Dahil daw sa tindi ng init naapektuhan ang aquifer o tubig sa ilalim ng
lupa ang Bulacan partikular na sa Malolos.
Ayon Malolos City Water District inuulan na sila ng reklamo
mula sa mga residente dahil sa kawalan ng tulo ng tubig sa gripo.
Sa baranggay San
Pablo, may dalawang linggo na daw na walang lumalabas na tubig mula sa gripo.
Reklamo nina
Andrea Cruz at Isabelita Caparaz, sa hatinggabi lamang sila nakakakuha ng tubig
mula sa gripo ngunit mahina pa.
Dahil dito,
umiigib na lamang sila sa mga poso.
Paliwanag ni Engr. Elmer Magaling, engineering head ng MWD, bumaba
ang aquifer sa naturang lugar dahil sa init ng panahon.
Hindi naman daw makinarya nila ang may problema kundi ang
water table mismo.
Giit pa ni Magaling, dahil sa tag-init ay naapektuhan na ang
mga deep well sa Malolos.
Maging ang mga bayan ng Sta. Maria, Baliuag, Bulakan, at
Hagonoy ay ganito na rin ang sitwasyon sa Bulacan.
Paliwanag ni Magaling, dati ay nakakakuha na sila ng tubig
sa lalim na 101 meters ngunit ngayon daw ay karaniwan na 140 meters na lalim
bago pa sila makakuha ng maayos na tubig.
Bukod dito ay
problema na rin daw nila ang pagpasok ng alat sa aquifer at iron manganese.
Epekto nito ay
nakakabara ito sa mga tubo ng tubig kayat nakakapagpabagal din ng supply, dahil
sa mahina na ang mga balong ng tubig sa Bulacan.
Ayon kay Magaling, umaabot na nasa 30% na ang inihina ng
ground water sa Malolos.
At sa pagpasok ng summer season, ininda nila ang aquifer na
bumagsak ng tatlong metro ang lalim ng tubig.
At kung tatagal pa daw ang summer ay lalo pa nilang iindahin
ang problemang ito.
Sa katunayan aniya ay unti unti na rin silang nag-aadjust ng
mga water pumps sa ibat-ibang lugar sa Malolos upang makakuha ng sapat na
tubig.
Dapat aniya ng mga proyektong tree planting sa kapatagan na
kung sakaling pumasok ang tag-ulan ay mareplenish ang mga tubig sa ilalim ng
tubig.
Kung maisusulong daw sana
ang Angat Water Project ay malaking tulong sa supply ng tubig sa Bulacan.(Rommel Ramos)
No comments:
Post a Comment