LUNGSOD
NG MANDALUYONG—Hindi sapat ang isinagawang anim buwang pag-aaral sa katatagan ng Angat Dam.
Ito
ang buod ng pahayag ng kapitolyo at National Power Corporation (Napocor) sa
kauna-unahang pagkakatapon matapos ilabas noong Mayo 2012 ang resulta ng anim
na buwang feasibility study sa katatagan ng dam.
Sa
panayam ng Mabuhay Gob. Wilhelmino Alvarado, sinabi niya na hindi sapat ang
isinagawang pag-aaral ng Tonkin & Taylor.
“Napakailki
ang panahon ng feasibility study nila, anim na buwan lang,” sabi ni Alvarado na
nakapayam ng Mabuhay sa Edsa Shangrila Hotel noong Oktubre 16 ng gabi.
Ang
panayam ay naganap matapos ang puliong ni Alvarado kina Gladys Sta. Rita,
pangulo ng Napocor, Gerardo Esquivel, administrador ng Metropolitan Waterworks
and Sewerage System (MWSS) at Claro Maranan, administrador ng National Irrigation
Administration INIA).
Kasama
rin sa pulong sina Inhinyero Romulado Beltran, pinuno ng Dams Management
Department ng National Power Corporation (Napocor), Bise-Gob. Daniel Fernando
at Provincial Administrator Jim Valerio.
Ang
pahayag ni Alvarado ay kinatigan din ni Beltran na nagsabing “mababaw yung feasibility study.”
Ang
nasabing feasibility study na pinondohan ng $1-Milyon ay isinagawa ng Tonkin
& Taylor na nakabase sa New Zealand, kasama ang Engineering Development
Corporation of the Philippines (EDCop)
Ayon
sa anim na buwang pag-aaralng Tonkin & Taylor kasama ang EdCop, ang WMVF
ay unang natukoy sa pagtatayo ng dam
noong unang bahagi ng dekada 60.
Ito
ay di kalayuan sa pundasyon ng pangunahing dike ng dam.
Binanggit
din sa ulat ng Tonkin ang isinagawang pag-aaral ng Phivolcs na nagsasabing ang
WMVF ay nakabalatay ilang kilometro ang layo sa silanganng dam; at ang nakitang
fault sa ilalim ng dam ay splay o sanga lamang ng fault.
Gayunpaman,kung
gagalaw ang WMVF, ang nasabing splay sa ilalimng dam ay posible ring gumalaw.
Kaugnay
nito, isang bahagi ng rekomendasyon ng Tonkin sa kanilang isinagawang anim na
buwang pag-aaral ay ang pagsasagawa ng cite specific seismic study sa Angat
dam.
Para
kay Alvarado at sa Napocor ang rekomendasyong ito ay hindi sapat dahil ang
pangunahing dahilan ng pagpapasubasta para sa pagsasagawa ng feasibility study
ay patungkol panganib na hatid ng WMVF.
Narito
ang background information na ipinalabas ng Power Sector Assets and Liabilities
Management (Psalm) sa kanilang Term of Reference sa pagsasagawa feasibility
study na ipinakontrata sa Tonkin.
“Considering
the importance of the facility and the potential risks posed by possible
seismic
activity associated with West Valley Fault and the other fault-lines in Central
Luzon,
the consultancy services must arrive at a clear recommendation for the
mitigation
of risk through remediation of the Dam and Dike and the associated major
structures.”
Ngunit batay pa rin sa kopya ng TOR
para sa pagsasagawa ng feasibility study sa katatagan ng Angat Dam, lumalabas
na akma ang rekomendasyon ng Tonkin.
Ito ay dahil sa nilalaman ng layunin
sa pagsasagawa ng feasibility study ayon sa ika-18 pahina ng TOR.
Narito
ang unang layunin ng feasibility study, “To undertake the required
investigation works and proposed additional studies recommended from past
studies, reviews and reports.”
Para
naman kay Inhinyero Roderick Dela Cruz, ang dam safety expert ng Bulakenyo,
imposibleng magawa ang buong pag-aaral sa loob ng anim na buwan.
Bilang
isa sa mga naging tagapayoni Gob.Alvarado, si Dela Cruz ang unang nagpahayag na
hindi sapat ang anim na buwan sa pagsasagaw ang feasibility study.
Binigyang
diin pa niya na bilang consultant, ang Tonkin ay nakadepende sa isinasaad ng
TOR.
Bilang
isa sa mga unang nakapansin sa maikling panahong ipinagkaloob sa Tonkin,
ipinayo ni dela Cruz ang dagdag na pag-aaral sa katatagan ng Angat Dam. (Dino
Balabo).
No comments:
Post a Comment