HAGONOY,
Bulacan—Mahigit 60 na taon nilang inalagaan ang kanilang bahay na itinayo ng
kanilang magulang, ngunit sa loob lamang ng dalawang minuto ito ay naglaho.
Ito
ang patunay balasik ng malalaking alon na hatid ng storm surge matapos tahakin
ng bagyong Glenda ang Manila Bay noong Miyerkoles, Hulyo 16 patungo sa West
Philippine Sea.
Sa
kabuuan, hindi bababa sa 60 bahay sa mga coastal barangay ng Pugad at Tibaguin
ang winasak ng malalaking alon na hatid ng bagyo.
Sa
panayam kay Joey Gregorio, 44, ng Barangay Pugad, inilarawan niya kung paano
nawasak ang kanilang bahay.
“Wala kaming nagawa, dalawang minuto lang
nawala na yung bahay dahil sa laki ng alon,” aniya at iginiit pa na pati bahay
ng kanyang tatlong nakatatandang kapatid na nakatayo sa gilid ng kanilang
ancestral house ay nawasak din ng storm
surge.
Ang
mga nasabing bahay ay yari sa concrete hollow blocks.
Sa
oras ng panayam noong Biyernes, Hulyo 18, tanging tumpok na lamang ng kahoy at
nasirang kagamitan ang nalabi sa mga nasabing bahay, bukod sa konkretong
comfort room ng bahay ng kuya ni Gregorio.
Sa
katabing barangay ng Tibaguin, napaluha si Yolanda Geronimo ng ikuwento kung
ano ang nangyari sa kanilang bahay na itinayo may tatlong taon na ang
nakakaraan.
“Twenty
minutes lang wala na yung bahay namin,”
sabi ng ginang.
Ayon
kay Geronimo, ang nawasak nilang bahay ay kapalit lamang ng kanilang bahay na
winasak dinng storm surge sa pananalasa ng bagyong Quiel noong 2011.
“Dalawang
sunod na po iyan mula noong Quiel,” ani Geronimo habang pinipigil ang luha.
Samantalang,
ipinagdadalamhati nina Gregorio at Geronimo ang pagkawasak ng kanilang mga
tahanan, nagpasalamat din sila na walang nasawi sa kanilang kapamilya, maging
sa kanilang mga ka-barangay.
Gayunpaman,
nilinaw nila na ang pananalasa ng storm surge sa kanilang barangay ay dulot ng
pagkasira ng may 200 ektaryang pambayang palaisdaan na dati ay nagsisilbing
panangga ng dalawang barangay sa malalaking alon mula sa Manila Bay.
Kinatigan
naman nina Kagawad Gilbert Tamayo at Alfredo Lunes ng Barangay Pugad ang
kanilang pahayag.
Ayon
sa dalawang Kagawad ng Barangay, nawasak ang mga pilapil ng pambayang
palaisdaan may anim na taon na ang nakakaraan matapos na ito ay mapabayaan.
Dahil
dito, hindi nila maiwasan ang mangamba sa tuwing mananalasa ang mga bagyo.
“Natatawag
po naming ang lahat ng Santo sa simbahan kapag bumabagyo na dahil walang
humaharang sa alon mula sa dagat,” sabi ni Tamayo.
Inayunan
din ito nina Kagawad Ariel Dela Cruz at Renato Gregorio.
Katunayan,
napaluha din si 60-na taong gulang na si Gregorio habang ikinukuwento ang
kaniyang karanasan.
“Napagrabe
pong nangyari sa aming barangay.
Animnapung taon na ko dito, ngayon lang nangyari ang ganito,” ani ng
Kagawad.
Inilarawan
niya na umabot sa mahigit pitong talamapakan ang laki ng mga alon na humapas sa
mga tahanan sa baybayin ng Pugad.
Ito
ay dahil sa walang humaharang na panangga sa alon.
Iginiit
pa ni Gregorio na ang pagkasira ng napabayaang propius ang sanhi ng pananalasa
ng alon sa kanilang Barangay.
Dahil
dito, iginiit ni Dela Cruz na dapat ay bigyang diin ng mga ahensiya ng gobyerno
ang pagbibigay protektsyon sa baybayin ng Bulacan.
“Madalas
kasi, sa kabayanan lang nakatutok ang mga proyekto ng mga nasa matataas na
posisyon sa gobyerno at nakakalimutan ang mga coastal barangay,” aniya.
“Lalong
kailangan namin ang panangga sa alon ngayon, sana ay magjkaroon hg dike okaya
ay simulan na ang rehabilitasyon ng propius sa tabi ng Pugad,” sabi dela Cruz.
Kaugnay
nito, tiniyak ni Mayor Raulito Manlapaz ng bayang ito na masisimulan ang
rehabilitasyon ng nasabing palaisdaan sa Disyembre.
Si
Manlapaz ay bumisita sa dalawang barangay upang mamahagi ng relief goods noong
Biyernes, o dalawang araw matapos manalasa ang bagyong Glenda.
Inabutan
niya ang mamamahayag na ito na noo’y naghahanda ng umalis upang magbalik sa
kabayanan ng Hagonoy.
Ayon
kay Manlapaz, inihahanda na nila ang pondo para sa rehabilitasyon at
nakipag-ugnayan na sila kay Gob. Wilhelmino Alvarado upang hiramin ang dredging
machine ng kapitolyo.
Iginiit
pa ni Manlapaz kailangan nilang tulong sa pagsasagawa ng rehabilitasyon sa
13-kilometrong coastline ng bayang ito na ang malaking bahagi ay winasak na ng
alon.
Dino
Balabo
No comments:
Post a Comment