MALOLOS—Naghahanda
na ang National Power Corporation (Napocor) sa ikalawang bahagi ng pagsasagawa
ng cloud seeding operation sa Angat Dam.
Ito
ay sa kabila ng pagpasok ng tag-ulan at pananalasa ng bagyong Glenda noong
Miyerkoles, Hulyo 16 na bahagyang nagpataas ang tubig sa dam.
Gayunpaman,
nananatiling mababa sa kritikal na 180 metro ang lebel sa dam at higit na mas
mababa sa normal high level na 210 meters above sea level (masl) kung tag-ulan.
Naitala
ang pagtaas na 3.84 metro sa dam noong
Huwebes, Hulyo 17 ng umangat ito sa 166.58 masl mula sa 166.74 na naitala noong
Miyerkoles, Hulyo 16.
Ayon
saNapocor, anumang oras ay maaari nilang simulan ang cloud seeding operation
dahil nananatiling mababa ang tubig sa dam sa kabila ng pagtaas nito sanhi ng
bagyong Glenda.
Ang
pagtaas ng tubig sa dam ay inasahan ng Napocor mula pang noong Lunes, Hunyo 14
dahil sa noo’y tinatatayang sa sa Gitnang Luzon tatahak ang mata ng bagyo.
Ngunit
ito at bahagyang lumihis at tumama sa Rapu-rapu sa lalawigan ng Albay sa Bicol
at tuluyang tumahak sa bahagi ng kalakhang Maynila noong Miyerkoles.
Bago
dumating ang bagyo,sinabi ni Inhinyero Rodolfo German, general manager ng Angat
River Hydro Electric Power Plant (Arhepp) na kung mapatataas ng sapat ng ulan
na hatid ng bagyo ang tubig sa dam, posibleng hindi na nila ituloy ang cloud
seeding.
Ngunit
dahil sa hindi naging sapat ang ulan na naipon sa dam, sinabi niya na itutuloy
ito dahil bago pa dumating ang bagyong Glenda ay nakaplano na ang operasyon.
Matatandaa
na noong Mayor ay sinimulan ang ang
cloud seeding operation sa dam dahil sa patuloy napagkaubos ng tubig doon.
Ang
nasabing operasyon ay ginastusan ng dalawang konsesyunaryo ng Metropolitan
Waterworks and Sewerage System (MWSS) ng P2.6-Milyon.
Ang nasabing operasyon ay nakabuo ng 60 flight hours.
Ganito
rin katagal at kalaki ang gugugulin ng Napocor sa pagsasagawa ng ikalawang
bahagi ng cloud seeding.
Hinggil
naman sa epekto ng natapos na operasyon, sinabi ni German, na hindi man nito
napaangat ang tubig sa dam ay napabagal nito ang pagbaba.
Dahil
nananatiling mas mababa sa kritikal na 180 meters ang tubig sa dam, hindi pa
rin nagbibigay ng alokasyong tubig ang Napocor sa magsasakang Bulakenyo.
Nilinaw
ni German na polisiya ng pamahalaan na bigyang prayoridad ng Napocor at National
Water Resources Regulatory Board (NWRB) ang pangangailangan sa tubig inumin ng
kalakhang Maynila kapag sumayad sa kritikal na 180 masl ang tubig sa dam.
Sa
kasalukuyan, patuloy pang nagpapadaloy ang Angat Dam ng alokasyong 41 cubic
meters per second (cms) para sa kalakhang Maynila.
Matatandaan
na nagsimulang bumaba ang tubig sa Angat Dam mula noong Disyembre dahil sa
kawalan ng ulan.
Noong
Mayo, sumayad sa kritikalna 180 metro ang lebel ng tubig sa dam at pinutol ang
alokasyon para sa irrigasyon ng magsasaka.
Noong
nakaraang linggo, hiniling ng mga magsasakang Bulakenyo sa NWRB na bawasan ang
alokasyon sa konsesyunaryo ng MWSS upang mapabilios ang pagtaas ng lebel ng
tubig sa dam.
Ito
ay dahil sa kasalukuyan, mas maraming tubig ang pinalalabs ng dam patungo sa
MWSS kumpara sa naiipong tubig mula sa ulan. Dino Balabo
No comments:
Post a Comment