MALOLOS—Kung
ang kalakhang Maynila ay may Camava na kinabibilangan ng mga lungsod ng
Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela na madalas sagasaan ng pagbaha,
mayroon din grupo ng mga bayan at lungsod sa Bulacan na laging binabaha.
Ngunit
hindi lang isang klase pagbaha ang nananalasa sa lalawigan, sa halip ay halos
lahat ng klase.
Ang
mga grupo ng mga bayan at lungsod na laging binabaha sa Bulacan ay tinatawag na
“O BuMaHa Ca Pa Pu Mame BoMaBa Guimi.”
Ito
ay ang pinagsama-samang unang mga letra ng pangalan ng mga bayan ng Obando,
Bulakan, Lungsod ng Malolos, Hagonoy, Calumpit, Pulilan, Marilao, Lungsod ng
Meycauayan, Bocaue, Sta. Maria, Balagtas, Guiguinto at San Miguel.
Sa
kabuuan, umabot sa 12 bayan at dalawang lungsod sa 21 bayan at tatlong lungsod
sa lalawigan ang laging sinasagasaan ng baha.
Hindi
pa kasama rito ang mga bayan ng Plaridel at Bustos na sa dalawang nagdaang taon
ay nakarnas ng pagbaha na isinisisi ng mga magsasaka sa konstruksyon ng
Balagtas-Bustos by-pass road.
Ang
pinagsama-samang pangalan ng mga binabahang bayan sa lalawigan ay unang nabuo
ng mamamahayag na ito may limang taon na ang nakakaraan.
Ngunit
iyon ay limitado lamang sa “O Bumaha Ca Pa Pu” o mga bayan ng Obando, Bulakan,
Malolos, Hagonoy, Calumpit, Paombong at Pulilan.
Sa
paglipas ng mga taon, nagdagdagan ang bilang ng mga bayan sa grupo na
nagpapahiwatig na higit na lumalawak ang bahagi ng lalawigan na apektado ng
ibat-ibang uri ng pagbaha.
Kabilang
sa mga uri ng baha ng nagpapalubog sa mga barangay sa iba-ibang bayan at
lungsod sa Bulacan ay ang bahang hatid ng bagyo, flash flood o biglaang
pagbaha, back flood, high tide at bahang sanhi ng malakas na ulan at
pinalulubha ng mga baradong daluyan ng
tubig tulad ng mga kanal.
Ang
bahang hatid ng bagyo ay karaniwang tinatampukan ng unti-unting pag-apaw ng
tubig sa kailugan at pinalulubha ng pagpapatapon ng tubig mula sa mga dam tulad
ng Angat, Ipo, at Bustos Dam.
Apektado
nito ang ilang barangay sa bayan ng Bustos, Baliwag, Pulilan at Plaridel na
matatagpuan sa gilid ng Ilog Angat.
Ngunit
mas apektado mga bayan ng Calumpit at Hagonoy na noong 2011 at 2012 at kapwa
lumubog.
Sa
mga biglaang pagbaha, apektado ang mga bayan ng San Miguel, Santa Maria, Bocaue
at Balagtas, maging ang bahagi ng Marilao at Lungsod ng Meycauayan.
Sa
back flood na nagmumula sa mga lalawigan ng Auroa, Tarlac, Nueva Ecija at
Pampanga, apektado ang mga bayan ng Hagonoy, Calumpit Pulilan at ilang bahagi
ng Baliwag, San Rafael, San Ildefonso at San Miguel.
Ang
back flood ay karaniwang nananalasa limang hanggang pitong araw matapos ang may
isang linggong pag-ulan sa silangang bahagi ng Gitnang Luzon.
Sa
high tide, ang karaniwang apektado ay ang mga bayang matatagpuan sa baybayin ng
Manila tulad ng Obando, Bulakan, Malolos, Hagonoy, Paombong, Marilao, Lungsod
ng Meycauayan at ilang bahagi ng Bocaue.
Ayon
sa mga dalubhasa, ang epekto ng high tide at pinalulubha pa ng land subsidence
o paglubog ng lupa sa baybayin ng Manila Bay.
Batay
pag-aaral nina Dr. Kelvin Rodolfo at Dr. Fernando Siringan, ang land subsidence
ay hatid ng over water extraction of sobrang paghugot ng tubig mula sa ilalim
ng lupa.
Ipinaliwanag
naman ni Hilton Hernando ng Pampanga River Flood Forecasting and Warning Center
(PRFFWC) na ang high tide o pagtaas ng
tubig sa karagatan ay hatid ng paglausaw ng niyebe sa malalamig na bansa.
Bukod
sa mga nabanggit na uri ng baha, nakakaapekto din sa mga bayan at lungsod sa
lalawigan ang pagbahang hatid ng malakas na ulan ngunit pinalulubha ng mga
baradong kanal at iba pag daluyan ng tubig.
Kabilang
sa mga bayang apektado ay ang bayan ng Guiguinto, Plaridel, Bustos, Bocaye,
Balagtas at iba pa.
Ang
kalagayang ito higit na natampok sa pananalasa ng bahang hatid ng malakas na
ulang hatid ng hanging habagat noong nakaraang taon kung kailan, ang mga lugar
na dati ay di lumulubog at lumubog sa tubig baha.
Ilan
sa mga lugar na ito ay ang bahagi ng Balagtas, Bustos at Plaridel kung saan ay
nasalanta ang mga pananim na palay.
Ayon
kay Marangal Ruiz, municipal agriculture officer ng Balagtas, sinisisi ng
kanyang kababayang magsasaka ang konstruksyon ng Balagtas-Plaridel-Bustos
by-pass road.
Ito
ay dahil sa napigil ng nasabing by-pass road ang daloy ng tubig dahil sa kapos
sa mga box culver ang by-pass road.
Ayon
kay Ruiz, “pag-tag-ulan, sobra-sobra ang tubig sa amin, pero wala naman kaming
mapagtapunan, pag tag-araw, wala namang tubig.”
Binanggitdin
niya na ilang bahagi ng bayan ng Balagtas ay naaapektuhan na rin ng high tide.
Bilang
tugon naman sa epekto ng pagbaha, pinplano ng mga pamahalaang lokal sa
lalawigan ang pagpapahukay sa kailugan.
Ayon
kay Mayor Ambrosio Cruz ng Guiguinto, kailangang muling mapalalim ang mga
kailugan upang may madaluyan ang tubig ulan.
Inayunan
din iyon ni Gob. Wilhelmino Alvarado na una nang nagpahayag ng panawagan sa
Department of Public Works and Highways na buhayin ang Pampanga River Control
System upang pangunahan angpamamahala sa kailugan at mga daluyang tubig. Dino Balabo
No comments:
Post a Comment