Ito ay ang Philpao Enterprises na nakabase sa Barangay
Pulong Yantok, Angat, Bulacan na naunang ng ipinasara ng EMBo noong 2009.
Ang Philpao ay ang ikalawang kumpanyang nagsusunog ng gulong
na ipinasara ng EMB sa Bulacan sa loob lamang ng isang buwan dahil sa paglabag
sa batas pangkalikasan at reklamo ng mga residenteng hindi makatiis sa usok na
ibinibuga nito.
Ayon kay Lormelyn Claudio, ang direktor ng EMB sa Gitnang
Luzon, una na nilang ipinasara ang Philpao noong Setyembre 2009 at sa kabila ng
utos ng korte na status quo at muling nagsimula ito ng operasyon.
Ang unang pagpapasara sa Philpao noong 2009 ay nagbunga
pagkansela sa Environmental Compliance Certificate nito (ECC), at ayon kay
Claudio, hangga ngayon ay hindi pa nabibigyan ng panibagong ECC ang planta.
Sa pagsalakay ng EMB kasama ang Bulacan Environment and
Natural Resources Office (BENRO) sa pangunguna ni Abogado Teddy De Belen,
natuklasan ang patuloy na operasyon ng Philpao.
Ayon kina Claudio at De Belen, mainit pa ang makina ng
planta at may hukay na may langis.
Iginiit pa nila na batay sa reklamo ng mga residente, ang
Philpao ay nagsasagawa ng operasyon kung gabi kaya’t nahihirapan silang huminga
sanhi ng makapal at nakakasulasok na usok na ibinubuga nito.
Sinabi ni Claudio na bukod sa tahasang paglabag sa naunang
utos na tumigil sa operasyon, lumbag din ang Philpao Enterprises sa mga
provision ng Clean Air Act, Clean Water Act, Ecological Solid Waste Management
Act at marami pang iba.
Dahil dito, nagtayo ng checkpoint ang EMB at BENRO sa
paligid ng planta upang mapigilan ang pagpasok ng mga susunuging gulong at
paglabas ng nakatas na langis mula sa sinunog na gulong.
Para naman sa mga tauhan ng
Philpao, may sapat na dokumento ang may-ari ng planta upang magpatuloy ng
operasyon.
Iginiit pa nila na nasa korte na ang kasong isinampa ng EMB
kaya’t hindi na raw ito dapat nagsagawa ng raid.
Ang operasyon ng Philpao ay unang ipinatigil noong 2009,
ilang buwan matapos ipasara ng EMB ang ming Hong Trading o ang katulad na plantang
nagsusunog ng gulong sa Sitio Diliman, Barangay Partida sa katabing bayan ng ng
Norzagaray.
Nitong Marso 6, sinalakay at ipinatigil ang EMB at BENRO ang
planta ng Bio Eco Solutions Inc., na nagsasagawa ng katulad na operasyon ng
pagsusunog ng gulong sa Barangay Tabang, Guiguinto.
Ang nasabing planta ay tuluyang ikinadado ng EMB at BENRO
noong Marso 16 dahil sa patuloy na operasyon matapos atasang tumigil.
Sa kanyang maikling pahayag, sinabi ni Gobernor Wilhelmino
Alvarado na hindi nila papayagang magsagawa ng operasyon sa lalawigan ang
anumang establisimyento na makakasira sa Bulacan.
“Anything that is destructive is not welcome in Bulacan,”
ani Alvarado sa isang pahayag at iginiit na tanging ang mga establisiumyentong
susunod sa itinatadhana ng batas ang papayagang magsagawa ng operasyon at
magnegosyo sa lalawigan. (Dino Balabo)
No comments:
Post a Comment