HAGONOY,
Bulacan—Malakas ba ang magiging buhos ng ulan sa inyong lugar?
May
posibilidad ba ng pagkulog, pagkidlat at pagbaha sa mga susunod na araw?
Ang
mga katanungang ito ay malapit ng matugunan ng Philippine Atmospheric
Geophysical Astronomical Services Administration (Pagasa) dahil sa patuloy na
pagpapaunlad ng kakayahan nito salayuning makapaghatid ng localized weather
forecasting.
Ang
layuning ito ay bahagi ng mas malawak na programang Nationwide Operational
Assessment of Hazards (NOAH) pinasimulan noong nakaraang taon ng Department of
Science and Technology (DOST).
“We
will soon be capable of localized weather forecasting,” sabi ni Dr. Flaviana
Hilario, deputy head for research and development Pagasa.
Si
Hilario ay nagmula sa Barangay Sta.Rita sa bayan ng Guiguinto at nakapanayam sa
telepono ng mamamahayag na ito noong nakaraang linggo.
Sa
nasabing panayan, ipinaliwang ng dalubahsa na ang localized weather forecasting
ay maghahatid ng malaking tulog sa mga lokalna opisyal sa paghahanda at
pagtugon sa kalamidad na hatid ng masungit na panahon.
Ayon
kay Hilario, ang local weather forecasting ay naglalayon na matukoy ang
kalagayan ng panahon sa isang bayan, lungsod at lalawigan.
Ito
ay nasimulan na ng Pagasa sa pamamagitan ng paghahatid ng mga taya sa panahon sa
ilang mga lalawigan at bayan sa bansa.
“Very
soon, pwede na sa lahat ang localized weather forecasting,” ani Hilario at
bibigyang diin na ito ay dahil sa patuloy nilang pagdadagdag ng mga
instrumentong makakatulong sa pagtaya ng panahon sa ibat-ibang bahagi ng bansa.
Kabilang
dito ay ang paglalagay ng mga Dopple Radar, kasama ang may 200
automatic weather stations (AWS) at 1,000 rain gauges.
Ayon
kay Hilton Hernando ng Pampanga River Flood Forecasting and Warning Center
(PRFFWC), ang mga AWS ay bahagi ng early warning system ng gobyerno o mga
instrumentong ginagamit sa pagsukat ng ulan upang makapaghatid ng mga babala.
Binigyang
diin niya na ang mga instrumentong kaakibat ng AWS ay may kakayahang masukat
temperatura, humidity, bilis, lakas at direksyon ng hangin at magi gang bubuhos
na ulan.
Ayon
pa sa kanya ang mga impormasyong naiipon ng mga instrumento ay inaanalisa nila
at ng mga namaumuno sa mga Provincial Disaster Risk Reduction Management Office
(PDRRMO).
Kaugnay
nito,ang bulang ay mayroon nang dalawang AWS, bukod pa sa 42 rain gauges na
nakakalat sa mga istratehikong lugar sa 21 bayan at tatlong lungsod ng
lalawigan.
Ayon
kay Liz Mungcal, tagapamuno ng PDRRMIO, ang mga nasabing instrumento
ang nagsisilbing batayan nila sa pagtaya sa panahon tulad ng ulat at baha sa
lalawigan.
Sa
tulong ng PRFFWC,inaanalisa nilaangmga impormasyong naipon bago magpahatid ng
mga babala sa mga apektadong bayan at pamayanan. (Dino Balabo)
No comments:
Post a Comment