Showing posts with label Barasoain Church. Show all posts
Showing posts with label Barasoain Church. Show all posts

Saturday, November 2, 2013

Pangalagaan ang mga pamanang pangkasaysayan





MALOLOS—Suriin, kumpunihin ay suhayan ang mga pamanang pangkasaysayan sa bansa.

Ito ang buod ng magkahiwalay panawagan ng sektor ng turismo sa Bulacan at mga mamamahayag na lumahok sa katatapos na ika-17 Graciano Lopez Jaena Ciommunity Journalism Fellowship on Disaster Reporting sa University of the Philippines (UP).

Ang panawagan ay magkasabay na inihayag noong Biyernes,ilang araw matapos yanigin ng lindol na may lakas na magnitude 7.2 noong Oktubre 15 ang lalawigan ng Bohol kung saan ay nasira ang mga heritage sites.

Ayon kay Dr. Reynaldo Naguit, isa sa mga convenors ng Bulacan Tourism Tri-conventionna isinagawa sa lungsod na ito noong Biyernes, dapat isama sa pambasa at lokalna plano sa turismo ang konserbasyon ng mga heritage sites o pamanang pangkasaysayan sa bansa na dinarayo ng mga turista.

Bilang isang historyador at direktor ng Institute of Local Government Administration (ILGA) sa Bulacan State University, sinabi ni Naguit na angmga heritage sites ay nangangailangan akmang pagmamantine.

“Hindi lang buhay at mga ari-arian ang napinsala sa lindol sa Bohol, kungdi magingmga istraktura na mahigit 100 taon na,” sabi ni Naguit at iginiit na mga matatandaang simbahan ay isang magadang reperensiya sa pag-aarala ng sining, kalinangan at kasaysayan ng lahi.

Kinatigan din ito ni Jose Clemente ng Bulacan Tourism Conventions and Visitors Board (BTCVB) na nagsabing ang mga matatandang simbahan sa Gitnang Luzon partikular na sa Bulacan ay posible rin mapinsala salindol.

Bilang isa sa mga convnor sa katatapos na tourism convention, inihalimbawa ni Clemente ang makasaysayang simbahan ng Barasoain na karaniwang dinarayo ng mga mag-aaral na lumalahok samga field trip.

Ayon kay Clemente ang nasabing simbahan ay huling isinailalim sa pagpapakumouni noong 1997 bilang paghahanda sa sentenaryo ng republika ng Pilipinas noong 1998.

Para naman sa mga mamamahayag na lumahok sa ika-17 Lopez Jaena  Community Journalism Feloowship sa UP, dapat manguna angmga ahensiya ng pamahalaang  nasyunal sa preserbasyon ng mga heritage sites.

Binigyang diin nila na hindi lamang lindol ang dapat paghandaan, kungdi maging ang epekto ng climate change na unti-unting sumisira sa mga matatandang istraktura.

Kabilang sa mga ahensiyang tinawagan nila ng pansin ay ang National Historical Commission of the Philippines (NHCP), Department of Tourism (DOT), Climate Change Commission (CCC), Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Department of Science and Technology (DOST). 

Ayon sa pinagtibay na resolusyon, “the country’s history and culture are seen not only in written records but also in historically valuable structures as well. These are the so-called heritage sites, many of which have not been properly documented.”

Iginiit pa ng resolusyin na “Heritage sites serve as a repository of our history, and such structures remind us and the future generations of who we are as Filipinos; however, many heritage sites are vanishing fast not only due to the impacts of climate change and natural disasters but also due to utter neglect of people.”

Ayon sa mga mamamahayag, hindi lamang mga mamamayan at imprastraktura ang nabiktima ng lindol sa Bohol kungdi maging mga heritage sites tulad ng mga matatandang simbahan.

Batay sa resolusyon, hiniling ng mga mamamahayag ang “immediate inventory of our cultural heritage sites; inspection, assessment and documentation of heritage sites; preparation of short and long term programs for the preservation of our heritage sites; implement remediation measures, such as retrofitting, that will help strengthen and improve resilience of heritage sites that are exposed to the impacts of climate change and other hazards; regular maintenance of heritage sites;  and publications of gathered inventory to inform the Filipino people the historical and cultural significance of heritage sites.” (Dino Balabo)

Saturday, February 16, 2013

Malolos Green Covenant inihain sa Kongreso


Sa bakuran ng Simbahan ng Barasoain nilagdaan ang Green Covenant noong 2012.

MALOLOS— Hiniling ng isang kongresista mula sa Laguna ang suporta ni Pangulong Aquino sa First Malolos Covenant sa pamamagitan ng pagtataguyod sa panukalang taunang  “Climate Change Awards.”

Ito ay sa pamamagitan ng House Bill Number 3016 na inihain ni Kinatawan Dan Fernandez sa Kongreso noong Enero 30.

Si Fernandez ay ang tagapangulo ng Committee on Ecology ng Kongreso.

Ayon sa kongresista, nararapat suportahan ng Pangulo ang HB 3016 dahila ang bansa ay isa sa mga bansang lumagda sa United Nations Framework Convention on Climate Change (UNFCC) at sa Kyoto Protocol.

Bukod dito, iginiit niya na dumaraming Pilipino ang umaayon sa pagtataguyod ng mga  programang tutugon sa epekto ng climate change.

Ilan sa mga tinukoy ni Fernandez ay ang  pagsasagawa ng 1st Philippine Tourism conference on Climate Change sa Lungsod ng Legazpi, Albay  noong Agosto at ang pagpapatibay ng pamahalaan sa People’s Survival Fund.

Ito ay nasundan pa ng paglagda sa First Malolos Green Covenant sa makasaysayang simbahan ng Barasoain sa lungsod na ito noong Setyembre 15 na sinaksihan ng may 5,000 katao kaugnay ng pagdiriwang ng ika-114 guning taon ng pagbibukas ng Kongreso ng Malolos.
Ang paglagda sa Malolos Green Covenant ay nakasabay rin ng paglulunsad ng eco-cultural tourism, climate change adaptation program ng lungsod na ito.

Batay sa panukalang batas ni Fernandez, ang mga pamahlaang lokal at ibat-ibang ahensiya ng pamahalaan ay dapat maghanda ng [pondo para sa pagbibigay pagkilala sa mga mananalo sa Climate Change Awards.

 Ang nasabing parangal ay isinulong ng Local Climate Change for Development  (LCCAD) at ng mga lungsod ng Malolos at Legazpi.

Ayon kay Nong Rangasa, ang executive director ng LCCAD, ang mga best working practicessa pagtugon sa climate change ay nararapat lamang na bigyang pagkilalasuportahan, gawing popular at ibahagi upang magsilbing gabay ng iba pang pamahalaang lokal.

“The Climate Change Award will focus on outstanding social, economic, cultural, environmental, climate change adaptations and mitigation benefits and progressive sustainable development,” ani Rangasa sa panayam ng Mabuhay.

Iginiit pa niya na ang panukalang parangal ay ipagkakaloob sa mga pamahalaang ,lokal, pribadong institution, nongovernment organization, mga negosyante at maging sa mga paaaralan.

Ayon pa kay Rangasa, bukod sa pagkilala, layunin ng parangal ang promosyon ng pagpapalawak ng kaalaman hinggil sa pagtugon sa climate change at disaster risk reduction.  (Dino Balabo)