Mapa ng mga mapaminsalang lindol sa Pilipinas |
CALUMPIT,
Bulacan—Tinatayang aabot lamang ng 30 minuto ang pagpahatid ng babala ang
National Power Corporation (Napocor) sa kapitolyo kung sakaling masisira ang
Angat Dam at raragasa ang tubig pababa.
Ito
ang pahayag na may paniniyak ng mataas na opisyal ng Napocor kaugnay ng
posibilidad na mawasak ang dike ng dam sanhi ng malakas na lindol na ihahatid
ng inaasahang paggalaw ng west valley fault line.
Layunin
ng pahayag na maibsan ang pangamba ng mga Bulakenyong nakatira sa kahabaan ng
Ilog Angat kung saan ay inaasahang raragasa ang tubig na bubulwak mula sa dam.
Bukod
dito, layunin din nito na higit namaipaunawa sa mga mamamayan ang kahalagahan
ng paghahanda at pagkilos ng akma sa panahonng pananalasa ng kalamidad na
maghahatid ng trahedya.
Ayon
kat Inhinyero Romualdo Beltran, hepe ng Dams, Reservoir and Flood Forecasting
Division ng Napocor, bahagi ng paghahanda sa posibilidad na pagkasira ng dam
sanhi ng lindol ay ang pabuo ng emergency action plan (EAP).
Nilinaw
niya na ang isinasaad ng EAP ay ang pagtatalaga ng EAP coordinator o tagapag-ugnay sa Napocor at
sa kapitolyo.
Napocor's Beltran (L), and NIA's Felix Robles (R) |
Ang
magsisilbing EAP coordinator ng Napocor ay ang general manager ng Angat River
Hydro Electric Power Plant (Arhepp) na si Inhinyero Rodolfo German, samantalang
may itatalaga rin sa kapitolyo.
Ayon
kay Beltran, simple ang batayan ng pagpili kay German. Ito ay dahil “lagi siyang nandoon sa Hilltop”
kung saan matatagpuan ang pasilidad ng dam at Arhepp.
Ipinaliwanag ni Beltran na kung sakaling
lilindol ay agad na magsasagawa ng pagsusuri ang mga tauhan ng Napocor sa
kalagayan ng pasilidad ng dam, partikular na sa mga istraktura o dike.
Kung
may matutukoy na damage o sira na magdudulot ng panganib sa kalagayan nito,
sinabi ni Beltran na agad magpapahatid ng babala si German sa kapitolyo.
“Madali
lang yun, basta na-identify yung imminent danger, mabibigay agad ng warning,
matagal na doon ay 30 minutes,” ani Beltran.
Ayon
kay Beltran, ang paghahatid ng babala sa kapitolyo ay sa pamamagkitan ng fax
machine, telepono ar radio communications na ang mga sistema at imprastraktura
ay pinauunlad na.
Kasunod
nito ay ang madaliang paghahatid ng babala sa kapitolyo sa bawat bayang
tinatayang masasalanta.
Kaalinsabay
nito, dagdag ni Beltran ay ang pagpapatapon ng tubig mula sa dam ng Napocor.
“To
reduce possibility of greater disaster, magrerelease ang Napocor ng tubig sa
dam,” ani Beltran.
Ipinaliwanag
niya na ito ay magaganap kung matatapat na malalim ang tubig sa dam sa panahon
ng paglindol.
Kung
mababa naman ang tubig sa dam, hindi na sila magpapatapon.
“It
was meant to ease pressure on the dike damaged by earthquake,” aniya.
Batay
sa naunang pahayag ng dam safety expert na si Inhinyero Roderick Dela Cruz,
kapag lumindol, may posibilidad na magkabitak ang dike ng dam at tatagas ang
tubig.
Ang
bitak na ito na tinatagasan ng tubig ay tinatawag na “piping”; at maaaring
pagsimulan ng mas malaking sira dahil patuloy na pagdaloy ng tubig.
Ito
ay nakakatulad ng mga balong sa mga pilapil ng bukid o palaisdaan na sa una ay
maliliit at makikipot lamang, ngunit kapag napabayaan ay lumalaki at nagiging
sanhi ng pagguho ng pilapil.
Ayon
kay Dela Cruz na nagmula sa bayan ng Hagonoy ngunit kasalukuyang nagtatrabaho
sa southern California Edison sa Amerika, malaki ang posibilidad na magkaroon
ng “piping” sa dike ng Angat Dam kung lilindol ng malakas.
Ito
ay dahil sa ang mga higanteng dike ng dam ay “rock and earth-filled’ o yari sa
pinagpatong-patong ma malalaking tipak ng bato na may nakasiksik na lupa.
Ngunit
batay sa kanyang pag-aaral, mas matibay ang rock and earth-filled dam kumpara
sa mga dam na yari sa manipis na kongkretrong dike.
Ito
ay dahil sa kapag nagkabitak ang kongkretong dike, mahirap ng kumpunihin iyon.
Inayunan
ito ni Beltran at sinabing “yung mga rock and earth-filled dike ay naghe-heal”
o nagsasara ang butas lalo na;’t mahina ang daloy ng tubig mula sa loob
palabas.
Hinggil
naman sa mga balitang “may crack” o bitak ang dam, sinabi ni Beltran na hindi
iyon totoo.
Ipinaliwanag
niya na ang nakikitang dumadaloy na tubig sa paanan ng dike ng dam ay bahagi ng
tubig na kumakatas mula sa loob.
Hindi
ito nangangahulugan na may bitak ang dam, sa halip ay natural na sitwasyon iyon
para s amga katulad na dike.
Sa
mas nauna ring pahayag sinabi ni Inhinyero German na hindi sila nagpapabaya sa
pagbabantay sa katas ng tubig sa paanan sa dam.
Iginiit
niya na delikado lamang ang kalagayan ng dam kung ang kumakatas na tubig sa
paanan at lalabo.
Ang
pagbabantay sa katas ng dike ng dam ay isa ring batayan ng Napocor matapos ang
paglindol.
Ang
paglabo ng kumakatas na tubig sa paanana ng dam, ayon kay German ay indikasyon
o nangangahulugan na may nasira sa loob ng dike.(Dino Balabo)
ReplyDeleteUTANG INVESTMENT OPPORTUNITIES:
Kailangan ba ninyo ng isang Utang? Interesado ka ba sa pagkakaroon ng ganitong uri ng pautang? O kaya huwag mag-alala ka financially ?. Mayroon ba kayong isang utang upang bayaran? Bigyan kami ng mga pautang sa anumang bahagi ng mundo. Ang aming loan interest rate ay 3% sa bawat annul ang negotiated duration anuman ang lokasyon o credit status. Upang makakuha ng isang loan ngayon makipag-ugnayan sa amin sa pamamagitan ng kumpanya email address sa: potterscredit@yahoo.com
TANDAAN: Bigyan kami ng out ang minimum ($ 3000 / €) para sa isang pinakamataas na (300,000.000 $ / €) E.T.C. Credit Requests dapat na ipinahayag sa US DOLLARS OR EURO, at anumang iba pang gamit na MONEY.
Makipag-ugnayan sa: potterscredit@yahoo.com: sapagka't ang inyong Utang ngayon, kami ay handa upang maghatid sa iyo namin.
Salamat sa iyo habang hinihintay namin ang iyong mabilis Tugon.
James Potter Loans Limited
E - Mail: potterscredit@yahoo.com