Sunday, February 3, 2013

Mga paaralan hihikayating magparami ng bakawan


Bakawan sanctuary sa Pamarawan, Malolos.





MALOLOS—Pinag-aaralan ng pamahalaang lungsod ng Malolos ang paghikayat sa mga pampublikong paaralan hindi lamang sa pagtatanim kungdi sa pagpaparami ng binhi ng bakawan.

Ito ay bilang bahagi ng paglaban sa epekto ng climate change partikular na sa mga pamayanan sa baybayin ng lungsod na ito na katambal ng lungsod ng Legazpi sa lalawigan ng Albay bilang mga “climate change champions” sa hanay ng mga pamahalaang lokal.

Ahyon kay Vice Mayor Gilbert Gatchalian, pinag-aaralan na nila an gang malawakang pagpaparami o propagasyon ng mga bindi ng bakawan upang  masusitinihan ang pangangailangan ng pamahalaang lungsod sa pagbibigay ng proteksyon sa mga barangay sa tabing dagat.

Kabilang dito ang mga barangay ng Pamarawan, Namayan, Calero, Caliligawan,Masile at Babatnin.

“Makkikipag-ugnayan kami sa mga public schools lalo na sa mga coastal barangay para magtayo ng nursery ng bakawan upang higit na mapalawak ang mangroves seedling production naimn, “ ani Gatchalian..

Ayon sa bise alkalde, bukod sa mahusay na proteksyon sa alon ang bakawan, ang pagapaparami nito ay makapaghahatid din ng dagdag na hanap buhay.

Ito ay dahil ang bawat bunga ng bakawan na natipon upang gawing bindi ay binabayaran ng P1, at kapag lumaki ay naibebenta mula P2 hanggang P10 bawat isa.

Sa kasalukuyan, ang pamahalaang ,lungsod ng Malolos ay nagmamantine ng isang mangrove nursery na may taunang kapasidad na P10,000 binhi.

Ang nasabing nursery ay matatagpuan sa Barangay Calero at pinamamahalaan ni Daniel Sta. Ana, isa sa mga kasapi ng Bantay Dagat ng Lungsod na nasa ilalim ng pangangasiwa ng City Fisheries and Aquatic Resources Management Council (CFARMC).

Ayon kay Sta. Ana, may 10 taon na ang nakaraan matapos itayo ang kanilang nursery.  Ito ay bunga ng kanilang pagdalo sa ibat-ibang pagsasanay at seminar patungkol sa mga climate change at pangangalaga sa baybaying pamayanan.

“Marami kaming natutuhan samga seminar  at kabilang doon ang kahalagahan ng bakawan kaya nagtayo kami ng sariling nursery,” ani Sta. Ana.

Iginiit pa niya na sa ksalukuyan, ang kinikita nila sa pag-aalaga ng binhi ay nagagamit nilang panggastos sa pagdalo sa mga dagdag na pagsasanay.

Binigyang diin naman ni Jaime Magpayo ang kahalagahan ng bakawan bilang proteksyon ng mga pamayanan sa baybaying dagat ng Lungsod na ito.

“Noong nakaraang taon, napakalalaki ng alon sa dagat kaya nahiarap yung bangka naming, pero noong malagay kami sa likod ng mga bakawan ay panatag na panatag ang tubig,” ani Magpayo na siya ring tagapangulo ng CFARMC.

Ang tinutukoy ni Magpayo ay ang may 13 ektaryang taniman ng bakawan sa Barangay Pamarawan na nagsisilbing panangga sa alon mula sa Manila Bay.

Malago na ang bakawan sa nasabing taniman kaya’t ito ay pinamamahayan na ng sari-saring ibong dayo.

Ayon kay Magpayo, plano ng pamahlaang lungsod na ideklarang protected area ang nasabing taniman  bilang bahagi ng planong eco-tourism site.

Sa tabi ng nasaning tanima ay ang abandonadong palaisdaang na ang mga pilapil ay lumubog sa tunig matapos madurog ng alon.

Ang nasabing palaisdaan ay planoing gawing fish hatchery ng lungsod ayon ay Romeo Bartolo, ang City Fisheries Officer.

Sinabi ni pa ni Bartolo na umaasa silang dadayuhin ang nasabing lugar bilang isa eco-tourism destination sa lungsod.

Hinggil naman sa pagtatanim ng bakawan, sinabi ni Bartolo na patuloy nilang dagdagan ang mga tanim na bakawan sa nasabing lugar.

Una rito,ipinagmalaki ni Mayor Christian Natividad na umabot na sa 10,000 binhi ng bakawanang kanilang naitanim sa baybayin ng Malolos.

Nagpasalamat din siya sa mga Bantay Dagat na patuloy na nagtataguyod ng pagtatanim at pangangalaga sa baybayin ng lungsod.

Kayugnay nito, inihayag ni Gob. Wilhelmino Alvarado ang malawakang pagtatanim ng bakawan sa baybayin ng Bulacan.

Ayon sa punong lalawigan, may 300,000 binhi ng bakawan ang idinonasyon sa pamahalaang panglalawigan ng Eco-Shield Corporation.

Ang Eco-Shield Corporation ay ang kumpanyang nagtatayo ng Bulacan Sanitary landfill sa Barangay Salambao sa baybayin ng bayan ng Obando. (Dino Balabo)

No comments:

Post a Comment