Tuesday, April 3, 2012

Makibaka para sa proteksyon sa kalikasan, ani ng dating punong mahistrado



MALOLOS—Alinmang bansa ay hindi makakaiwas sa sa trahedyang hatid ng kalamidad kung hindi kikilos at makikipabaka para proteksyunan ang kalikasan.

Ang higit na nakahihindik ay pinasalang ihahatid ng mga trahedya sa mga tao at batay sa pagtaya, mas maraming buhay ang masasawi sa mga kalamidad kumpara sa nakitil sa dalawang digmaang pandaigdig.

Sa kanyang talumpati sa mga mag-aaral ng Bulacan State University (BulSU), sinabi ni dating Punong Mahistrado Reynato Puno na ang pinakamalaking pakikibakang hinaharap ng sangkatauhan ay hindi ang mga digmaan, sa halip ay ang pangangalaga sa kalikasan.

“Ako ay naniniwala na ang pinakamahalagang pakikibaka natin ngayon  ay ang pakikibaka upang proteksiyunan ang kalikasam,” ani Puno sa kanyanhg talumpati sa ikalawang taong pagkakatatag ng BulSU Biak-na-Bato Rainforestation program noong Martes, Marso 27.

Ipinaliwanag niya na ang kalaikasan ay dapat pangalagaan sapagkat maarami ang maaapektuhan ng pagpapabaya dito, katulad ng karapatan ng tao na mabuhay, karapatan na makainom ng malinis na tubig at makalanghap ng malinis na hangin.

“Ang pakikibaka na ito ay siyang may pinakamalawak na larangan ng pagtutunggali sapagkat lahat ng bansa sa mundo ay hindi makakaiwas dito,” sabi ni Puno.

Iginiit pa niya na kung hindi kikilos ang bansa at mamamayan, mas marami sa mga buhay na nakitil sa dalawang digmaang pandaigdig ang masasawi sa mga kalamidad na dulot ng hagupit ng kalikasan.

Para kay puno, ang pagpapahiwatig ng posibilidad ng poinsalang ito sa buhay ng tao ay hindi pananakot, sa halip ay isang pagtawag pansin sa mga namumuno dahil sa nakahihindik na kalagayan ng kapalaigiran at kalikasan, partikular na sa Pilipinas.,

Ayon sa dating Punong Mahistrado, ang Pilipinas ay isang hotspot at megadiversity area kaya’t kailangang pangalagaan.

“The country’s forests are habitat for more than 6,000 plant species and numerous bird and animal species, including the endangered Philippine Eagle and the Visayan warty pig.  Forests also serve as home to some 12-Million indigenous peoples.  However, despite, or perhaps because of the richness and importance to people, forests face continuing destruction,” ani Puno.

Idinagdag pa niya na ang Pilipinas ay isa sa mga bansang mabilis ang pagkaubos ng kagubatan, at ito ay pang-apat sa 10 pangunahing bansa na may threatened forest hotspots.

“If deforestation rate of 157,400 hectares per year continues, the country’s remaining forest cover will be wiped out in 40 years,” he aniya at binigyang diin na ang sukat ng kagubatang nakakalbo sa bansa bawat taon at dalawang beses ang laki kumpara sa lupain ng kalakhang Maynila.

Bilang isang environment advocate, ipinaliwanag niya na ang pag-abuso sa kalikasan ay magbubunga ng kalamidad at trahedya katulad ng naganap sa Lungsod ng Ormoc noong Nobyembre 5, 1991 kung saan halos 8,000 katao ang nasawi; at sa mga lungsod ng Cagayan De Oro at Iligan nitong nakaraang Disyembre na kumitil  sa daan daang katao.

Sa kabila, naniniwala ang dating Punong Mahistrado na ang mga trahedya at kalamidad ay maiiwasan.

Hinikayat niya ang bawat isa na makilahok sa pakikibaka  sa pagbibigay proteksyon sa kaliksan at sinambit ang minsay sinabi ni dating Pangulong Abrahan Lincoln ng Estados Unidos na nagsabing, “you cannot escape the responsibility of tomorrow by evading it today.”

Nanawagan din siya sa bawat isa na maging bayani para sa kalikasan at sinabing “let us remember that nothing heroic is accomplished by those who give up.”

Para naman kay Gob. Wilhelmino Alvarado, ang pangangalaga sa kalikasan ay nangangailangan ng mabilis na pagkilos.

Inihalimbawa niya ang pagpapasara sa isang planta sa bayan ng Guiguinto na lumabag sa mga batas pangkalikasan at utos ng kapitolyo at Environmental Management Bureau in Central Luzon.

Hinggil sa pamamahala ng dam, sinabi ng gobernador na kailangang magkaroon ng pananagutan ang mga taong namamahala sa mga ito.

Binanggit din niya na kasalukuyang isinusulong sa Kongreso ng kanyang maybahay  na si Kint. Marivic Alvarado ang National Dam Safety Law (Dino Balabo)

No comments:

Post a Comment