HAGONOY,
Bulacan—Mahigit sa 2-milyong Bulakenyo ang maaapektuhan ng biglang pagbahang
ihahatid ng pagsira ng Angat Dam sanhi ng malakas na lindol.
Ang
bilang na ito ay batay sa pagtaya ng Mabuhay ayon sa tala ng bilang ng mga
residente sa 20 bayan at lungsod sa lalawigan na tinatayang masasalanta.
Ayon
kay Defense Undersecretary Eduardo Batac, aabot sa 20 bayan ay lungsod sa
lalawigan ang maaapektuhan ng biglang pagbahang ihahatid ng pagsira ng dam kung
lilindol ng malakas sanhi ng paggalaw west valley fault line system.
Usec Ed Batac (C) kasama sina Gov. Alvarado at Dir. Timoteo |
Bukod dito, sinabi ni Batac na pio pang bayan
sa Pampanga at tatlong lungsod sa Kalakhang Maynila ang maaaring sagsaan ng
biglang pagbaha sanhi ng lindol.
Ngunit
sa panayamng Mabuhay kay batas sa bayan ng Calumpit noong Setyembre 24, hindi
siya nagbigay ang aktuwal na bilang populasyon na maaapektuhan.
Sa
halip ay iginiit niya na layunin ng pamahalaan na mapaliit ang bilang ng
maaapektuhan sa biglang pagbaha na ihahatid ng lindol.
Idinagdag
pa niya na ang kalagayang ito ang dahil kung bakit nagsagawa sila ng isang
earthquake drill sa bayan ng Calumpit noong Setyembre 24.
Ngunit
batay sa impormasyong naipon ng Mabuhay at sa mga pahayag ng opisyal, nagsagawa
ng pagtaya ang Mabuhay.
Kung
ang pagbabatayan ng maaapektuhan ay 20 bayan at lungsod sa lalawigan, posibleng
umabot sa 2,070,797 Bulakenyo ang maaapektuhan.
Batay
sa tala ng National Statistics Office (NSO) kaugnay ng isinagawa census of
population noong 2010, ang Bulacan ay may kabuuang populasyon na 2,924,433.
Ang
mga residente maapektuhan sa lalawigan ay ang mga nakatira sa mga bayan ng
Angat, Balagtas, Baliuag, Bocaue, Bustos, Bulakan, Calumpit, Guiguinto,
Hagonoy, Marilao, Norzagaray, Obando, Pandi, Paombong, Pulilan, Plaridel, San
Ildefosno, San Rafael, at mga Lungsod ng Malolos at Meycauayan.
Tinataya
ng mga opisyal na ang Lungsod ng San Jose Del Monte, at mga bayan ng Donya
Remedios Trinidad, San Miguel at Sta. Maria ay hindi masyadong maaapektuhan ng
sinasabing baha na ihahatid ng lindol.
Ayon
kay Gob.Wilhelmino Alvarado, ang biglang pagbaha na hatid ng pagkasira ng dam
ay maaaring maghatid ng rumaragsang tubig sa kahabaan ng Ilog Angat na may taas
na 30 talampakan.
Dahil
dito, sinabi ni Alvarado na ang mga pangunahing maaapektuhan ay ang mga
nakatira sa gilid ng nasabing ilog.
Samantala,
iginiit naman ni Batac na dapat mabigyan ng sapat na kaalalaman at kasanayan
ang mga kabataan sa pagtugon hinggil sa nasabing kalamidad.
Ito
ay dahil sa ang mga kabataan ay nabibilang sa hanay ng vulnerable sector o
kapos sa kakayahan.
“Maraming
vulnerable sector sa Bulacan, lalo na yung mga kabataan na dapat na
mapangalagaan,” ani Batac.
Nilinaw
din niya na ang pagbibigay ng pagsasanay o earthquake drill sa mga paaralan ay
bahagi ng pagtatangka ng National Disaster Risk Reduction Management Council na
maihanda ang mga kabataan.
Ayon
kay Batac, ang mga kabataan ang mga susunod na lider ng bayan. (Dino balabo)
No comments:
Post a Comment