Nakahihigit ang
pambansang batas sa lokal na ordinansa, ani Paje
MALOLOS—Mas nakahihigit ang pambansang batas kumpara sa mag
ordinansang laban sa pagmimina na pinagtibay ng 40 lalawigan ayon kay
Environment Secretary Ramon Paje.
Gayunpaman,
nilinaw niya na mananatili ang mga nasabing ordinansa hanggang sa ideklarang
ilegal.
Kaugnay nito,
iginiit ni Gob. Joey Salceda ng lalawigan ng Albay ang pagtutol sa pagmimina na
ayon sa kanyang ay hindi nakakatulong sa mga komunidad, samantalang inilarawan
ito ng mga militanteng grupo bilang isang paraan ng pandarambong ng mga
higanteng kumpanya likas yaman ng bansa.
“We stick to the primacy of the national law over local
ordinances,” ani Paje sa 10 piling mamamahayag na kalahok sa enviromental
investigative reporting fellowship lna inorganisa ng International Women’s
Media Foundation (IWMF) na nakabase sa Washington DC.
Ang fellowship ay isinagawa sa Astoria Plaza sa Ortigas sa
Lungsod ng Pasig
noong Hunyo 20-23.
Ayon kay Paje mas mataas ang pambansang batas kumpara sa mga
lokal na ordinansa.
Ngunit inamin
niya na ang mga ito ay mananatili hanggang sa ideklarang ilegal.
“Hindi kami ang magdedeklarang ilegal ang mga ordinansa,
kailangan ay competent agency tulad ng Supreme Court,” aniya.
Ayon pa kay Paje, ang mga nasabing ordinansa ay ipinasa
bilang tugon ng mga lalawigan sa isang executive order hinggil sa industriya ng
pagmimina na dapat sana
ay nilagdaan ni Pangulong Benigno Aquino noong Biyernes, Hunyo 22.
Ngunit habang sinusulat ang balitang ito ay hindi pa
nalalagadaan ng pangulo ang nasaing EO.
Para naman kay Salceda na
nagsilbi rin bilang panauhing tagapagsalisa IWMF fellowship, hindi basta
mapapawalang bisa ng isang EO ang mga ordinansa.
Binigyang diin niya na ang ordinansa ay pagsasatinig ng
damdamin ng taumbayan sa pamamagitan ng mga konsehal o bokal na nagpatibay
nito.
Ayon kay Salceda, hindi siya pabok sa pagmimina dahil
agrbayado ang bansa partikular na ang mga pamayanan.
Binigyang diin niya na ang pagbibigay ng bahagi ng kita sa
mga pamayanan bilang “palpak.”
Hindi patas, unequal talaga ang sharing ng benefits, mga
kumpanya lang ang nakikinabang, at hindi yung host province o community.
“Ayon kay Salceda, isang halimbawa ng di patas na
pagbabahagi ng kita sa pagmimina ay ang mga lalawigang may minahan na hanggang
sa kasalukuyan ay nananatiling mahirap.
Inihalimbawa niya ang pagmimina sa Rapu-rapu sa Bicol kung
saan ay kumita ng P7.7-Bilyon ang kumpanya at nagbayad ng buwis na P700-Milyo
sa pamahalaang pambansa.
Ngunit ang naging bahagi lamang ng lalawigan ng Albay ay
P3.4-M.
“There is a concern for intergenerational benefits, but how
can the next egenerations benefit from the mining if LGUs are getting too
little share,” ani Salceda.
Katulad ng paninindigan ng 40 lalawigan, sinabi ni Salceda
na “pagdating sa intergenerational sharing of resources talagang palpak siya
kasi ang basic principle why you allow mining is because it is for everyone
including the next generation, therefore you should be able to raise sufficient
revenues so that future generations would benefit from it, therefore yung
ma-raise mong revenues could be invested in things that would benefits at least
three generations after you like roads, bridges, enterprise development.”
No comments:
Post a Comment