SOIL HOUSE. Nakangiting nagpakuha ng larawan sina Fr. Dars at Fr. Dennis sa harap ng bahay na gawa sa lupa sa Jubilee Homes sa bayan ng Plaridel. |
MALOLOS—Nanindigan ang kapitolyo para sa makakalikasang
teknolohiya at
ipinayo sa mga negosyanteng nagtatayo ng proyektong pabahay
sa
lalawigan na gamitin ito sa kanilang mga proyekto.
Ayon kay Arlene Pascual, hepe ng Provincial Planning and
Development
Office (PPDO), ang paggamit ng green technology o
makakilkasang
teknolohiya sa pagtatayo ng mga proyektong pabahay ay
makakatulong sa
paglaban sa epekto ng climate change.
Iginiit pa niya na ito ay tugon din sa mga kalamidad na
nararansan sa lalawigan.
Sa kanyang presentasyon sa mga negosyante dumalo sa
talakayang
inorganisa ng Bulacan Chamber of Commerce and Industry
(BCCI) noong
Agosto 31, ipinayo ni Pascula na dapat ipatupad at gayahi ng
mga
negosyante sa lalawigan ang mga teknolohiyang ginagamit sa
Estados
Unidos at Europa.
Ipinawanag niya na ang mga teknolohiyang ito ay kasing
simple ng
pagtatayo ng bahay na ang mga malalaking bintana ay
nakaharap sa ihip
ng hangin.
Ayon kay Pascual, sa pamamaraang ito, mas makakatipid ng
gamit sa
kuryente o enerhiya ang titira sa nasabing bahay dahil mas
malamig
iyon ay hindi masyadong gagamit ng kuryente upang paandarin
ang
bentilador o airconditioner.
Dahil malalaki ang bintana ng bahay, mas magiging maliwanag
din iyon
at magagamit ang natural na liwanag.
Ihinalimbawa rin niya
na ang teknolohiya sa Venice kung saan ay may
mga bahay na hindi lumulubog sa high tide sa kabila ang
ansabing
lungsod ay laging lumulubog.
“We have to understand that there is climate change and all
we can do
is adapt to make our communities resilient,” ani Pascual.
Ipinaliwanag pa
niya na ang climate change adaptation o patugon sa
climate change at pagbabawas ng epekto nito ay kabilang sa
mga
pangunahing polisiya na binuo ng pamahalaang panglalawigan.
Bukod sa mga nasahing teknolohiya, ipinayo rin ni Pascual
ang paggamit
ng rainwater harvesting system.
Ito ay ang pagsasahod ng tubig ulan at paggamit nito sa
paghuhugasng
gamit, pandilig ng halaman, o kaya ay panlinis sa banyo at
ibang
bahagi ng bahay.
Ayon kay Exuperio Lipayon ng Department of Environment and
natural
Resources (DENR), ang rain water harvesting system ay
makakatulong din
para makabawas sa pagbaha.
Ipinaliwanag ni Lipayon na ito ay dahil sa hindi agad
dumadaloy s amga
kanal, sapa at ilog ang tubig ulan..
Ang nasabing teknolohiya ay nauna ng sinimulan ni Inhiyero
Rodolfo
German ng National Power Corporation sa Angat Dam.
Ito ay matapos makaranas ng kakulangan sa tubig ang
lalawigan sa
panahong ng pananalasa ng El Nino may tatlong taon na ang
nakakaraan.
Kaugnay nito, ipinayo naman ni dating Environment Secretary
Elisea
Gozum ang paggamit ng puti o mapusyaw na kulay ng pintura sa
bahay
partikular na sa mga bubong.
Ayon kay Gozum ang mas madilim na na kulay ng pintura ay
humihigop ng
init mula sa araw samantalang ang puti o mapusyaw na kulay
ng pintura
ay mas malamig.
Kung gagamitin sa bubungan, ang putting pintura ay
nagbabalik ng init
sa himapapawid, ani Gozum.
No comments:
Post a Comment