Saturday, July 21, 2012

KASAMA SA SONA: Strong environmental performance ng PHL kumpara sa US, Australia




MALOLOS—Tiniyak ni Environment Secretary Ramon Paje ang isasama ni Pangulong Benigno Aquino III sa kanyang State of the Nation Address (SONA) ang magandang balita hinggil environment performance ng Pilipinas kumpara sa mas mayayamang bansa sa mundo.

Ito ay dahil sa dinaig ng Pilipinas sa environmental performance ang mga bansang Australia, Amerika, Singapore at Israel, ayon sa ulat na 2012 Environmental Performance Index (EPI) na inilabas nitong Pebrero.

Ang nasabing ulat ay magkasamang binuo ng Yale University at Colombia University, sa pakikipagtulungan ng World Economic Forum (WEF) at ng European Commission.

Ayon kay Paje, ang Pilipinas ay nasa kategoryang “strong performer” batay sa nasabing ulat.

Ito ay dahil sa ang Pilipinas ay pumang-42 sa 132 bansa sa mundo mula sa dating puwestong pang-50 noong 2010.

Batay pa rin sa 2012 EPI, ang bansang Australia ay pang-48, Amerika (49), Singapore (52), at ang Israel ay pang-61.

Ang mga nasabing bansa ay nasa kategoryang “modest performer.”

Ayon kay Paje, dinaig ng Pilipinas ang mga nasabing bansa dahil sa 100 o perpektong iskor na na ibinigay ng EPI sa limang indicators na ginamit sa pagsusuri.

Ito ang 10 porsyentong iskor sa pangangalaga sa kagubatan sa pamamagitan ng pagpapatupad ng loggiong ban; pagkakaroon ng growing forest stock para sa National Greening Program (NGP); CO2 per capita para sa patuloy na carbon sequestration ng lumalawak na kagubatan; subsidiya para sa mga lowland at upland farmers sa pamamagitan ng pagsusulong ng administrasyong Aquino ng organiko pataba; at pagbabawas ng outdoor air pollution.

Ang naging basehan ng EPI sa log ban ay ang pagpapalabas ng Malakanyang ng  Executive Order No. 23 noong Pebrero 2011na nagresulta sa pagkakakumpiska ng 13.3-Milyong board feet ng kahoy na nagkakahalaga ng P330-Milyon.

Nagresulta rin ito sa pagsasama ng 328 kaso na nagbunga ng pagkakahatol sa 57.

Ang mga nakumpiskang kahoy naman ay idinonasyon sa Department of Education (DepEd) at ginamit sa paggawa ng 73,710 silya; 8,737 desk, at 2,208 na ioba pang kagamitan sa paaralan.

Bukod dito, sinabi ni Paje na nakapagtayo rin ng 378 bagong silid aralan; at ang mga silyang nagawa sa nakumpiskang kahoy ay nagamit sa 1,638 silid aralan.

Ang NGP naman ay bunga ng EO No. 26 na naglalayong mapalawak ang kagubatan ng pansa.  Ito ay inilunsad noong Pebrero 2011.

Ayon kay Paje, ang NGP ay ang pinamalaking reforestation program sa kasaysayan ng bansa.  Ito ay naglalayon na makapagtanim ng 1.5-Bilyon puno sa 1.5-Milyong ektarya ng kagubatan mula 2011 hanggang 2016.

Kaugnay nito, umabot na sa 89.6-Milyon puno ang naitanim sa 128,558 ektarya ayon sa tala noong Disyembre 2011.

Ang programang ito ay nakalikha ng kabuuang 364,088 trabaho

Ayon kay Paje, sa kasalukuyan ay may 7,6 milyong ektarya pang nalalabing kagubatan ang bansa, at 8.2 milyong ektarya naman ang kalbong kabundukan.

Sinabi niya na sa pamamagitan ng NGP, umaasa nilang mababaligtad ang sitwasyong ito kung kailan ay tinataya nilang magiging mas malawak ang kagubatanng bansa na may tanim na punong kahoy.

Batay sa kanyang pagtaya, aabot sa kalahating milyong ektaryang kagubatan ang matataniman nila bago matapos ang 2013; at sa 2016, ang kagubatan ng bansa ay madadagdagan ng 26 na posyento na kung pagsasamasamahin ay katubas ng 60 porsyentong kagubatan ng buong bansa kabilang ang kasalukuyang kagubatang natataniman.

Binigyang diin niya na ang pagtatanim ng punong kahoy ay malaki ang epekto sa carbon emission dahil nasisipsip ng mga punong kahoy ang mga usok.

Ayon kay Paje, habang lumalawak ang kagubatang natataniman, mas lalong tataas ang carbon sequestration ng bansa.

Ipinagmalaki rin niya ang gumagandang kalidad ng hangin sa kalakhang Maynila.

Ito ay dahil sa kanilang pagpapaigting ng kanilang kampanya laban sa smoke belching.

Through  an intensified anti-smoke belching campaign, air pollution, measured by Total Suspended Particulates or TSP, in Metro Manila decreased by about 29 percent  from an average of 166 micrograms per normal cubic meter (ug/Ncm) in the 2nd quarter of 2010 to an average of 118 micrograms per normal cubic meter in the 4th  quarter of 2011.  It  has increased, though, to 136 micrograms per normal cubic meter in the 1st quarter of 2012. The acceptable level for TSP  is 90 micrograms per normal cubic meter while for PM10 is60 micrograms per normal cubic meter,” ani Paje.

Bukod sa nasabing programa, sinabi rin niya na matagumapay ang kanilang pakikipag-ugnayan sa pribadong sektor sa pamamagitan ng mga adopt a river at adopt sa estero program.

Sa nasabing programa, ang mga kasapi ng pribadong sektor ay lumalahok sa paglilinis sa mga ilog at mga estero.

Bukod dito sinabi ni Paje na mayroon silang 24 na bangkang nag-iipon ng basura sa Ilog Pasig at plano nilang magbigay ng mga ito sa iba pang lalawigan.

Hinggil sa pakikiisa ng pribadong sektor, sinabi ni Pajer hindi kaya ng gobyerno ang lahat ng trabaho at lubhang kailangan ang pakikiisa ng bawat mamamayan.

Iginiit niya na kung hindi makikiisa sa paglilinis ang mga mamamayan,ang gobyerno ang magsisilbing “basurero” ng bayan.

Habang nakikisa naman ang mga mamamayan, sinabi niya na patuloy ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa pagpapataas ng antas ng paglilingkod.

Ito ay sa pamamagitan ng paglalagay ng mga close circuit television sa mga tanggapan ng DENR.

Ayon sa kalihim, kahit nasa punong tanggapan siya ng DENR o kahit nasaan, nakikita niya ang mga sangay ng tanggapan sa mga rehiyon at nakikita kung nagsisipagtrabaho ang mga kawani ng DENR.

Ito ay dahil sa footages ng kanilang CCTV ay nakakonekta sa telepono ng kalihim.  (Dino Balabo)

No comments:

Post a Comment