Thursday, September 13, 2012

COLLABORATIVE APPROACH TO SAVE IPO WATERSHED

The Department of Environment and Natural Resources (DENR) in Central Luzon forms a strategic alliance with the Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) and the Local Government Units (LGUs) of Norzagaray and San Jose Del Monte in Bulacan to address timber poaching, squatting, kaingin-making and forest fire inside the 6,600-hectare Ipo Watershed. Established under Presidential Proclamation 391 of 1968, the Ipo watershed supplies domestic water to more than 11 million people of Metro Manila. The Ipo dam has a storage capacity of 7.5 million cubic meters of fresh water and lies about 7.5 kilometers downstream of Angat dam.

Saturday, September 8, 2012

Hindi lahat ng tubig na nagpalubog sa Hagonoy at Calumpit ay nagmula sa Candaba Swamp





HAGONOY, Bulacan—Hindi lahat ng tubig na nagpalubog sa bayang ito at sa Calumpit noong ikalawang linggo ng Agosto ng Agosto ay nagmula sa Candaba Swamp sa Pampanga.

Ito ang paliwanag ng Pampanga River Flood Forecasting and Warning System (PRFFWC) na ipinadala sa Mabuhay noong Agosto 16.

Iginiit naman ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO), na “hindi sa Candaba Swamp ang backflooding dahil hindi ito umapaw.”

Ngunit para sa mga residente ng bayang ito at ng Calumpit, ang Candaba Swamp at Ilog ng Pampanga ay iisa ang kahulugan dahil sa pananaw na ang bahagi ng kailugan ay dumaan sa bahagi ng Candaba Swamp.

“Not all flooding in your area is attributed to Candaba Swamp, ani Hilton Hernando ng PRFFWC na nakabase sa Lungsod ng San Fernando sa Pampanga sa isang email na ipinahatid sa Mabuhay noong Agosto 16.

Ipinaliwanag niya na bago lumubog sa backflood ang Hagonoy at Calumpit noong Agosto10 ay mababa ang tubig sa Candaba Swamp.

Sa tulong ng mapa, ipinakita ni Hernando sa Mabuhay ang kinalalagyan ng Candaba Swamp at ipinaliwanag na sa kabila na ang bahagi ng Ilog ng Pampanga ay naka-ugnay doon, hindi basta tumataas ang tubig sa Swamp.

Ayon kay Hernando at sa mapang kanyang ipinakita, higit na tataas ang tubig sa Swamp kung ang Ilog ng Pampanga ay aapaw sa bahagi ng Cabiao Floodway sa Nueva Ecija, at ang tubig sa Ilog ng Pampanga sa bahagi ng bayan ng Arayat ay aabot sa 9.5 meters.

Idinagdag niya na ang tubig na nagpalubog sa Calumpit at Hagonoy ay dahil sa pag-apaw ng Ilog ng Pampanga sa bahagi ng Calumpit.

“Hagonoy is flooded thru the spill-over of Pampanga River at Calizon (Calumpit) corresponding to an estimated level at Sulipan gauge station at above 3.60 to 3.65 meters,” ani  Hernando.

Ang Cabiao Floodway at bayan ng Arayat ay matatagpuan sa hilaga ng Candaba Swamp, samantalang ang Sulipan na bahagi ng Apalit, Pampanga, at ang Barangay Calizon sa Calumpit ay nasa timog kanluran ng Candaba Swamp.

Batay pa rin sa mapang ipinagkaloob ni Hernando,  ipinakita niya na maraming ilog ang dumadaloy sa Ilog Pampanga na ang dulong itaas ay nasa Nueva Ecija, ang dulong ibaba ay nasa Manila Bay.

Ayon kay Hernando, sa silangan ng Candaba Swamp ay makikita ang mga Ilog ng Bulu at Maasim na matatagpuan sa mga bayan ng San Miguel at San Ildefonso ayon sa pagkakasunod.

Sa hilagang kanluran naman ng Swamp ay ang Rio Chico na dumadaloy mula
sa Tarlac at Nueva Ecija.

Ayon kay Hernando higit na problema ang hinaharap kapag
nagakasabay-sabay na umapaw ang mga nasabing ilog kasama ang mga Ilog
ng Coronel at Penaranda sa Nueva Ecija, at ang Ilog Angat.

Ito ay dahil sa ang mga tubig na dumadaloy sa Ilog ng Pampanga at
Angat ay nagsasalikop sa bahagi ng Calumpit bago maghiwalay patungo sa
Manila Bay.

Ang tubig na dumadaan sa Bulacan ay dumadaloy sa labangan Channel at Ilog Angat sa bayan ng Hagonoy; samantalang ang dumadaloy sa Pampanga pababa ng Manila Bay ay dumadaan sa bahagi ng Macabebe at Masantol.

Batay sa karanasan, kapag dumadaloy na antub og sa mga nasabing ilog, lalong tumatagal ang pagbaha sa mga bayan sa baybayin ng Manila Bay kapag nasalubong ito ng high tide at ng malakas na hanging habagat na naghahatid ng malalaking alon na nakakapagpabagal sa paglabas ng tubig
sa Manila Bay.

Kaugnay nito, sinabi naman ni Liz Mungcal, hepe ng PDRRMO na hindi sa Candaba Swamp nagmula ang tubig na nagpalubog sa Hagonoy at Calumpit.

Ngunit para sa mga residente ng bayang ito at ng Calumpit halos magkasingkahulugan ang Candaba Swamp at Ilog ng Pampanga.

Binigyan diin ng ilan na pamilyar sa mapa ng Ilog ng Pampanga na ang bahagi ng ilog ay dumadaloy sa Candaba Swamp.

Una rito, binatikos ng ilang residente ang PDRRMO dahil sa kakulangan ng babala hinggil sa posibilidad ng back flood noon ikalawang linggong Agosto.

Ngunit iginiit ni Mungcal na ang impormasyong ipinahatid ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office ng Hagonoy noong panahong iyon ay sa kanila nanggaling.

Payo ng kapitolyo sa land developers, gamitin ang green technology



 
SOIL HOUSE. Nakangiting nagpakuha ng larawan sina Fr. Dars at Fr. Dennis sa harap ng bahay na gawa sa lupa sa Jubilee Homes sa bayan ng Plaridel.

 
MALOLOS—Nanindigan ang kapitolyo para sa makakalikasang teknolohiya at
ipinayo sa mga negosyanteng nagtatayo ng proyektong pabahay sa
lalawigan na gamitin ito sa kanilang mga proyekto.

Ayon kay Arlene Pascual, hepe ng Provincial Planning and Development
Office (PPDO), ang paggamit ng green technology o makakilkasang
teknolohiya sa pagtatayo ng mga proyektong pabahay ay makakatulong sa
paglaban sa epekto ng climate change.

Iginiit pa niya na ito ay tugon din sa mga kalamidad na nararansan sa lalawigan.

Sa kanyang presentasyon sa mga negosyante dumalo sa talakayang
inorganisa ng Bulacan Chamber of Commerce and Industry (BCCI) noong
Agosto 31, ipinayo ni Pascula na dapat ipatupad at gayahi ng mga
negosyante sa lalawigan ang mga teknolohiyang ginagamit sa Estados
Unidos at Europa.

Ipinawanag niya na ang mga teknolohiyang ito ay kasing simple ng
pagtatayo ng bahay na ang mga malalaking bintana ay nakaharap sa ihip
ng hangin.

Ayon kay Pascual, sa pamamaraang ito, mas makakatipid ng gamit sa
kuryente o enerhiya ang titira sa nasabing bahay dahil mas malamig
iyon ay hindi masyadong gagamit ng kuryente upang paandarin ang
bentilador o airconditioner.

Dahil malalaki ang bintana ng bahay, mas magiging maliwanag din iyon
at magagamit ang natural na liwanag.

Ihinalimbawa  rin niya na ang teknolohiya sa Venice kung saan ay may
mga bahay na hindi lumulubog sa high tide sa kabila ang ansabing
lungsod ay laging lumulubog.

“We have to understand that there is climate change and all we can do
is adapt to make our communities resilient,” ani Pascual.

Ipinaliwanag pa niya na ang climate change adaptation o patugon sa
climate change at pagbabawas ng epekto nito ay kabilang sa mga
pangunahing polisiya na binuo ng pamahalaang panglalawigan.

Bukod sa mga nasahing teknolohiya, ipinayo rin ni Pascual ang paggamit
ng rainwater harvesting system.

Ito ay ang pagsasahod ng tubig ulan at paggamit nito sa paghuhugasng
gamit, pandilig ng halaman, o kaya ay panlinis sa banyo at ibang
bahagi ng bahay.

Ayon kay Exuperio Lipayon ng Department of Environment and natural
Resources (DENR), ang rain water harvesting system ay makakatulong din
para makabawas sa pagbaha.

Ipinaliwanag ni Lipayon na ito ay dahil sa hindi agad dumadaloy s amga
kanal, sapa at ilog ang tubig ulan..

Ang nasabing teknolohiya ay nauna ng sinimulan ni Inhiyero Rodolfo
German ng National Power Corporation sa Angat Dam.

Ito ay matapos makaranas ng kakulangan sa tubig ang lalawigan sa
panahong ng pananalasa ng El Nino may tatlong taon na ang nakakaraan.

Kaugnay nito, ipinayo naman ni dating Environment Secretary Elisea
Gozum ang paggamit ng puti o mapusyaw na kulay ng pintura sa bahay
partikular na sa mga bubong.

Ayon kay Gozum ang mas madilim na na kulay ng pintura ay humihigop ng
init mula sa araw samantalang ang puti o mapusyaw na kulay ng pintura
ay mas malamig.

Kung gagamitin sa bubungan, ang putting pintura ay nagbabalik ng init
sa himapapawid, ani Gozum.