MALOLOS—Suriin,
kumpunihin ay suhayan ang mga pamanang pangkasaysayan sa bansa.
Ito
ang buod ng magkahiwalay panawagan ng sektor ng turismo sa Bulacan at mga
mamamahayag na lumahok sa katatapos na ika-17 Graciano Lopez Jaena Ciommunity
Journalism Fellowship on Disaster Reporting sa University of the Philippines
(UP).
Ang
panawagan ay magkasabay na inihayag noong Biyernes,ilang araw matapos yanigin
ng lindol na may lakas na magnitude 7.2 noong Oktubre 15 ang lalawigan ng Bohol
kung saan ay nasira ang mga heritage sites.
Ayon
kay Dr. Reynaldo Naguit, isa sa mga convenors ng Bulacan Tourism Tri-conventionna
isinagawa sa lungsod na ito noong Biyernes, dapat isama sa pambasa at lokalna
plano sa turismo ang konserbasyon ng mga heritage sites o pamanang
pangkasaysayan sa bansa na dinarayo ng mga turista.
Bilang
isang historyador at direktor ng Institute of Local Government Administration
(ILGA) sa Bulacan State University, sinabi ni Naguit na angmga heritage sites
ay nangangailangan akmang pagmamantine.
“Hindi
lang buhay at mga ari-arian ang napinsala sa lindol sa Bohol, kungdi magingmga
istraktura na mahigit 100 taon na,” sabi ni Naguit at iginiit na mga
matatandaang simbahan ay isang magadang reperensiya sa pag-aarala ng sining,
kalinangan at kasaysayan ng lahi.
Kinatigan
din ito ni Jose Clemente ng Bulacan Tourism Conventions and Visitors Board
(BTCVB) na nagsabing ang mga matatandang simbahan sa Gitnang Luzon partikular
na sa Bulacan ay posible rin mapinsala salindol.
Bilang
isa sa mga convnor sa katatapos na tourism convention, inihalimbawa ni Clemente
ang makasaysayang simbahan ng Barasoain na karaniwang dinarayo ng mga mag-aaral
na lumalahok samga field trip.
Ayon
kay Clemente ang nasabing simbahan ay huling isinailalim sa pagpapakumouni
noong 1997 bilang paghahanda sa sentenaryo ng republika ng Pilipinas noong
1998.
Para
naman sa mga mamamahayag na lumahok sa ika-17 Lopez Jaena Community Journalism Feloowship sa UP, dapat
manguna angmga ahensiya ng pamahalaang
nasyunal sa preserbasyon ng mga heritage sites.
Binigyang
diin nila na hindi lamang lindol ang dapat paghandaan, kungdi maging ang epekto
ng climate change na unti-unting sumisira sa mga matatandang istraktura.
Kabilang
sa mga ahensiyang tinawagan nila ng pansin ay ang National Historical
Commission of the Philippines (NHCP), Department of Tourism (DOT), Climate
Change Commission (CCC), Department of Environment and Natural Resources (DENR)
at Department of Science and Technology (DOST).
Ayon
sa pinagtibay na resolusyon, “the country’s history and culture are seen not
only in written records but also in historically valuable structures as well.
These are the so-called heritage sites, many of which have not been properly
documented.”
Iginiit
pa ng resolusyin na “Heritage sites serve as a repository of our history, and
such structures remind us and the future generations of who we are as
Filipinos; however, many heritage sites are vanishing fast not only due to the
impacts of climate change and natural disasters but also due to utter neglect
of people.”
Ayon
sa mga mamamahayag, hindi lamang mga mamamayan at imprastraktura ang nabiktima
ng lindol sa Bohol kungdi maging mga heritage sites tulad ng mga matatandang
simbahan.
Batay
sa resolusyon, hiniling ng mga mamamahayag ang “immediate inventory of our
cultural heritage sites; inspection, assessment and documentation of heritage
sites; preparation of short and long term programs for the preservation of our
heritage sites; implement remediation measures, such as retrofitting, that will
help strengthen and improve resilience of heritage sites that are exposed to
the impacts of climate change and other hazards; regular maintenance of
heritage sites; and publications of
gathered inventory to inform the Filipino people the historical and cultural
significance of heritage sites.” (Dino Balabo)
No comments:
Post a Comment