MALOLOS—Pangungunahan ng pamahalaang lungsod ng Malolos at
simbahang katoliko ang isang pampublikong pagdinig hinggil sa problema sa
suplay ng tubiog sa lungsod na ito.
Ngunit wala pang tiyak na araw kung kailan ito isasagawa
ayon kay Mayor Christian Natividad.
Ang pagsasagawa ng pagdinig ay tugon ng pamahalaang lungsod
matapos hindi magtagumpay ang isang press conference na ipnatawag ng City of
Malolos Water District (CMWD) noong Biyernes ng umaga, Mayo 4.
Ayon kay Natividad, ang pagsasagawa ng pampublikong pagdinig
hinggil sa kalagayan ng pagpapadaloy sa tubig sa lungsod na iuto ay tugon sa
panawagan ng mga residente ng Brgy. San
Pablo.
Sinabi niya sa Mabuhay na ang pagdinig ay maaaring isagawa
sa Biyernes, Mayo 12, ngunit sinabi niya na “tentative” o hindi pa tiyak kung
matutuloy iyon sa nasabing araw.
Ang pagsasagawa ng pagdinig ay pangungunahan ng pamahalaang
panglungsod kasama ang Diyosesis ng Malolos at inaasahang dadaluhan ng mga
konsesyunaryo ng CMWD).
Sinabi pa ni Natividad na marami na siyang reklamong
natanggap mula sa mga konsesyunaryo at nagkipag-ugnayan na rin siya sa pamunuan
ng CMWD.
Matatandaan na noong Biyernes, Mayo 4 ay nagpatawag ng isang
press conference ang CMWD na dinaluhan ng ilang mamamahayag sa lalawigan.
Ngunitg hindi nagtaumpay ang nasabing press conference na
maipaliwanag ang mga aksyon na kanilang ginagawa para tuginan ang problema sa
mahinang daloy ng tubig sa Barangay San
Pablo.
Sa halip ay pinasinungalingan ni Nicasio Reyes, general
manager ng CMWD ang mga balitang lumabas na ayon sa kanya ay patungkol sa
krisis sa tubig sa lungsod na ito.
“Walang water crisis sa Malolos at may sapat na tubig sa San Pablo,” ang
paulit-ulit na sinabi ni Reyes sa mga mamamahayag.
Bilang tugon, ipinaliwanag ng mga mamamahayag kay Reyes na
wala silang ibinalitang krisis sa tubog, sa halip ay si Reyes ang bumigkas ng
mga katagang iyon.
Matapos ang paglilinaw ng mga mamamahayag, inamin ni Reyes
na hindi nga nabanggit sa mga balita ang mga katagang “krisis sa tubig”, ngunit
igiiit niya na “iyon ang lumabas na perception ng taumbayan.”
Kaugnay nito,
iginiit nina Eduardo Camua, Chat Petallana at Fortunato Dionisio ang problema
sa tubig sa Barangay San Pablo.
Gayunpaman,
binigyang diin ni Camua na hindi na dapat magsisihan, sa halip ay tugunan ang
problema.
“May isyu ba o
wala, may problema ba o wala. Huwag na
po tayong magsisihan,” aniya.
Ayon pa Camua,
dapat ay ipaliwanag ng CMWD ang buong sitwasyon sa pagpapadaloy ng tubig inumin
sa lungsod upang maunawaan ito ng mga konsesynaryo.
“Hindi pwede yung
puro presscon, puro papogi na lang, hindi naman natutugunan ang daing ng konsesyunaryo,”
aniya.
Iginiit pa ni
Camua na hindi na dapat tukuyin pa ng CMWD ang mga nagsisipagreklamong
konsesyunaryo.
“Huwag na po
nating hanapin yung nagsisipagreklamo, unawain na lang natin na abnormal na ang
daloy ng tubig,” ani Camua. (Dino Balabo)
No comments:
Post a Comment