PULILAN,
Bulacan—Sinimulan na ng Manila North Tollways Corporation (MNTC) ang pagtatanim
20,000 punong kahoy sa kahabaan ng North Luzon Expressway (NLEX) noong Sabado,
Agosto 17.
Kasama
ang mga mamamahayag, ang pagtatanim ay pinangunahan ni Ramoncito Fernandez,ang
pangulo at Chief Executive Officer (CEO) ng MNTC na isang sangay ng Metro
Pacific Investment Corporationna pinangungunahan ng negosyanteng si Manuel
Pangilinan.
“This
is our birthday gift to our Chairman,” ani Fernandez sa panayam ng Mabuhay
matapos ang pagtatanim.
Nilinaw
ni Fernandez na sa pagdiriwang ni Pangilinan ng kanyang ika-67 kaarawan noong
Hulyo ay 67 uri ng punong kahoy ang kanilang iniregalo sa kilalang negosyante.
Ang
nasabing 67 uri ng punong kahoy ay katumbas ng edad ni Pangilinan, ngunit ayon
kay Fernandez, sa kabuuan ay 20,000 puno ang kanilang itatanim sa buong taon.
Bukod
sa pagiging regalo kay Pangilinan, iginiit pa ni Fernandez na ang pagtatanim ng
punong kahoy ay bahagi ng pagtupad ng MNTC sa kanilang corporate social responsibility (CSR).
“We
are aiming to build a better environment and we thought starting with tree
planting,” ani Fernandez.
Batay
sa tala ngMNTC umaabot sa 180,000 sasakyan ang dumadaan sa kahabaan ng NLEX
bawat araw.
Ang
bawat sasakyang ito ay nagbubuga ng usok, kayat sinabi ni Fernandez na isa ito
sa nais nilang tugunan.
Ipinaliwanag
niya na ang mga punong kahoy ay humigihop ng usok na nakakalason sa taon, at
nagbubuga naman ng oksiheno na kailangab ng tao.
Bilang
bahagi ng CSR ng MNTC, ipinaliwanag ni Marlene Ochoa, pinunno ng corporate
communications ng MNTC na nagsimula silang magtanim ng punong kahoy noong 2008.
Sa
kabuuan, sinabi ni Ochoa na halos 60,000 punong kahoy na ang kanilang naitanim.
Bukod
sa kahabaan ng NLEX, sinabi ni Ochoa na nagtatanim din sila sa ibang lugar
katulad ng paanan ng bundok ng Arayat sa
bayan ng Mexico sa Pampanga noong nakaraang taon.
Gayunpaman
iginiit niya na ang 20,000 punong kahoy na regalo nila kay Pangilinan ay
kanilang itatanim sa loob ng isang taon sa kahabaan ng NLEX.
Itio
ay bahagi ng kanilang programang tinawag na “Greening the NLEX.”
Hinggil
sa paglahok ng mga mamamahayag, sinabi ni Ochoa na ang bawat isa ay may papel
na dapat gampanan para sa kalikasan.
“Its
good na ma-engage tayong lahat sa pagtatanim, para higit nating maunawaan ang
kahalagahan ng pagaalaga sa kalikasan,”aniya. (Dino Balabo)
No comments:
Post a Comment