Tuesday, July 10, 2012

Misyonerong Dutch environmentalist 17 pinaslang mula noong 2010




MALOLOS—Hindi lamang ang tamaraw at ang agila ang endangered species ngayon o mga hayop na nanganganib maubos ang lahi.

Maging mga environmentalist o mga taong nagsusulong ng adbokasiya para sa kapakanan ng kalikasan ay nabibilang na rin sa katulad na kategorya,  ayon sa Kalikasan Philippine Network of Environmentalists (Kalikasan PNE).

Ito ay dahil sa pamamaslang noong Martes, Hulyo 3 kay Willem Geertman, isang misyonero at environmentalist na nagmula sa bansang Netherlands.

Si Geertman ay executive director ng Alay Bayan Inc., (ABI) na may tanggapan sa 54 Rue de Paree Street, L&S Subdivision, Lungsod ng San Fernando, Pampanga; at isa rin sa mga direktor ng Citizen’s Disaster Response Council (CDRC), isang koalisyon ng mga non-government organization (NGO) na na tumutulong sa nasalanta ng kalamidad.

Ayon kay Fred Villareal, pangalawang tagapangulo ng sangay sa Pampanga ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP), nasaksihan niya ang pamamaslang sa misyonero.

“Nasa terrace ako ng opisina nila at gumagawa ng istorya ng may marinig akong nagsisigawan, Akala ko mga kabataang nagbibiruan, pero ng tingnan ko ay may nakatutok na baril kay Willem,” ani Villareal.

Ilang sandali, pa isang putok ang umalingawngaw at walang buhay na humandusay si Geertman.

Tinangkang habulin ni Villareal ang dalawang salarin upang makuha ang plaka ng motorsiklong sinakyan ng mga ito ngunit itinutok sa kanya ang baril, kaya nagtago siya sa mga halaman.

Batay sa ulat ng pulisya, pagnanakaw ang motibo sa pamamaslang dahil natangay ang bag ng misyonero na pinaglagyangng salaping kinuha sa bangko.

Ngunit para kay Villareal, may posibilidad na may iba panbg motibo sa pamamaslang sa misyonero dahil bukod sa pagtulong sa mga katutubo at mga nasalanta ng kalamidad, isa rin sa tagapagsulong ng pangangalaga sa kalikasan si Geertman.

Inayunan din ito ni Leon Dulce, ang direktor ng Task Force Justice for all Environmental Defenders (TF-JED) ng Kaliaksan PNE.

Sa panayam sa telepono ng Mabuhay kay Dulce noong Miyerkoles, Hulyo 4, sinabi niya na si Geertman ay ang ika-17 environmentalist sa bansa na pinaslang mula noong 2010.

“Environmentalists are fast becoming and endangered specie,” ani Dulce.

Ito rin ang nilalaman ng isang special report na inilabas ng Kalikasan PNE ilang oras matapos paslangin si Geertman.

Ang nasabing special report na may titutulong “2012 Human Rights Situation for Environmental Advocates in the Philippines” ay ilalabas sana ng Kalikasan PNE sa huling bahagi ng buwang ito upang sabayan ang nalalapit na State of the Nation Address ni Pangulong Benigno Aquino III.

Ngunit dahil sa pamamaslang kay Geeetman, napilitan ng Kalikasan PNE na ilabas ang nasabing ulat kung saan ay isinasaad na 58 environmental advocates sa bansa ang naging biktima ng ibat-ibang paglabag sa karapatang pantao sa pagitan ng 2001 at 2012.

 “A total of 36 environmental defenders were murdered, along with two reported cases of enforced disappearances and two cases of frustrated murder during the administration of former President Gloria Macapagal,” ani ng Kalaikasan PNE.

Sinabi rin sa nasabing ulat na maging ang “Tuwid na daan” ni Aquino  ay nabahiran din ng dugo.

“The promise of reforms under the “Tuwid na Daan” banner of Pres. Benigno Aquino III, far from delivering swift justice to the families of HRV victims and promoting a humanitarian regime, only served to perpetuate impunity,” sabi ng Kalikasan PNE at idinagdag pa na, “17 cases of politically-motivated killings and one case of abduction and torture have already been recorded under Aquino, including the high-profile cases of Palawan environmentalist Dr. Gerry Ortega and world-renowned botanist Leonard Co.”

Ayon pa sa ulat, patuloy ang pagtatalaga ng mga “Special CAFGU Armed Auxiliary (SCAA) and other army units under the Investment Defense Forces, in mines and other sites of development aggression, whose forces are linked to the murder of the Italian missionary and anti-mining leader Fr. Pops Tentorio.”

Dahil dito, lumalabas na ang agresibong pagpapalawak sa industriya ng pagmimina ang nagsisilbing mitsa ng paglabag sa karapatang pantao ng mga nagsisipagtanggol sa kalikasan.

Dagdag pa ng Kalikasan PNE na sa 58 kaso ng paglabag sa karapatang pantao na naitala mula 2001, 46 ang kinasasangkutan ng mga aktibistang lumalaban sa pagmimina.

“Five cases involved anti-large dam advocates, one coal-fired power plant activist, six anti-logging activists, one anti-landfill campaigner and four conservation advocates. Some individuals were involved in various advocacies such as Fred Trangia, a biodiversity conservationist and barangay leader who was also a staunch opponent of mining interests in Mainit, Compostela Valley,” ayon sa ulat.

Sinabi pa sa ulat na “majority of the HRVs during the Arroyo administration occurred after their declaration in 2004 the revitalization of the mining industry through the Mining Act of 1995 and other mining policies. The same trend persists under Aquino, with 14 of the 18 cases of HRVs, majority of which are killings, exacted upon mining activists.” (Dino balabo)

No comments:

Post a Comment