Monday, March 5, 2012

ITIM NA NAZARENO: Sana’y di na muling bumaha, hiling ng mga deboto




HAGONOY, Bulacan—Sana’y hindi muling maulit ang malalim na pagbaha sa Hagonoy.

Ito ang isa sa mgarming kahilingan ng mga deboto ng Itim na Nazareno sa bayang ito kaugnay ng pagdiriwang ng taunang piyesta noong Lunes, Enero 9 na muling tinampukan ng prusisyon sa ilog.

Bukod sa nasabing kahilingan, nagpasalamat din sila sa pagkakaligtas sa pinakamalalim na pagbaha na nagpalubog sa bayang ito sa loob ng may 40 taon.

Ayon kay Bubbles Ricafrente ng Brgy. San Agustin sa bayang ito, ipinangamba nila ang malalim at halos dalawang linggong pagbaha noong Setyembre at Oktubre.

“Hindi naming makakalimutan yung baha, ngayon lang uli bumaha ng ganun kalalim at katagal dito sa Hagonoy,” aniya.

Dahil sa nasabing karanasan, sinabi ni Ricafrente na isa sa kanyang ipinagdasal ay din a maulit and nasabing insidente.

Gayundin ang naging pahayag ni Monching  Santiago, ang pangalawang pangulo ng Samahang Katandaan ng Parong-parong na nangasiwa sa pagsasasagawa ng piyesta.

Bilang residente ng Brgy. San Pedro, sinabi ni Santiago na hindi basta lumulubog ang kanilang lugar sa baha.

Ngunit matapos ang pananalasa ng bagyong Pedring noong Setyemre, maging ang kanilang barangay ay lumubog.

“Marami kaming dapat ipagpasalamat dahil nakaligtas kami sa baha, pero marami din ang kahiliangan,” aniya.

Kabilang sa kanyang kahilingan ay hindi na sila masyadong maapektuhan ng pagbaha.

“Hindi na maiiwasan yung baha, pero sana sa mga susunod na pagkakataon ay hindi masyadong maapektuhan ang Hagonoy,” ani Santiago.

Katulad nina Ricafrente at Santiago, may dagdag ding kahiliangan ang debotong si Jun Iballa ng Poblacion, Paombong.
Kabilang dito ay ang pagiging malusig at ligtas sa mga sakit ng kanyang pamilya kabilang ang kaniyang dalawang supling.

“First time ko pa langh napunta rito, pero naniniwala ako na ang panalangin ng mga deboto rito ay naririnig din sa itaas,” ani Iballa habang karga ang magdadalawang taong supling.

Ang debosyon sa Itim na Nazareno sa Sitio Parong-parong, Brgy. San Agustin sa bayang ito ay nagsimula matapos itayo ang kapilya noong 1983.

Ito ay sa pagsisikap ng pamilya Santiago, ang may-ari ng Bulacan Garden na siyang nagdonasyon ng lupang pinatayuan ng kapilya, maging ng mga unang materyales para sa konstruksyon.

Bilang bahagi ng taunang pagdiriwang ng pista ng Itim na Nazareno, nagsasagawa sila ng prusisyon sa ilog pagkatapos ng misa sa umaga.

Ang nasabing prusisyon sa kakaiba sa  pagsasagawa ng piyesta ng Itima na Nazareno sa ibang panig ng bansa.

Dahil sa kakaibang gawain, patuloy naman ang pagdami ng mga debotong dumadayo sa nasabing piyesta.

Sa taong ito, ang prusisyon sa ilog ay isinagawa kahit na mababaw ang tubig sa ilog o low tide.

Pagdating naman ng hapon ay isinasagawa ang prusisyon sa lansangan na dinaluhan din ng mga deboto at bisita ng mga residente na nakipiyesta.

Tinampukan din ito ng maigay at makulay na fireworks display.

No comments:

Post a Comment