Showing posts with label climate change. Show all posts
Showing posts with label climate change. Show all posts

Tuesday, July 29, 2014

Mga bahay winasak ng storm surge sa baybayin ng Bulacan


 

HAGONOY, Bulacan—Mahigit 60 na taon nilang inalagaan ang kanilang bahay na itinayo ng kanilang magulang, ngunit sa loob lamang ng dalawang minuto ito ay naglaho.

Ito ang patunay balasik ng malalaking alon na hatid ng storm surge matapos tahakin ng bagyong Glenda ang Manila Bay noong Miyerkoles, Hulyo 16 patungo sa West Philippine Sea.

Sa kabuuan, hindi bababa sa 60 bahay sa mga coastal barangay ng Pugad at Tibaguin ang winasak ng malalaking alon na hatid ng bagyo.

Sa panayam kay Joey Gregorio, 44, ng Barangay Pugad, inilarawan niya kung paano nawasak ang kanilang bahay.

 “Wala kaming nagawa, dalawang minuto lang nawala na yung bahay dahil sa laki ng alon,” aniya at iginiit pa na pati bahay ng kanyang tatlong nakatatandang kapatid na nakatayo sa gilid ng kanilang ancestral house ay  nawasak din ng storm surge.

Ang mga nasabing bahay ay yari sa concrete hollow blocks.

Sa oras ng panayam noong Biyernes, Hulyo 18, tanging tumpok na lamang ng kahoy at nasirang kagamitan ang nalabi sa mga nasabing bahay, bukod sa konkretong comfort room ng bahay ng kuya ni Gregorio.

Sa katabing barangay ng Tibaguin, napaluha si Yolanda Geronimo ng ikuwento kung ano ang nangyari sa kanilang bahay na itinayo may tatlong taon na ang nakakaraan.

“Twenty minutes lang wala na yung bahay namin,”  sabi ng ginang.


Ayon kay Geronimo, ang nawasak nilang bahay ay kapalit lamang ng kanilang bahay na winasak dinng storm surge sa pananalasa ng bagyong Quiel noong 2011.

“Dalawang sunod na po iyan mula noong Quiel,” ani Geronimo habang pinipigil ang luha.

Samantalang, ipinagdadalamhati nina Gregorio at Geronimo ang pagkawasak ng kanilang mga tahanan, nagpasalamat din sila na walang nasawi sa kanilang kapamilya, maging sa kanilang mga ka-barangay.

Gayunpaman, nilinaw nila na ang pananalasa ng storm surge sa kanilang barangay ay dulot ng pagkasira ng may 200 ektaryang pambayang palaisdaan na dati ay nagsisilbing panangga ng dalawang barangay sa malalaking alon mula sa Manila Bay.

Kinatigan naman nina Kagawad Gilbert Tamayo at Alfredo Lunes ng Barangay Pugad ang kanilang pahayag.

Ayon sa dalawang Kagawad ng Barangay, nawasak ang mga pilapil ng pambayang palaisdaan may anim na taon na ang nakakaraan matapos na ito ay mapabayaan.

Dahil dito, hindi nila maiwasan ang mangamba sa tuwing mananalasa ang mga bagyo.

“Natatawag po naming ang lahat ng Santo sa simbahan kapag bumabagyo na dahil walang humaharang sa alon mula sa dagat,” sabi ni Tamayo.


Inayunan din ito nina Kagawad Ariel Dela Cruz at Renato Gregorio.

Katunayan, napaluha din si 60-na taong gulang na si Gregorio habang ikinukuwento ang kaniyang karanasan.

“Napagrabe pong nangyari sa aming barangay.  Animnapung taon na ko dito, ngayon lang nangyari ang ganito,” ani ng Kagawad.

Inilarawan niya na umabot sa mahigit pitong talamapakan ang laki ng mga alon na humapas sa mga tahanan sa baybayin ng Pugad.

Ito ay dahil sa walang humaharang na panangga sa alon.

Iginiit pa ni Gregorio na ang pagkasira ng napabayaang propius ang sanhi ng pananalasa ng alon sa kanilang Barangay.

Dahil dito, iginiit ni Dela Cruz na dapat ay bigyang diin ng mga ahensiya ng gobyerno ang pagbibigay protektsyon sa baybayin ng Bulacan.

“Madalas kasi, sa kabayanan lang nakatutok ang mga proyekto ng mga nasa matataas na posisyon sa gobyerno at nakakalimutan ang mga coastal barangay,” aniya.

“Lalong kailangan namin ang panangga sa alon ngayon, sana ay magjkaroon hg dike okaya ay simulan na ang rehabilitasyon ng propius sa tabi ng Pugad,” sabi dela Cruz.

Kaugnay nito, tiniyak ni Mayor Raulito Manlapaz ng bayang ito na masisimulan ang rehabilitasyon ng nasabing palaisdaan sa Disyembre.


Si Manlapaz ay bumisita sa dalawang barangay upang mamahagi ng relief goods noong Biyernes, o dalawang araw matapos manalasa ang bagyong Glenda.

Inabutan niya ang mamamahayag na ito na noo’y naghahanda ng umalis upang magbalik sa kabayanan ng Hagonoy.

Ayon kay Manlapaz, inihahanda na nila ang pondo para sa rehabilitasyon at nakipag-ugnayan na sila kay Gob. Wilhelmino Alvarado upang hiramin ang dredging machine ng kapitolyo.

Iginiit pa ni Manlapaz kailangan nilang tulong sa pagsasagawa ng rehabilitasyon sa 13-kilometrong coastline ng bayang ito na ang malaking bahagi ay winasak na ng alon.
Dino Balabo

Thursday, March 20, 2014

Kapabayaan mitsa ng pagkaubos ng bakawan


Ang nalalabing hanay ng bakawan sa baybayin ng Barangay Pugad, Hagonoy, Bulacan. Dino Balabo



HAGONOY, Bulacan—Laging nasa huli ang pagsisisi.

Ito ang aral  na ibinahagi ng mga residente ng Barangay Pugad sa bayang ito hinggil sa pagkaubos ng bakawan sa baybayin ng barangay.

Dahil sa pagkaubos ng bakawan, nawasak ang pilapil ng palaisdaang bayan o propius na dati ay nagsisilbing pananggalang ng barangay sa malalaking alon na nagmumula sa Manila Bay lalo na kung tag-ulan.

Tinukoy din ng mga residente na lubhang mahalaga para mga mangingisda ang mga bakawan dahil ito ay nagsisilbing itlugan o sangtwaryo ng mga isda.

“Siguro, dahil na rin sa aming kapabayaan kaya naubos ang bakawan dito sa amin,” sabi ni Kagawad Edgardo Baltazar ng Barangay Pugad.

Si Baltazar ay isa sa mga opisyal ng barangay na humarap at nagpaliwanag sa mga mag-aaral ng Bulacan State University (BulSU) kaugnay ng isinagawang Lakbay Coastal na inorganisa ng pamahalaang bayan ng Hagonoy.

Ikinuwento niya na sa mga nagdaang panahon ay makapal ang bakawan sa baybayiong dagat.

Ngunit hindi nagtagal ito ay unti-unting naubos ay ilang tumpok na lamang ang natira.

Ayon kay Baltazar, may mga taong pumutol ng mga bakawan upang ito ay ipanggatong.

Bukod dito, may mga pumutol upang gawin itong bahagi ng kanilang bangka.

“Hindi naming pinansin noon ang pamumutol, marami pa kasi noon ang mga bakawan,” sabi ng kagawad.

Dahil sa pagkaubos ng bakawan, nagpipilit namang magtanim ngayon sa baybayin ng barangay.
 
Ang parola at nalalabing bakawan sa Pugad. Dino Balabo
Ito ay upang magsilbing panangga sa mga alon.

“Kaya ngayon kapag may nag-alok sa amin ng bakawan upang itanim, hindi kami tumatanggagi,” sabi Baltazar.

Bilang patunay, isang grupo ang nagtanim ng bakawan sa baybayoinng barangay isang linggo bago isagawa ang Lakbay Coastal.

Kinumpirma ito nina Kagawad Alfredo Lunes at Maximo Crisostomo, ang pinuno ng Hagonoy Municipal Cooperative Development Council.

Ayon kay Lunes, maging mga mag-aaral ng Bulacan State University at mga kasapi ng ibat-ibang simbahan ay nagsasasagawa ng pagtatanimng bakawan sa kanilang lugar.

Ito ay karaniwang isinagawa mula Nobyembre hanggang tag-araw o buwan ng Marso at Abril.
 
Mga mag-aaral ng BulSU.  Dino Balabo
Ito kasi angmga panahon na ang low tide o mababaw ang tubig sa karagatan, bukod pa sa ang hanging umiihip ay amihan o palayo sa dalampasigan.

Para naman kay Crisostomo, halos dalawang beses isang taon ay nakikiisa ang MCDC sa pagtatanim ng bakawan.

Subalit, marami sa mga itio ay namamatay dahil sa naaanod ng tubig.

Iginiit paniya na maging ang mga namamalaisdaan sa bayang ito ay naghahanap ng bakawan upang maitanim sa pilapil ng palaisdaan upang iyon ay hindi mapinsala ng alon.

Una rito, pinlano ni Gob. Wilhelmino Alvarado na magtanim ng daan libong bakawan sa baybayin ng Pugad.

Ito ay dahil samay inialokna donayasyong bakawan ang Eco-Shield Development Corporation na bakawan sa kapitolyo noong huling bahagi ng 2012.

Ngunit ang nasabing plano ay hindi natuloy at hindi naitanim ang donasyong bakawan ng Eco-Shield.  Dino Balabo

Libong ektaryang palaisdaan nilamon ng dagat



Napinsalang pilapilng palaisdaan na ginawang fishpen.  Dino Balabo



HAGONOY, Bulacan—Nagpahayag ng pangamba ang mga residente at opisyal ng bayang ito dahil sa patuloy na nilalamon ng Manila Bay ang baybaying bahagi nito.

Apektado na ang halos 800 ektaryang pribadong palaisdaan bukod pa sa mahit 400 ektaryang propius o palaisdaang pag-aari ng pamahalaang bayan ng Hagonoy.

Ayon kay Louie Libao, fishery officer ng bayang ito, ang pagkawasak ng mga pilipil ng 800-ektaryang pribadong palaisdaan ay nagsimula may tatlong taon na ang nakakaraan.

Ito ay nangangahulugan na umaabot sa 266.6 ektarya ng palaisdaan ang nilalamon ng dagat bawat taon, o 22.2 ektarya bawat buwan sa nagdaang tatlong taon.

Sa kasalukuyan, kabilang sa mga palaisdaang nawasak ang pilapil ay matatagpuan sa mga Barangay ng Tibaguin, Pugad, San Roque at San Pascual sa bayang ito.

 Ayon kay Libao, ang mabilis na pagkasira ng mga palaisdaan sa bayang ito ay sanhi ng epekto ng climate change na pinalubha pa ng kapabayaan at pagka-ubos ng mga bakawan at iba pang puno sa baybayin na nagsisilbing panangga sa mga alon.

Inihalimbawa ni Libao ang mahigit sa 400 ektaryang propius ng bayang ito na nilamon ng dagat may anim na taon na ang nakakaraan.

Ang nasabing propius ay dating nirerentahan ng mga malalaking fishpond operator na sila na ring nagsasagawa ng rehabilitasyon sa mga pilapil nito.

Ngunit ng matapos ang kontrata sa renta ng nasabing propius, hindi agad narentahan ito dahil ang nais ng dating punong bayan ng Hagonoy ay maging mas mataas ang renta bawat taon.

Ngunit isa sa argumento ng mga rerentang fishpond operator ay ang malaking gastos sa buong taong rehabilitasyon ng pilapil ng propius.

Ang kalagayang ito, ayon kay Libao ay malaking banta hindi lamang sa kabuhayan ng mga residente at mga namamalaisdaan.

Ito ay banta rin sa mga pamayanan, partikular na samga barangay na malapit sa baybayin.

Inayunan din ito nina Konsehal Elmer Santos at Maximo Crisostomo, ang tagapamuno ng Municipal Cooperative Development Council (MCDC), isa sa mga pangunaging grupo na nagsusulong ng malawakang pagtatanim ng bakawan sa baybayin dagat ng bayang ito.

Iginiit ni Santos ang madaliang rehabilitasyon sa mga palaisdaang nakaharap sa Manila Bay na karaniwang hinahampas ng along kapag tag-ulan.

 Para naman kay Crisostomo, dapat ring magsagawa ng malawakang pagtatanim ng bakawan upang magsilbing proteksyon.

Igininiit pa niya na maging mga pilapil ng mga palaisdaang nasira ay dapat taniman ng bakawan.

Ito ay dahil sa mga nasalantang palaisdaan ay nai-convert na fishpen ng ilang malalaking fishpond operator.

Ito ay sa pamamagitan ng pagbabakod ng mataas na lambat sa paligid ng palaisdaan upang kahit wasak ang ilang bahagi ng pilapil ay mapanatiling nakakulong sa loob ang mga isdang alaga tulad ng bangus, sugpo at iba pang produkto.

Sa kabila naman ng patuloy na operasyon ng palaisdaang ginawang fishpen, nagpahayag din ng pangamba ang maliliit na mangingisda dahil sa epekto ng aqua feeds na ginagamit ng mga operator ng fishpen.  (Dino Balabo)

Saturday, November 2, 2013

Pangalagaan ang mga pamanang pangkasaysayan





MALOLOS—Suriin, kumpunihin ay suhayan ang mga pamanang pangkasaysayan sa bansa.

Ito ang buod ng magkahiwalay panawagan ng sektor ng turismo sa Bulacan at mga mamamahayag na lumahok sa katatapos na ika-17 Graciano Lopez Jaena Ciommunity Journalism Fellowship on Disaster Reporting sa University of the Philippines (UP).

Ang panawagan ay magkasabay na inihayag noong Biyernes,ilang araw matapos yanigin ng lindol na may lakas na magnitude 7.2 noong Oktubre 15 ang lalawigan ng Bohol kung saan ay nasira ang mga heritage sites.

Ayon kay Dr. Reynaldo Naguit, isa sa mga convenors ng Bulacan Tourism Tri-conventionna isinagawa sa lungsod na ito noong Biyernes, dapat isama sa pambasa at lokalna plano sa turismo ang konserbasyon ng mga heritage sites o pamanang pangkasaysayan sa bansa na dinarayo ng mga turista.

Bilang isang historyador at direktor ng Institute of Local Government Administration (ILGA) sa Bulacan State University, sinabi ni Naguit na angmga heritage sites ay nangangailangan akmang pagmamantine.

“Hindi lang buhay at mga ari-arian ang napinsala sa lindol sa Bohol, kungdi magingmga istraktura na mahigit 100 taon na,” sabi ni Naguit at iginiit na mga matatandaang simbahan ay isang magadang reperensiya sa pag-aarala ng sining, kalinangan at kasaysayan ng lahi.

Kinatigan din ito ni Jose Clemente ng Bulacan Tourism Conventions and Visitors Board (BTCVB) na nagsabing ang mga matatandang simbahan sa Gitnang Luzon partikular na sa Bulacan ay posible rin mapinsala salindol.

Bilang isa sa mga convnor sa katatapos na tourism convention, inihalimbawa ni Clemente ang makasaysayang simbahan ng Barasoain na karaniwang dinarayo ng mga mag-aaral na lumalahok samga field trip.

Ayon kay Clemente ang nasabing simbahan ay huling isinailalim sa pagpapakumouni noong 1997 bilang paghahanda sa sentenaryo ng republika ng Pilipinas noong 1998.

Para naman sa mga mamamahayag na lumahok sa ika-17 Lopez Jaena  Community Journalism Feloowship sa UP, dapat manguna angmga ahensiya ng pamahalaang  nasyunal sa preserbasyon ng mga heritage sites.

Binigyang diin nila na hindi lamang lindol ang dapat paghandaan, kungdi maging ang epekto ng climate change na unti-unting sumisira sa mga matatandang istraktura.

Kabilang sa mga ahensiyang tinawagan nila ng pansin ay ang National Historical Commission of the Philippines (NHCP), Department of Tourism (DOT), Climate Change Commission (CCC), Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Department of Science and Technology (DOST). 

Ayon sa pinagtibay na resolusyon, “the country’s history and culture are seen not only in written records but also in historically valuable structures as well. These are the so-called heritage sites, many of which have not been properly documented.”

Iginiit pa ng resolusyin na “Heritage sites serve as a repository of our history, and such structures remind us and the future generations of who we are as Filipinos; however, many heritage sites are vanishing fast not only due to the impacts of climate change and natural disasters but also due to utter neglect of people.”

Ayon sa mga mamamahayag, hindi lamang mga mamamayan at imprastraktura ang nabiktima ng lindol sa Bohol kungdi maging mga heritage sites tulad ng mga matatandang simbahan.

Batay sa resolusyon, hiniling ng mga mamamahayag ang “immediate inventory of our cultural heritage sites; inspection, assessment and documentation of heritage sites; preparation of short and long term programs for the preservation of our heritage sites; implement remediation measures, such as retrofitting, that will help strengthen and improve resilience of heritage sites that are exposed to the impacts of climate change and other hazards; regular maintenance of heritage sites;  and publications of gathered inventory to inform the Filipino people the historical and cultural significance of heritage sites.” (Dino Balabo)