Ang nalalabing hanay ng bakawan sa baybayin ng Barangay Pugad, Hagonoy, Bulacan. Dino Balabo |
HAGONOY,
Bulacan—Laging nasa huli ang pagsisisi.
Ito
ang aral na ibinahagi ng mga residente
ng Barangay Pugad sa bayang ito hinggil sa pagkaubos ng bakawan sa baybayin ng
barangay.
Dahil
sa pagkaubos ng bakawan, nawasak ang pilapil ng palaisdaang bayan o propius na
dati ay nagsisilbing pananggalang ng barangay sa malalaking alon na nagmumula
sa Manila Bay lalo na kung tag-ulan.
Tinukoy
din ng mga residente na lubhang mahalaga para mga mangingisda ang mga bakawan
dahil ito ay nagsisilbing itlugan o sangtwaryo ng mga isda.
“Siguro,
dahil na rin sa aming kapabayaan kaya naubos ang bakawan dito sa amin,” sabi ni
Kagawad Edgardo Baltazar ng Barangay Pugad.
Si
Baltazar ay isa sa mga opisyal ng barangay na humarap at nagpaliwanag sa mga
mag-aaral ng Bulacan State University (BulSU) kaugnay ng isinagawang Lakbay
Coastal na inorganisa ng pamahalaang bayan ng Hagonoy.
Ikinuwento
niya na sa mga nagdaang panahon ay makapal ang bakawan sa baybayiong dagat.
Ngunit
hindi nagtagal ito ay unti-unting naubos ay ilang tumpok na lamang ang natira.
Ayon
kay Baltazar, may mga taong pumutol ng mga bakawan upang ito ay ipanggatong.
Bukod
dito, may mga pumutol upang gawin itong bahagi ng kanilang bangka.
“Hindi
naming pinansin noon ang pamumutol, marami pa kasi noon ang mga bakawan,” sabi
ng kagawad.
Dahil
sa pagkaubos ng bakawan, nagpipilit namang magtanim ngayon sa baybayin ng
barangay.
Ito
ay upang magsilbing panangga sa mga alon.
“Kaya
ngayon kapag may nag-alok sa amin ng bakawan upang itanim, hindi kami
tumatanggagi,” sabi Baltazar.
Bilang
patunay, isang grupo ang nagtanim ng bakawan sa baybayoinng barangay isang
linggo bago isagawa ang Lakbay Coastal.
Kinumpirma
ito nina Kagawad Alfredo Lunes at Maximo Crisostomo, ang pinuno ng Hagonoy
Municipal Cooperative Development Council.
Ayon
kay Lunes, maging mga mag-aaral ng Bulacan State University at mga kasapi ng
ibat-ibang simbahan ay nagsasasagawa ng pagtatanimng bakawan sa kanilang lugar.
Ito
ay karaniwang isinagawa mula Nobyembre hanggang tag-araw o buwan ng Marso at
Abril.
Ito
kasi angmga panahon na ang low tide o mababaw ang tubig sa karagatan, bukod pa
sa ang hanging umiihip ay amihan o palayo sa dalampasigan.
Para
naman kay Crisostomo, halos dalawang beses isang taon ay nakikiisa ang MCDC sa
pagtatanim ng bakawan.
Subalit,
marami sa mga itio ay namamatay dahil sa naaanod ng tubig.
Iginiit
paniya na maging ang mga namamalaisdaan sa bayang ito ay naghahanap ng bakawan
upang maitanim sa pilapil ng palaisdaan upang iyon ay hindi mapinsala ng alon.
Una
rito, pinlano ni Gob. Wilhelmino Alvarado na magtanim ng daan libong bakawan sa
baybayin ng Pugad.
Ito
ay dahil samay inialokna donayasyong bakawan ang Eco-Shield Development
Corporation na bakawan sa kapitolyo noong huling bahagi ng 2012.
Ngunit
ang nasabing plano ay hindi natuloy at hindi naitanim ang donasyong bakawan ng
Eco-Shield. Dino Balabo
No comments:
Post a Comment