Thursday, March 29, 2012

Isa pang plantang nagsusunog ng gulong, muling ipinasara ng EMB

ANGAT, Bulacan—Muling ipinasara ng Environmental Management Bureau (EMB) ang isang plantang nagsusunog ng gulong sa bayang ito matapos salakayin noong Miyerkoles, Marso 28.

Ito ay ang Philpao Enterprises na nakabase sa Barangay Pulong Yantok, Angat, Bulacan na naunang ng ipinasara ng EMBo noong 2009.

Ang Philpao ay ang ikalawang kumpanyang nagsusunog ng gulong na ipinasara ng EMB sa Bulacan sa loob lamang ng isang buwan dahil sa paglabag sa batas pangkalikasan at reklamo ng mga residenteng hindi makatiis sa usok na ibinibuga nito.

Ayon kay Lormelyn Claudio, ang direktor ng EMB sa Gitnang Luzon, una na nilang ipinasara ang Philpao noong Setyembre 2009 at sa kabila ng utos ng korte na status quo at muling nagsimula ito ng operasyon.

Ang unang pagpapasara sa Philpao noong 2009 ay nagbunga pagkansela sa Environmental Compliance Certificate nito (ECC), at ayon kay Claudio, hangga ngayon ay hindi pa nabibigyan ng panibagong ECC ang planta.

Sa pagsalakay ng EMB kasama ang Bulacan Environment and Natural Resources Office (BENRO) sa pangunguna ni Abogado Teddy De Belen, natuklasan ang patuloy na operasyon ng Philpao.

Ayon kina Claudio at De Belen, mainit pa ang makina ng planta at may hukay na may langis.

Iginiit pa nila na batay sa reklamo ng mga residente, ang Philpao ay nagsasagawa ng operasyon kung gabi kaya’t nahihirapan silang huminga sanhi ng makapal at nakakasulasok na usok na ibinubuga nito.

Sinabi ni Claudio na bukod sa tahasang paglabag sa naunang utos na tumigil sa operasyon, lumbag din ang Philpao Enterprises sa mga provision ng Clean Air Act, Clean Water Act, Ecological Solid Waste Management Act at marami pang iba.

Dahil dito, nagtayo ng checkpoint ang EMB at BENRO sa paligid ng planta upang mapigilan ang pagpasok ng mga susunuging gulong at paglabas ng nakatas na langis mula sa sinunog na gulong.

Para naman sa mga tauhan ng Philpao, may sapat na dokumento ang may-ari ng planta upang magpatuloy ng operasyon.

Iginiit pa nila na nasa korte na ang kasong isinampa ng EMB kaya’t hindi na raw ito dapat nagsagawa ng raid.

Ang operasyon ng Philpao ay unang ipinatigil noong 2009, ilang buwan matapos ipasara ng EMB ang ming Hong Trading o ang katulad na plantang nagsusunog ng gulong sa Sitio Diliman, Barangay Partida sa katabing bayan ng ng Norzagaray.

Nitong Marso 6, sinalakay at ipinatigil ang EMB at BENRO ang planta ng Bio Eco Solutions Inc., na nagsasagawa ng katulad na operasyon ng pagsusunog ng gulong sa Barangay Tabang, Guiguinto.

Ang nasabing planta ay tuluyang ikinadado ng EMB at BENRO noong Marso 16 dahil sa patuloy na operasyon matapos atasang tumigil.

Sa kanyang maikling pahayag, sinabi ni Gobernor Wilhelmino Alvarado na hindi nila papayagang magsagawa ng operasyon sa lalawigan ang anumang establisimyento na makakasira sa Bulacan.

“Anything that is destructive is not welcome in Bulacan,” ani Alvarado sa isang pahayag at iginiit na tanging ang mga establisiumyentong susunod sa itinatadhana ng batas ang papayagang magsagawa ng operasyon at magnegosyo sa lalawigan.  (Dino Balabo)

Bawal na ang plastic sa Bulacan

ni Dino Balabo

MALOLOS – Bawal na ang pagbebenta at paggamit ng plastic sa Bulacan.

Ito ang nilalaman ng Panlalawigang Ordinansa Bilang 2012-09 na nilagdaan ni Gob. Wilhelmino Alvarado noong Lunes, Marso 26, matapos pagtibayin ng Sangguniang Panlalawigan noong Marso 6.

Ito ay nagbabawal ng paggamit ng non-biodegradable plastic bags, styrofoam at mga kauri nito bilang mga packaging materials, bukod sa nagtatakda ng multang P5,000 o pagkakabilanggo ng isang taon sa sinumang lalabag.

Ayon kay Alvarado, ang nasabing ordinansa ay isang malinaw na hakbang sa pangangalaga ng kalikasan ng Bulacan para sa susunod na salinlahing Bulakenyo.

“Namana natin sa ating mga ninuno ang ating kalikasan ngayon, kaya tayo naman ay may responsibilidad na pangalagaan ito para sa susunod na henerasyon,” ani ng punong lalawigan.

Binigyang diin niya na ang ordinansa ay agad na ipatutupad matapos mapagtibay ang implementing rules and regulations (IRR) nito.

Ang ordinansa ay pinagtibay ng SP halos anim na buwan matapos lumiham si Alvarado upang lumikha ng batas na nagbabawal ng paggamit ng mga plastic bag sa mga palengke sa lalawigan.

Ngunit ang liham ni Alvarado ay pinalawak ng Sanggunian upang ang batas ay maipatupad sa 569 barangay sa lalawigan.

Ayon kay Bokal Felix Ople, ang may akda ng ordinansa, ito ay naglalayon na maipakita sa sinumang mamamayan hindi lamang sa mga taga-Bulacan na ang lalawigan ay ganap na huwaran, nagpapahalaga, at nagmamalasakit sa kapaligiran at kalikasan.

Iginiit pa niya na layunin din ng ordinansa na makapagbigay ng kaalaman, at mapukaw ang kamulatan ng mga opisyal ng pamahalaan at mamamayan sa pinsalang maaring idulot sa patuloy na paggamit ng plastic.

“We need to control and regulate use of plastics to maintain balance in ecology,” ani ng Bokal na anak ni dating Senador Blas F. Ople.

Ipinaliwanag niya na sa mahabang panahon, ang mga plastic at styrofoam ay natukoy bilang sanhi ng pagbabara ng mga kanal, sapa at ilog sa lalawigan na nagbubunga ng mga biglaang pagbaha.

Kaugnay nito, ipinatutupad na ng SM Supermalls sa Baliuag at Marilao ang no plastic policy sa kanilang mga food court.

Ayon kay Beverly Bernardo-Cruz, ang public relations specialist ng SM City Baliuag, mula noong Marso 15 ay sinimulan na ng kanilang mga mall tenant ang paggamit ng mga paper cup at paper bags.

“It is in anticipation for the ban on plastics in the province and partly because SM Supermalls have our own green program,” ani Bernardo-Cruz.

Sinabi niya na bago mapagtibay ang nasabing ordinansa ay inimbita sila ng Sangguniang Panlalawigan para sa isang konsultasyon.

Para kay Bernardo-Cruz, umaayon sa kanilang kampanyang SM Cares program ang nasabing ordinansa.

Bukod sa nasabing kampanya, nagsasagawa rin ang SM Supermalls ng program para sa recycling na tinaguriang “trash to cash recycling”, at ang reusable green bag program.

Saturday, March 17, 2012

Gov to tire pyrolysis plant: Get out of Bulacan

by Ramon Lazaro

GUIGUINTO, Bulacan – Bulacan Gov. Wilhelmino Sy Alvarado has ordered the officials of a tire pyrolisys plant located in Barangay Tabang here to move out of the province due to the environmental hazard it pose to the citizens of Bulacan as it continues to operate despite a cease and desist order.

The governor’s decision was made as tensions flares up in this town on Friday afternoon after John Ang, operations manager of Bio-Eco Solution Technology Inc., denied the entry of Central Luzon ’s Environmental Management Bureau director Lormelyn Claudio and Alvarado inside their plant premises for inspection.

Alvarado immediately asked Vice Gov. Daniel Fernando to pass a resolution declaring the owners of the company as persona non grata in Bulacan due to the fact that their illegal operations are causing a slow poisoning to the citizenry of the province.

The governor then asked an unidentified legal counsel of the company to where he comes from and added that he could tell to his clients to move the company to the place where the lawyer lives and not in Bulacan.

Alvarado even cited that the company was first found to have violated environmental laws while operating in the mountainous part of Angat town and when its was ordered to close down it moved to a more populated area in Guiguinto and noted that the company’s workers are the same as those while it is operating in Angat.

The inspection teams of Claudio and Alvarado were denied entry for more than one hour to the compound of the tire pyrolysis plant that was given a cease and desist order by the EMB on March 6.

Claudio said the cease and desist order was served because they were able to established that the company violated provisions of the Philippine Environmental Impact Statement System Law (PD1686), Clean Air Act (Ra 8749), Clean Water Act (RA 9275), Ecological Solid Waste Management Act (RA 9003) and Toxic, Hazardous and Nuclear Waste Act (RA 6969).

Claudio said that their office had earlier served a “notice of violation” against John Ang, operations manager of Bio-Eco Solution Technology Inc., for conducting testing operations without securing first the necessary Environmental Compliance Certificate (ECC), Permit To Operate (POA) and Discharge Permit (DP) which is in violation of Section 4 of PD 1686 otherwise known as the Philippine Environmental Impact Statement System as well as the implementing rules and regulations of the Philippine Clean Air Act and the Philippine Clean Water Act.

The inspection teams only gained entry to the compound of the company when Claudio ordered her team to go over the company’s fence and open its gate while Alvarado ordered the Bulacan PNP to provide security to Claudio’s team.

Claudio said she has given the order and they cannot be cited for trespassing since they already have jurisdiction to oversee all activities being done inside the plant’s premises because of the cease and desist order that they have to implement.

Alvarado on the other hand said that based on the General Welfare Act of the Constitution “ it is my responsibility to protect the health and welfare of my constituents and it is already a police matter to see to it that the inspection be made.”

The inspection was hastily done after Claudio and Alvarado received reports that the company resumes operations two day after the cease and desist order was served and its operations usually begin in the wee hours of the night.

Martin Santos, the barangay chairman of Tabang confirms infront of Alvarado, Claudion and Ang that there are several complaints by residents in the area that have been registered in their blotter book that claims that the company still continues to operate despite the order made by the EMB on March 6.

The said company is located in a residential and commercial area and is also adjacent to the TESDA Training Center and residents in the area said the company’s “illegal” activities has compromised their health together with the students studying in the center.

Upon inspection of the thermal processors of the company, Claudio and Alvarado have noted that the facilities are still hot and concluded that it only shows that the complaints of the residents are true.

Because of their findings, Claudio said that now the company has not only been served with a cease and desist order but it is now officially padlocked due to violations of several environmental laws.

Pagmimina sa Zambales tinutulan



Tuesday, March 6, 2012

Bulacan Gov, EMB padlocks Tire Pyrolysis Plant in Guiguinto




GUIGUINTO, Bulacan— The Environmental Management Bureau of the Department of Environment and Natural Resources in Region 3 has padlocked a tire pyrolysis plant operated by the Bio-Eco Solution Technology Inc., in Bgy. Tabang here for numerous violations of environmental laws.

EMB environment technicians accompanied by EMB regional director Lormelyn E. Claudio and Bulacan Gov. Wilhelmino M. Sy-Alvarado served a cease and decease order against the owner of Bio-Eco Solution Technology Inc after it was found that its tire pyrolysis plant violated provisions of the Philippine Environmental Impact Statement System Law (PD1686), Clean Air Act (Ra 8749), Clean Water Act (RA 9275), Ecological Solid Waste Management Act (RA 9003) and Toxic, Hazardous and Nuclear Waste Act (RA 6969).

Claudio said that their office had earlier served a “notice of violation” against John Ang, operations manager of Bio-Eco Solution Technology Inc., for conducting testing operations without securing first the necessary Environmental Compliance Certificate (ECC), Permit To Operate (POA) and Discharge Permit (DP) which is in violation of Section 4 of PD 1686 otherwise known as the Philippine Environmental Impact Statement System as well as the implementing rules and regulations of the Philippine Clean Air Act and the Philippine Clean Water Act.

However, residents in the area complained that the plant continues to operate, emitting obnoxious odor that is allegedly posing health hazards to the neighborhood.

The EMB inspection team said that the plant's location is a mixed industrial, commercial and residential area.

Claudio, Alvarado and Bulacan Environment and Natural Resources Office chief Rustico “Teddy” de Belen  witnessed the serving of the CDO which was received  by security guard Romeo Francisco in the presence of the company’s legal counsels.

Claudio and Alvarado later posted a notice to the public at steel gate of the plant, stating that the tire pyrolysis plant and its facilities is closed.

“We have explained to the owners that they supposedly should have stopped their testing operations but residents said that they continue to operate. Umuusok at ummamoy pa rin hanggang ngayon,” Claudio told local newsmen who covered the serving of the CDO.

Alvarado said the provincial government and DENR officials will discuss legal  measures to ensure that the plant will not operate again and will enforce a “24/7” monitoring on the padlocked facility.

“We will not allow them. We will pursue their closure until such time na magkaroon sila ng safe na technology na hindi nakakapinsala ng kapaligiran at kalusugan ng mga mamamayan,” Alvarado said.

Worried that residents and workers might have already suffered health ailments, Alvarado ordered the Provincial Health Office to check the health condition of residents and workers.

The governor also found out that most of the workers came from the same tire pyrolysis plant that the DENR and the provincial government have padlocked earlier in Bgy. Pulong Yantok, Angat.

“He told the workers that he will send a medical team to check their health conditions.

Becca Reyes, a resident living near the plant, told Alvarado and Claudio that many residents, mostly children are now suffering skin irritations, asthma and dizziness due to the toxic smokes being emitted by the tire burning facility.

It was learned that the company burns used tires and other materials made of rubber to produce bunker oil.

An EMB team that earlier inspected the plant reported that the process building is not yet fully enclosed and Carbon ash were noted scattered at the second floor and open area of the tire-burning facility.—EMIL G. GAMOS

Monday, March 5, 2012

Task Force Anti-illegal logging dapat ng buuin


MALOLOS—Pinayuhan ng Sagip Sierra Madre Environmental Society Inc., (SSMESI) kay Gob. Wilhelmino Alvarado na buuin na ang Task Force Anti-illegal logging sa Bulacan bilang bahagi ng pagpapaigting ng kampanya para sa proteksyon sa kabundukan.

Kaugany nito, nangangamba na ang ilang nagbabantay sa kabundukan ng Bulacan dahil sa pagiging marahas ng mga kasapi ng grupong sangkot sa timber poaching sa Angat Watershed.

Ayon kay Bro. Martin Francisco, tagapangulo ng SSMESI, kailangan ng mabuo ang nasabing task force upang matiyak na mapoproteksyunan ang nalalabing punong kahoy sa kabundukan ng Bulacan kabilang na ang mga nasa loob ng mahigit sa 55,000 Angat Dam Watershed sa bayan ng Norzagaray.

“Tuloy-tuloy ang pamumutol sa kabundukan kaya kailangan na ang ma-activate ang Task Force,” ani Francisco sa isang panayam noong Biyernes ng hapon, Enero 6.

Binigyang diin ni Francisco na ang nasabing task force na bubuuin ng 20-katao ay dapat may kasamang mga sundalo.

“Kailangang may kasamang sundalo dahil mga armado yung mga timber poachers sa bundok,” ani Franciso.

Bukod dito, ipinayo niya na ang mga kasapi ng Task Force ay kailangan sa bundok din nakatira upang mabatayan ang kilos ng mga timber poachers.

“Hindi pwede aakayat yung task force sa bundok at mag-ooperate ng isang araw, tapos at bababa at uuwi; eh, pagtatawanan lang iyan ng mga namumutol ng kahoy, doon sila nakarita sa bundok,” ani Francisco.

Bukod dito, napahayag na ng pangamba ang mga nagbabantay sa kabundukan dahil sa pagiging marahas ng mga timber poachers na sinasabing kasapi ng grupong Aniban ng Magsasaka at Mangingisda at Manggagawa sa Angat (AMMMA).

Ito ay dahil sa isang forest guard ng National Power Corporation –Angat Watershed Area Team (Napocor-Awat) ang binugbog ng mga ito noong Disyembre.

Matatandaan na noong 2005, pinatay sa saksak ng mga hinihinalang timber poachers si Pastor Winifredo Montecillo sa Brgy. Ipo  sa Norzagaray matapos magsagawa ng isang Bible study.

Si Montecillo ay isang pastor ng Assemblies of God na nagpahayag ng paglaban sa mga timber poachers sa pamamagitan ng mga sermon at pagbibigay impormasyon sa mga pulis ng mga gawain nito.

Ang paninindigan ni Montecillo laban sa mga timber poachers ay ikinagalit ng mga ito.

Sa kasalukuyan, isa mang residente ng mga barangay ng Ipo, San Mateo at San Lorenzo sa Norzagaray ay walang maglakas ng loob magsalita laban sa mga timber poacher.

Ayon kay Mendel Garcia, hepe ng Napocor-Awat, nauunawaan nila ang kalagayan ng mga residente.

Ito ay dahil sa natatakot ang mga residente sa mga timber poachers na namumutol ng punong kahoy sa Angat Dam Watershed.

Ang 55,000 ektrayang Angat Dam Watershed ay matatagpuan sa silangang bahagi ng Bulacan.  Ito bahagi ng mahigit sa 100,000 ektarayang kabundukan na nasasakop ng lalawigan.

Ngunit sa kasalukuyang, ang nagbabatay sa kabundukang iyon ay 29 na forest guards.

Kabilang doon ang pitong forest guards ng Napocor-Awat, at 22 forest guards ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), na ang ilan ay nalalapit ng magretiro sa serbisyo.

Ayon kay Garcia, ang ideyal na sukat ng kabundukan na dapat banatayan ng isang forest guard ay 3,000 ektarya, ngunit ang bawat isa sa forest guard nhg Napocor-Awat ay nagbabantay sa halo 8,000 ektarya ng kabundukan.

Paiigtingin kampanya laban sa pamumutol ng puno, pag-uuling


MALOLOS—Tiniyak ni Gob. Wilhelmino Alvarado na paiigtingin ang kampanya laban sa timber poaching sa Angat Watershed, samantalang planong ipatigil ang paggawa ng uling sa lalawigan.

Ito ay matapos madiskubre at makumpiska ng mga forest guard ng National Power Corporation –Angat Watershed Area Team (Napocor-Awat) ang mahigit sa 2,580 board feet ng mga tinistis na tabla o tablon, at isang chain saw di kalayuan sa Ipo Watershed sa bayan ng Norzagaray noong Enero 5.

Ang mga nakumpiskang tablon sa idodonasyon sa Department of Education (DepEd) upang gawing mga silya; samantalang hiniling naman ng Sagip Sierra Madre Environmental Society kay Alvarado na buuin na ang anti-illegal logging task force sa lalawigan upang matiyak ang proteskyon sa nakakalbong kabundukan ng Bulacan.  (Basahin ang kaugnay na balita)

“Ayaw nating maulit sa Bulacan yung nangyari sa Iligan at Cagayan De Oro.  We don’t want that to be replicated in Bulacan, kaya we have to double our effort to protect our forests,” ani Alvarado patungkol sa biglaang pagbaha sa mga Nasabing lungsod sa Mindanao.

Ang biglaang pagbaha o flash flood sa mga Lungsod ng Cagayan de Oro at Iligan sa Mindanao ay naging sanhi ng pagkasawi ng mahigit sa 1,000 katao noong Disyembre na isinisisi sa kalbong kabundukan dahil sa di mapigil na pamumutol ng punong kahoy.

Bilang bahagi ng pagpapigting ng kampanya laban sa timber poaching o pamumutok ng kahoy sa kabundukan, partikula na sa may 55,000 ektaryang Angat Watershed, sinabi ni Alvarado nakipag-ugnayan na siya sa 56th Infantry Battalion na nakabase sa bayan ng Norzagaray.

 “I have asked the commanding officer of the 56th IB to help us in protecting the environment,” aniya patungkol kay Col. Edgardo Lagnada, ang battalion commander ng 56th IB.

Ang mga elemento ng 56th IB ay naging bahagi ng retrieval o pagtitipon sa mga nakumpiskang tablon na unang nadiskubre ng Napocor-Awat noong Enero 5.

Batay sa ulat ng Bulacan Environment and Natural Resources Office (Benro) umabot sa 2,580 board feet na tablon ang nakumpiska at ito ay nagkakahalaga P129,000.

“Palagay ko ay higit pa sa 2,580 board feet ang naputol na tablon dahil sa marami pa ang nakakalat at hindi nakuha,” ani Mendel Garcia, hepe ng Napocor-Awat sa panayam ng Mabuhay sa telepono noong Biyernes, Enero 6.


Ayon kay Garcia, agad nilang tinawagan ang kapitolyo at ang 56th IB upang tulungan sila sa paghakot sa mga tablon at upang matiyak ang seguridad ng mga naghahakot.

Ito dahil sa ang mga timber poacher sa Angat Watershed ay mga armado at sinabing may mga kaugnayan sa pulisya.

Batay naman sa pahayag ng mga source ng Mabuhay, ang timber poachers sa Angat Watershed ay kasapi ng Aniban ng Mangingisda, Mangsasaka at manggagawa sa Asa Angat (AMMMA).

Ngunit may nagsasabi ring ang nasa likod ng pagtatangkang ipuslit ang mga tablon ay nabibilang sa “lost command” ng AMMMA.

Ang nasabing grupo ay sinasabing dating nakasama ng pulisya ng Bulacan sa paglaban sa mga rebeldeng New Peoples’ Army (NPA) na namamalagi sa Angat Watershed.

Kaugnay nito, sinabi ni Alvarado na plano nilang ipatigil rin ang paggawa ng uling sa kabundukan.

“Maglalabas ako ng executive order banning charcoal making in Bulacan,” ani ng Gobernador.

Iginiit niya na katulad ng mga timber poacher, ang mga mag-uuling ay bahagi rin ng patuloy na pagkakalbo ng kabundukan ng Bulacan na nagiging sanhi ng mga pagbaha sa mabababang bahagi ng lalawigan.

Isa sa tinukoy ni Alvarado ay ang mga mag-uuling sa bulubunduking bayan ng Donya Remedios Trinidad (DRT)na naglalabas ng kanilang uling sa Brgy. Sibul, sa bayan ng San Miguel.

Una rito, ipinahayag ng mga residente ng Brgy. Kalawakan sa DRT na walang hanapbuhay sa kanilang lugar maliban sa pagmimina at pag-uuling.

“Kung may ibang pagkakakitaan, nakahanda kaming tumigil, pero kung wala, paano mabubuhay ang pamilya namin,” ani ng isang mag-uuling sa DRT na nakapanayam ng mabuhay noong nakaraang taon.

ITIM NA NAZARENO: Sana’y di na muling bumaha, hiling ng mga deboto




HAGONOY, Bulacan—Sana’y hindi muling maulit ang malalim na pagbaha sa Hagonoy.

Ito ang isa sa mgarming kahilingan ng mga deboto ng Itim na Nazareno sa bayang ito kaugnay ng pagdiriwang ng taunang piyesta noong Lunes, Enero 9 na muling tinampukan ng prusisyon sa ilog.

Bukod sa nasabing kahilingan, nagpasalamat din sila sa pagkakaligtas sa pinakamalalim na pagbaha na nagpalubog sa bayang ito sa loob ng may 40 taon.

Ayon kay Bubbles Ricafrente ng Brgy. San Agustin sa bayang ito, ipinangamba nila ang malalim at halos dalawang linggong pagbaha noong Setyembre at Oktubre.

“Hindi naming makakalimutan yung baha, ngayon lang uli bumaha ng ganun kalalim at katagal dito sa Hagonoy,” aniya.

Dahil sa nasabing karanasan, sinabi ni Ricafrente na isa sa kanyang ipinagdasal ay din a maulit and nasabing insidente.

Gayundin ang naging pahayag ni Monching  Santiago, ang pangalawang pangulo ng Samahang Katandaan ng Parong-parong na nangasiwa sa pagsasasagawa ng piyesta.

Bilang residente ng Brgy. San Pedro, sinabi ni Santiago na hindi basta lumulubog ang kanilang lugar sa baha.

Ngunit matapos ang pananalasa ng bagyong Pedring noong Setyemre, maging ang kanilang barangay ay lumubog.

“Marami kaming dapat ipagpasalamat dahil nakaligtas kami sa baha, pero marami din ang kahiliangan,” aniya.

Kabilang sa kanyang kahilingan ay hindi na sila masyadong maapektuhan ng pagbaha.

“Hindi na maiiwasan yung baha, pero sana sa mga susunod na pagkakataon ay hindi masyadong maapektuhan ang Hagonoy,” ani Santiago.

Katulad nina Ricafrente at Santiago, may dagdag ding kahiliangan ang debotong si Jun Iballa ng Poblacion, Paombong.
Kabilang dito ay ang pagiging malusig at ligtas sa mga sakit ng kanyang pamilya kabilang ang kaniyang dalawang supling.

“First time ko pa langh napunta rito, pero naniniwala ako na ang panalangin ng mga deboto rito ay naririnig din sa itaas,” ani Iballa habang karga ang magdadalawang taong supling.

Ang debosyon sa Itim na Nazareno sa Sitio Parong-parong, Brgy. San Agustin sa bayang ito ay nagsimula matapos itayo ang kapilya noong 1983.

Ito ay sa pagsisikap ng pamilya Santiago, ang may-ari ng Bulacan Garden na siyang nagdonasyon ng lupang pinatayuan ng kapilya, maging ng mga unang materyales para sa konstruksyon.

Bilang bahagi ng taunang pagdiriwang ng pista ng Itim na Nazareno, nagsasagawa sila ng prusisyon sa ilog pagkatapos ng misa sa umaga.

Ang nasabing prusisyon sa kakaiba sa  pagsasagawa ng piyesta ng Itima na Nazareno sa ibang panig ng bansa.

Dahil sa kakaibang gawain, patuloy naman ang pagdami ng mga debotong dumadayo sa nasabing piyesta.

Sa taong ito, ang prusisyon sa ilog ay isinagawa kahit na mababaw ang tubig sa ilog o low tide.

Pagdating naman ng hapon ay isinasagawa ang prusisyon sa lansangan na dinaluhan din ng mga deboto at bisita ng mga residente na nakipiyesta.

Tinampukan din ito ng maigay at makulay na fireworks display.