CALUMPIT,
Bulacan—Bukod sa bahang hatid ng pinatapong tubig mula sa dam, pinangangambahan
ng ng mga resident eng Calumpit ang Hagonoy ang epekto ng backflood na
nagmumula sa Pampanga River.
Ngunit
ayon sa mga opisyal ng Pampanga River Flood Forecasting and Warning Center
(PRFFWC) at Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO), magiging
maliit lamang ang epkto ng backflood na hatid ng bagyong Maring kumpara sa
habagat noong nakaraang taon.
Kaugnay
nito, patuloy ang pagmamasid ng Bustos Dam sa taas ng tubig sa dam at sa taas
ng tubig sa ilog sanhi ng high tide,kaya’t naging maingat sila sa pagpapatapon
ng tubig batay na rin sa payo ni Gob. Wilhelmino Alvarado.
Ayon
kay Hilton Hernando, pinuno ng PRFWC, nagsimulang maramdamang ang epekto ng
back flood sa Calumpit at Hagonoy noong Miyerkoles, Agosto 21.
Ngunit
nilinaw niya na magiging maliit lamang ang epekto nito sa kasalukuyang baha sa
mga nasabing bayan,kumpara noong nakaraang taon.
“Mas
mababaw ang baha sa Calumpit at Hagonoy kahit na dumating ang back flood,” ani
Hernando noong Huwebes, Agosto 22.
Ipinaliwanag
niya na ito ay dahil sa mas maraming ulan ang bumuhos sa baybayin ng Bulacan at
Pampanga nitiong nakaraang linggo, kumpara noong nakaraang taon.
Batay
sa tala ng PRFFWC, sinabi ni Hernando na mas malakas at kalat ang ulan noong
nakaraang taon sa bahagi ng silangang Bulacan, Nueva Ecija, Tarlac at Pampanga.
Inayunan
din ito ni Liz Mungcal, ang hepe PDRRMO na nagsabing mula noong Miyerkoles ay
nagsimula ng bumuti angpanahon sa Bulacan.
Ipinaliwanag
niya na ang pangunahing baha na
nagpalubiog sa bayan ng Calumpit at Hagonoy ay sanhi ng high tide.
Nadagdagan
lamang ito ng malakas na buhos ng ulan, kaunting tubig na pinatapon mula sa dam
at backflood.
Hinggil
sa pagpapatapon ng tubig mula sa Dam,nilinaw ni Inhinyero Prescioso Punzalan ng
National Irrigation Administration na skiyang namamahala sa Bustos Dam na
unti-unti lamang angkanilang pagpapatapon ng tubig.
Iginiit
pa niya na itinatapat nilaito sa pagbaba ng high tide upang hindi masyadong
makapekto sa binbahang bahagi ng Calumpit at Hagonoy.
Samantala,
nanawagan ng tulong angmga resident eng Sitio Pulo barangay San Jose sa bayan
ng Calumpit dahil sa halos talong linggo na silang nakalubog sa baha.
Ito
ay nagsimula sapananalasa ng bagyong Labuyo noong Agosto 12.
Higit
pang lumalim ang tubig sanhi ng bagyong Maring noong Agosto 18 hanggang 22
Ayon
sa mga residente, sila ang nagsisilbing catch basin ng bayan ng Calumpit.
Kaugnay
nito, agad na isinailalim sa state of
calamity ang mga barangay ng Sapang Bayan,Meysulao, Frances, San Miguel sa
Calumpit,maging ang buong bayan ng Hagonoy dahil sa pagbaha. (Dino Balabo)
No comments:
Post a Comment