Thursday, March 7, 2013

Makakalikasang campaign material, inilunsad sa Malolos



Mga halimbawa ng eco-friendly materials



MALOLOS—Inaasahang higit na magiging makakalikasan ang kampanya ng mga kandidato sa lungsod na ito sa nalalapit na halalan hindi lang sa salita, kundi sa gawa.

Ito ay dahil sa paglulunsad ng eco-friendly campaign materials na magsisilbing kapalit ng mga tarpaulin at plastic na nagsisilbing basura.

Kabilang sa mga eco-friendly campaign materials na inilunsad ay ang eco-cloth, biodegradable plastic at recycled cardboard.

Bukod dito, ang pinturang gagamitin sa mga nasabing campaign materials ay lead-free paint na itinataguyod ng United Nations.

Ang mga halimbawa ng eco-friendly campaign materials ay ipinakita ni Mayor Christian Natividad ng lungsod sa mga mamamahayag kasunod ang pangakong iyon ang gagamitin ng mga kasama niyang kandidato ng Liberal Party sa lungsod.

“Gusto naming mag-set ng trend sa mga kandidato na eco-friendly materials ang gamitin sa kampanya para maging makakalikasan ang halalan,” sabi ni Natividad.

Iginiit pa niya na sa paggamit ng mga nasabing materyales ay mapatutunayan ng sinumang kandidato na sila ay tunay na nagmamahal sa kalikasan at nais proteksyunan ito.

Ito ay dahil na rin sa tuwing halalan, maraming kandidato ang nangangampanya para sa kalikasan ngunit ang gamit na materyales sa mga poster ay tarpaulin.

“Sa totoo lang, kaming mga kandidato ang karaniwang violator ng batas pangkalikasan, pero ngayon may option na, pagkakataon na patunayan na makakalikasan nga tayo,” sabi ng alkalde.
Pangako para sa makakalikasang halalan 

Idinagdag pa niya na “sana ay gayahin din ito ng iba pang mga kandidato hindi lang sa local kundi sa national positions.”

Ang pagsusulong ni Natividad sa eco-friendly campaign materials ay kaugnay ng pinagtibay na First Malolos Green Covenant na nilagdaan ng mga tagapamuno ng mga Liga ng Alkalde sa Lungsod at Bayan at mga Gobernador sa bansa noong nakaraang Setyembre sa Barasoain Church.

Ayon kay Natividad, matapos malagdaan ang Green Covenant na naisumite na sa Kongreso at United Nations, ay pinag-isipan na nila kung paano makasusunod sa itinatakda nito.

“Naisip ko na mawawalan ng silbi ang Green Covenant kung kami mismo na nagsulong ay lalabag, kaya naghanap kami ng eco-firendly campaign materials,” aniya.

Sa kanyang pakikipag-ugnayan kay Dondon Hornedo ng ED Enterprises, nakita nila na ang mga eco-cloth na ginagamit sa mga eco-shopping bags ay maaaring ipangpalit sa mga tarpaulin.

Ayon kay Hornedo, mas mura ang eco-cloth kaysa tarpaulin ng halos apat na beses.

Ang isang yarda ng eco-cloth na may sukat na apat hanggang anim na square feet ay nagkakahalaga lamang ng P22 samantalang ang isang square foot ng tarpaulin ay P13.

Ang mga eco-cloth ay mabibili ng maramihan sa Divisoria.  Dino Balabo

1 comment:

  1. Harrah's Resort Southern California Casino & Spa - Mapyro
    Harrah's Resort Southern California Casino & Spa is a Casino in 나주 출장마사지 Valley Center, 제천 출장마사지 California and is open 수원 출장마사지 daily 24 hours. The 안양 출장안마 casino is open 광명 출장마사지 daily 24 hours

    ReplyDelete