hindi nalingod kay Gob. Wilhelmino Alvarado.
Ngunit
hindi rin agad napasok ang bayan ng San Miguel dahil sa malalim at malakas na
agos ng tubig sa kahabaan ng Daang Maharlika sa pagitan ng bayan ng San Miguel
at San Ildefonso.
Ayon
kay Alvarado, alam nilang nawalan ng kuryente sa bayanng San Miguel kaya’t agad
silang nagpadala ng mga trak upang tumulong sa paglilikas ng mga residente.
Bahagi
rin nito ay ang paghahawan sa mga punong kahoy na nangabuwal sa kalsada.
Noong Lunes, Oktubre 14, nakipag-ugnayan ang
kapitolyo sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System, at San Miguel
Corporation para sa paghahatidng donsayong tubig inumin.
Kasabay
nito ang paghahatid ng tubig ng mga trak ng bumbero mula sa mga Lungsod ng
Malolos, Meycauayan at San Jose del Monte, at mga bayan ng Pulilan, Sta. Maria
at Marilao.
Ayon
kay Provincial Administrator Jim Valerio, nagsimulang magbalik ang supply ng
kuryente sa nasabing bayan noong Miyerkoles, kaya’t nagsimula na ring magbalik
ang operasyon ng water district.
Para
naman kay Liz Mungcal, hepe ng Provincial Disaster Risk Reduction Management
Office, ang tubig na hatid ng mga trak ng bumbero ay pangdagdag lamang sa
kailangan ng mga apektadong residente.
Sinabi
niya na kahit unti-unting nagbalik ang operasyon ng water district noong
Miyerkoles ay may ilang bahagi pa rin ng bayan na mahina ang daloy ng tubig.
Ang
kalagayang ito ay nagpapaalala sa karanasan ng bayan ng Hagonoy matapos
manalasa ang bagyong Pedring noong 2011.
Dahil
sa lakas ng bagyo, naputol ang supply ng kuryente sa Hagonoy na umabot ng 12
araw.
Dahil
dito, naputol ang pagpapadaloy ng water district ng tubig.
Pinilit
ng Hagonoy Water District noong 2011 na paandarin ang kanilang mga pumping
station sa pamamagitan ng generator, ngunit hindi rin iyon naging sapat.
Bukod
dito, maraming gripo ang nalubog noon sa malalim na baha kaya’t hindi sigurado
ang kalinisan ng tubig. (Dino Balabo)