MALOLOS---Isang
water summit ang ikinakasa ng pamahalaang lungsod ng Malolos sa Agosto 15.
Ito
ay bilang tugon sa lumalalang problema sapagpapadaloy ng tubig ng City of
Malolos Water District (CMWD).
Ayon
kay Mayor Christian Natividad, ang summit ay isasagawa sa Malolos City Sports
Center at iinaasahang dadaluhan ng daan-daang konsesyunaro ng CMWD.
Gayunpaman,
nilinaw ng alkalde na ang araw ng pagsasagawa ay maaari pang mabago.
“Temporary
pa lang yung August 15 schedule, pwede pang mabago, pero anuman ang mangyari
maglalabas kami ng advisory from time to time,” sabi ng alkalde.
Larawang kuha sa Tibaguin, Hagonoy. |
Layunin
ng summitna matukoy ang mga problema sa tubig sa Malolos,maging ang mga
posibleng solusyon.
Ayon
kay Natividad, kasalukuyang nagsasagawa ng monitoring angmga barangay health
workers maging ang mga mother leaders ng Malolos sa ibat-ibang barangay.
Ito
ay upang matukoy kung ano ang mga problemang nararanasan ng mga residente
hinggil sa tubig.
Una
rito, naglunsad ng isang signature campaign ang mga residenteng barangay Bagna
noong Hulyo 19 dahil sa mahabang panahong reklamo hinggil sa mahina at kawalan ng
daloy ng tubig mula sa CMWD.
Ngunit
ayon sa mga mga residente ng Barangay San Pablo, mas nauna silang naglunsad ng
petisyon noong Mayo.
Ang
dalawang magkahiwalay na pagkilos na ito ay nasundan ng kaugnay na petisyon sa
mga barangay ng Mambog, Mabolo, Canalate, Tikay at iba pang barangay.
Sa
mga nasabing petisyon, binigyang din ng mga lumagda ang kawalan ng tubig sa
kanilang lugar, na kadalasan ay mahina.
Kung
mayroon mang dumadaloy,sinabi nila na ito ay mahina, maalat at mabahong amoy.
Ang
mabahong amoy ng tubig na pinadadaloy ng CMWD ay kinumpirma din ni Mayor
Natividad.
Sinabi
niya na maging sa kanyang bahay sa Barangay Bungahan ay may mga pagkakataong
mabaho ang tubig na tumutulo sa gripo. Dino Balabo
No comments:
Post a Comment