Sa bakuran ng Simbahan ng Barasoain nilagdaan ang Green Covenant noong 2012. |
MALOLOS— Hiniling ng isang kongresista mula sa Laguna ang
suporta ni Pangulong Aquino sa First Malolos Covenant sa pamamagitan ng
pagtataguyod sa panukalang taunang
“Climate Change Awards.”
Ito ay sa pamamagitan ng House Bill Number 3016 na inihain
ni Kinatawan Dan Fernandez sa Kongreso noong Enero 30.
Si Fernandez ay ang tagapangulo ng Committee on Ecology ng
Kongreso.
Ayon sa kongresista, nararapat suportahan ng Pangulo ang HB
3016 dahila ang bansa ay isa sa mga bansang lumagda sa United Nations Framework
Convention on Climate Change (UNFCC) at sa Kyoto Protocol.
Bukod dito, iginiit niya na dumaraming Pilipino ang umaayon
sa pagtataguyod ng mga programang
tutugon sa epekto ng climate change.
Ilan sa mga tinukoy ni Fernandez ay ang pagsasagawa ng 1st Philippine Tourism
conference on Climate Change sa Lungsod ng Legazpi, Albay noong Agosto at ang pagpapatibay ng pamahalaan
sa People’s Survival Fund.
Ito ay nasundan pa ng paglagda sa First Malolos Green
Covenant sa makasaysayang simbahan ng Barasoain sa lungsod na ito noong
Setyembre 15 na sinaksihan ng may 5,000 katao kaugnay ng pagdiriwang ng ika-114
guning taon ng pagbibukas ng Kongreso ng Malolos.
Ang paglagda sa Malolos Green Covenant ay nakasabay rin ng
paglulunsad ng eco-cultural tourism, climate change adaptation program ng
lungsod na ito.
Batay sa panukalang batas ni Fernandez, ang mga pamahlaang
lokal at ibat-ibang ahensiya ng pamahalaan ay dapat maghanda ng [pondo para sa
pagbibigay pagkilala sa mga mananalo sa Climate Change Awards.
Ang nasabing parangal
ay isinulong ng Local Climate Change for Development (LCCAD) at ng mga lungsod ng Malolos at
Legazpi.
Ayon kay Nong Rangasa, ang executive director ng LCCAD, ang
mga best working practicessa pagtugon sa climate change ay nararapat lamang na
bigyang pagkilalasuportahan, gawing popular at ibahagi upang magsilbing gabay
ng iba pang pamahalaang lokal.
“The Climate Change Award will focus on outstanding social,
economic, cultural, environmental, climate change adaptations and mitigation
benefits and progressive sustainable development,” ani Rangasa sa panayam ng
Mabuhay.
Iginiit pa niya na ang panukalang parangal ay ipagkakaloob
sa mga pamahalaang ,lokal, pribadong institution, nongovernment organization,
mga negosyante at maging sa mga paaaralan.
Ayon pa kay Rangasa, bukod sa pagkilala, layunin ng parangal
ang promosyon ng pagpapalawak ng kaalaman hinggil sa pagtugon sa climate change
at disaster risk reduction. (Dino
Balabo)
No comments:
Post a Comment