LA
MESA DAM, QUEZON CITY—HUwag nating hintayin ang delubyo bago kumilos, maghanda
tayo ngayon.
Ito
ang buod ng mensahe ng bumbuo ng Technical Working Group (TWG) para sa
paghahanda sa posibilidad ng pagkasira ng Angat Dam.
Ang
nasabing TWG ay binubuo ng mga kinatawan
mula sa Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO)
kapitolyo, mga opisyal ng National Power Corporation (Napocor) na namamahala sa
Angat Dam, Common Purpose Facilities (CPF) at Metropolitan Waterworks and
Sewerage System (MWSS) na namamahala sa Ipo Dam.
Kasama
rin ang mga kinatawan ng National Irrigation Administration (NIA) na namamahala
sa Bustos Dam, Engineering and Development Corporation of the Philippines
(EDCop) na nagsagawa ng pag-aaral sa katatagan ng Angat Dam, at Office of the
Civil Defense sa Gitnang Luzon.
Ang
mga kasapi ng TWG ay nagpulong sa ikapitong pagkakataon sa La Mesa Dam
Novaliches, Lungsod ng Quezon noong Martes, Nobyembre 12 o apat na araw matapos
manalasa ang bagyong Yolanda sa Visayas.
Tampok
sa pagpupulong ay ang impormasyong ilalahad nila sa mga alkalde at mga namumuno
sa mga Disaster Risk Reduction Management Office (DRRMO) sa 21 bayan at talong
lungsod sa lalawigan ng Bulacan.
Makakasama
rin ang mga kinatawang alkalde at mga opisyal ng DRRMO mula sa mga bayan sa
Pampanga na sinasabing maaapektuhan ng posibleng pagkasira ng Angat Dam.
Ayon kay Liz Mungcal, pinuno ng PDRRMOng
Bulacan,ang paghahanda sa posibilidadng pagkasira ng Angat Dam ay lubhang
mahalaga dahil sa lawak ng posibleng maging pinsala nito.
“Hindi
pwedeng iilan ang nakakalam sa paghahanda, dapat ay buong lalawigan at lahat ng
taong posibleng maapektuhan,” sabi ni Mungcal sa isang panayam matapos ang
pulong.
Inihalimbawa
niya ang malawakang pinsalang hatid ng bagyong Yolanda sa mga lalawigan sa
Visayas.
“Pag
malawakan ang disaster, sino ang magre-rescue? Hindi lahat ay matutugunan ng
PDRRMO, kailangan handa rin ang mga lokal na pamahalaang mula samga bayan,
lungsod at maging mga barangay,” paliwanag niya.
Ayon
pa kay Mungcal, mahalaga rin na maunawaan ng taumbayan ang dapat gawin bago
dumating ang delubyo, kaya kailangang makipagtulungan ang mga lokal na
pamahalaan sa pagpapaliwanag at pagpapabatid sa taumbayan ng mga tamang
hakbang.
Hinggil
sa pananalasa ng bagyong Yolanda, nilinaw ni Mungcal na hindi sila kumikilos
ngayon para sa paghahanda sa pagjkasira ng Angat Dam dahil sa bagyogn Yolanda.
“Noon
pang isang taon kami naghahanda at nagpupulong. Katunayan bago pa lumindol sa
Bohol noong October 15 ay naka-schedule na yung pulong naming noong October 16;
at itong pulong na ito ay naitakda nab ago pa dumating ang Yolanda,” sabi niya.
Gayunpaman,
inamin ni Mungcal na ang katatapos na pamiminsala ng bagyong Yolanda ay higit
na nagtutulak sa kanila upang pabilisin ang paghahanda ang mga bayan sa
Bulacan.
Dahil
dito, itinakda nila ang paglalahad ng mga paghahanda sa mga aklade ng Bulacan
sa Nobeymbre 21.
Ipinaliwanag
pa niya na ang posileng pagkasira ng Angat Dam ay maaaring mangyari anumang
oras.
Ito
ay dahil na rin sa pag-aaral ng Philippines Institute of Volcanology and
Seismology (Phivolcs) na anumang oras ay maaring gumalaw ang West Valley
Faultline at maaaring lumikha ng lindol na may lakas na 7.2 magnitude.
Ayon
pa sa Phivolcs, ang nasabing lindol ay maaaring maging sanhi ng pagkasira ng
Angat Dam.
Batay
naman sa pag-aaral ng Edcop, kapag nasira ang dam, raragasa sa kahabaan ng Ilog
Angat Ang 10 hangang 30 metrong lalim ng tubig mula sa Norzagaray hanggang sa
bahagi ng Baliwag at Plaridel.
Ang
nasabing tubig ay kakalat at tinatayang magpapalubog sa 20 bayan ang lungsod sa
Bulacan, pito sa Pampanga at tatlong lungsod sa kalakhang Maynila.
Inaasahang
din ang mas mahabang problema sa kalakhang Maynila kapag nasira ang Angat dam
dahil sa posibilidad na kapusin ng tubig inumin.