MALOLOS—Halos magdilim ang kalangitan ng magliparan ang mga ibong namamahinga at nanginginain sa isang asinan sa Barangay Pamarawan ng lungsod na ito ng bugawin ng mga mamamahayag upang makunan ng larawan.
Ngunit sa kabila ng
pagkabulabog ay hindi pa rin naghiwa-hiwalay angmga ibon, sa halip ay lumipat
lamang ng lugar na malayo sa tao.
Ang kalagayang ito ay masasalamin sa Candaba Swamp sa bayan
ng Candaba sa Pampanga, ang itinuturing na sangtwaryo ng mga dayong ibon na
nagmumula sa malalamig na bansa kapag panahon ng tag-lamig.
Batay say tala na inilabas ng Wild Birds Club of the Philippines
(WBCP) at ang Protected Areas and Wildlife Bureau (PAWB) ng Department of
Environment and Natural Resources (DENR) sa Gitnang Luzon, umabot lamang ang
5,745 ang mga ibong namataan sa Candaba
Swamp.
Ito ay higit na mas
mababa sa naitalang bilang na 8,725 matapos magsagawang water bird census noong
Enero 2011.
Ayon kay Michael Lu
ng WBCP, ang pagbaba ng bilang ng mga idayong ibon na nanantili sa Candaba Swamp ay sanhi ng pagkabulabog ng mga
ibon.
Ito ay dahil sa Nobyembre pa lamang ay nagsimula ng
magpatuyo at maglinang ng bukirin ang mga magsasaka sa nasabing bayan.
Ayon kay Lu, ang mga bukirin sa Candabawa Swamp
ay lumubog sa baha na hatid na malakas na ulan ng hanging habagat noong Agosto.
Dahil dito, napinsala
ang mga pananim at namahagi ang Department of Agriculture (DA) ng binhi bilang
subsidiya sa napinsala ng baha.
Ayon kay Lu, sinamantala ng mga magsasaka ang subsidiya
upang maitanim agad kaya Nobyembre pa la,ang ay abala na ito sa bukrikin at
nabulabog ang mga ibon.
“Ang argument nila ay
anong mas importante, ibon o tao? Well,
tingnan natin kung ano ang epekto nito.
Have we not learned well enough that we better not tamper with nature,”
sabi ni Lu sa kanyang mensahe sa Mabuhay na ipinahatid sa pamamagitan ng e-mail
noong Martes, Enero 5.
Ang mga magsasaka sa Candaba Swamp
karaniwang nagsisimulang magpatuyo ng bukirin at magtanim kung Enero.
Ayon kay Lu, ang maagang pagtatanim ng mga magsasaka sa
Candaba ay nakaapekto sa mga ibon kaya;’t lumipat ng lugar ang mga ito.
“Nabawasan ang
feeding area ng mga ibon, therefore the birds have to go elsewhere. I hope it
does not stress them out and affect their survival rate,” sabi pa ni Lu.
Kaugnay ng pagbaba ng bilang ng mga dayong ibon sa Candaba Swamp,
tumaas naman ang bilang ng mga ibong sa lungsod ng Balanga sa lalawigan ng Bataan.
Ayon sa WBCP, ang
mga ibon sa lungsod ng Balanga ay umabot sa 25,935 nitong Enero kumpara sa
naitalang bilang na 14,899 noong Enero 2012.
Ang mga nasabing ibon ay namataan sa mga barangay Tortugas, Lote Itaas, Lote Ibaba at
Sibacan-Tuyo.
Bukod rito, sinabi ng PAWB-DENR na marami ding ibong
namamataan ngayon sa mga barangay ng Batang I at Batang II sa bayan ng Sasmuan,
Pampanga.
Sa kabila ng pagtaas ng bilang mga ibong namamataan sa mga
baybaying bahagi ng Gitnang Luzon katulad ng Lungsod ng Balanga, Sasmuan sa
Pampanga at Barangay Pamarawan sa lungsod na ito, nilinaw ni Lu na hindi sa mga
nasabing lugar lumipat ang mga ibong nawala sa Candaba Swamp.
Sinabi niya sa magkaiba ang sitwasyon sa Candabwa Swamp
at sa baybaying dagat ng Gitnang Luzon.
“Candaba is freshwater. Balanga is saltwater. They may share certain species but these are
two different habitats,” paliwanag pa ni Lu.
Nagpahayag din siya ng kasiyahan sa agresibo at seryosong
pagtugon ng pamahlaang Lungsod ng Balanga sa pangangalaga sa nga dayong ibong.
Ayon kay Lu, nakikipag-ugnayan sa WBCP ang pamahalaang
Lungsod ng Balanga, at kinumbinse pa ng mga ito ang mga namamalaisdaan sa
nasabing lungsod na baguhin pamamaraan ng pag-ani ng isada sa palaisdaan kung
migration season ngmga ibon na nasasakop ng mga buwan ng Nobyembre, Disyembre,
Enero at Pebrero.
Samantala, ipinagmalakai ng lungsod na ito ang plano na higit na
palawakin ang mangrove sanctuary nila upang higit na maraming dayong ibon ang
mamalagi doon.
Ayon kay Romeo Bartolo, ang nanunuparang fisheries officer
ng lungsod na ito, ipagbabawal na rin nila ang pangunguhang itlog ng ibon sa
loob ng kanilang may 13-ektaryang mangrove sanctuary sa Barangay Pamarawan.
Inayunan ito ni Mayor
Christian Natividad na nagsabi plano
rin nilang gawing isang eco-tourism destination ang nasabing mangrove
sanctuary. Dino Balabo