MALOLOS—Tiniyak ni Environment Secretary Ramon Paje ang
isasama ni Pangulong Benigno Aquino III sa kanyang State of the Nation Address
(SONA) ang magandang balita hinggil environment performance ng Pilipinas
kumpara sa mas mayayamang bansa sa mundo.
Ito ay dahil sa dinaig ng Pilipinas sa environmental
performance ang mga bansang Australia, Amerika, Singapore at Israel, ayon sa
ulat na 2012 Environmental Performance Index (EPI) na inilabas nitong Pebrero.
Ang nasabing ulat ay magkasamang binuo ng Yale University
at Colombia University, sa pakikipagtulungan ng World
Economic Forum (WEF) at ng European Commission.
Ayon kay
Paje, ang Pilipinas ay nasa kategoryang “strong performer” batay sa nasabing
ulat.
Ito ay dahil sa
ang Pilipinas ay pumang-42 sa 132 bansa sa mundo mula sa dating puwestong
pang-50 noong 2010.
Batay pa rin sa
2012 EPI, ang bansang Australia ay pang-48, Amerika (49), Singapore (52), at
ang Israel ay pang-61.
Ang mga nasabing bansa ay nasa kategoryang “modest performer.”
Ayon kay
Paje, dinaig ng Pilipinas ang mga nasabing bansa dahil sa 100 o perpektong iskor
na na ibinigay ng EPI sa limang indicators na ginamit sa pagsusuri.
Ito ang 10 porsyentong iskor sa pangangalaga sa kagubatan sa
pamamagitan ng pagpapatupad ng loggiong ban; pagkakaroon ng growing forest stock para sa National Greening
Program (NGP); CO2 per capita para
sa patuloy na carbon sequestration ng lumalawak na kagubatan; subsidiya
para sa mga lowland at upland farmers sa pamamagitan ng pagsusulong ng
administrasyong Aquino ng organiko pataba; at pagbabawas ng outdoor air
pollution.
Ang naging basehan ng EPI sa log ban ay ang pagpapalabas ng
Malakanyang ng Executive Order No. 23
noong Pebrero 2011na nagresulta sa pagkakakumpiska ng 13.3-Milyong board feet
ng kahoy na nagkakahalaga ng P330-Milyon.
Nagresulta rin
ito sa pagsasama ng 328 kaso na nagbunga ng pagkakahatol sa 57.
Ang mga nakumpiskang kahoy naman ay idinonasyon sa
Department of Education (DepEd) at ginamit sa paggawa ng 73,710 silya; 8,737
desk, at 2,208 na ioba pang kagamitan sa paaralan.
Bukod dito, sinabi ni Paje na nakapagtayo rin ng 378 bagong
silid aralan; at ang mga silyang nagawa sa nakumpiskang kahoy ay nagamit sa
1,638 silid aralan.
Ang NGP
naman ay bunga ng EO No. 26 na naglalayong mapalawak ang kagubatan ng
pansa. Ito ay inilunsad noong Pebrero
2011.
Ayon kay
Paje, ang NGP ay ang pinamalaking reforestation program sa kasaysayan ng
bansa. Ito ay naglalayon na makapagtanim
ng 1.5-Bilyon puno sa 1.5-Milyong ektarya ng kagubatan mula 2011 hanggang 2016.
Kaugnay nito,
umabot na sa 89.6-Milyon puno ang naitanim sa 128,558 ektarya ayon sa tala
noong Disyembre 2011.
Ang programang ito ay nakalikha ng kabuuang 364,088 trabaho
Ayon kay
Paje, sa kasalukuyan ay may 7,6 milyong ektarya pang nalalabing kagubatan ang
bansa, at 8.2 milyong ektarya naman ang kalbong kabundukan.
Sinabi niya
na sa pamamagitan ng NGP, umaasa nilang mababaligtad ang sitwasyong ito kung
kailan ay tinataya nilang magiging mas malawak ang kagubatanng bansa na may
tanim na punong kahoy.
Batay sa
kanyang pagtaya, aabot sa kalahating milyong ektaryang kagubatan ang
matataniman nila bago matapos ang 2013; at sa 2016, ang kagubatan ng bansa ay
madadagdagan ng 26 na posyento na kung pagsasamasamahin ay katubas ng 60
porsyentong kagubatan ng buong bansa kabilang ang kasalukuyang kagubatang
natataniman.
Binigyang
diin niya na ang pagtatanim ng punong kahoy ay malaki ang epekto sa carbon
emission dahil nasisipsip ng mga punong kahoy ang mga usok.
Ayon kay
Paje, habang lumalawak ang kagubatang natataniman, mas lalong tataas ang carbon
sequestration ng bansa.
Ipinagmalaki
rin niya ang gumagandang kalidad ng hangin sa kalakhang Maynila.
Ito ay
dahil sa kanilang pagpapaigting ng kanilang kampanya laban sa smoke belching.
“Through an intensified anti-smoke belching campaign,
air pollution, measured by Total Suspended Particulates or TSP, in Metro Manila
decreased by about 29 percent from an
average of 166 micrograms per normal cubic meter (ug/Ncm) in the 2nd quarter of
2010 to an average of 118 micrograms per normal cubic meter in the 4th quarter of 2011. It has
increased, though, to 136 micrograms per normal cubic meter in the 1st quarter
of 2012. The acceptable level for TSP is
90 micrograms per normal cubic meter while for PM10 is60 micrograms per normal
cubic meter,” ani Paje.
Bukod sa
nasabing programa, sinabi rin niya na matagumapay ang kanilang
pakikipag-ugnayan sa pribadong sektor sa pamamagitan ng mga adopt a river at
adopt sa estero program.
Sa nasabing
programa, ang mga kasapi ng pribadong sektor ay lumalahok sa paglilinis sa mga
ilog at mga estero.
Bukod dito sinabi
ni Paje na mayroon silang 24 na bangkang nag-iipon ng basura sa Ilog Pasig at
plano nilang magbigay ng mga ito sa iba pang lalawigan.
Hinggil sa
pakikiisa ng pribadong sektor, sinabi ni Pajer hindi kaya ng gobyerno ang lahat
ng trabaho at lubhang kailangan ang pakikiisa ng bawat mamamayan.
Iginiit niya na
kung hindi makikiisa sa paglilinis ang mga mamamayan,ang gobyerno ang
magsisilbing “basurero” ng bayan.
Habang nakikisa naman ang mga mamamayan, sinabi niya na
patuloy ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa
pagpapataas ng antas ng paglilingkod.
Ito ay sa pamamagitan ng paglalagay ng mga close circuit
television sa mga tanggapan ng DENR.
Ayon sa kalihim, kahit nasa punong tanggapan siya ng DENR o
kahit nasaan, nakikita niya ang mga sangay ng tanggapan sa mga rehiyon at
nakikita kung nagsisipagtrabaho ang mga kawani ng DENR.
Ito ay dahil sa footages ng kanilang CCTV ay nakakonekta sa
telepono ng kalihim. (Dino Balabo)