MALOLOS—Tiniyak ng mga opisyal Bulacan na hindi
magkakaroonng iligal na quarry sa Ilog Angat kaugnay ng planong pagtatayo ng Angat Sports
Water Park
na inaasahang makakaribal ng katulad na pasilidad sa Camarines Sur.
Ito ay matapos pangunahan nina Gob. Wilhelmino Alvarado at
Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA) Chief Operating
Officer Mark Lapid ang ground breaking ceremony para sa nasabing proyekto noong
nakaraang linggo.
Tiniyak din ng mga opisyal na ligtas ang nasabing pasilidad
dahila ang magiging operasyon nito ay sa tag-araw at lilimitahan kung tag-ulan
kung kailan ay karaniwang nagpapalabas ng maraming tubig sa ilog ang Angat Dam.
“Walang dapat ipangamba, dahil kahit mag-quarry sa Angat River
ay imo-monitor naming,: ani Alvarado.
Ipinaliwanag niya sa bilang isang eco-tourism project na
inendorso ng TIEZA, ilang bahagi ng water park ay lalaliman sa pamamagitan ng
quarry.
Ito ay upang maging pantay ang lalim ng ilog, partikula na
sa bahaging mababaw.
Gayunpaman, nilinaw ni Alvarado, na ang lalim maging ang
magiging lapad ng ilog at nakabatay lamang sa itatakda na akma sa proyekto.
“The river bed is un-even, so, there are parts that will be
quarried, but only based on the required depth,” ani ng punong lalawigan at
tiniyak na hindi maaapektuhan ang mga residenteng nakatira sa gilid ng ilog.
Iginiit pa ni Alvarado na ang Angat WaterPark ay inaasahang
makakaribal ng katulad na pasilidad sa Camarines Sur.
Ilan sa bentaheng kanyang binanggit ay ang pagiging malapit
ng Bulacan sa Kalakhang Maynila at ang pagiging natural ng ilog at tubig.
Ang pangmba hinggil sa di mapigil na quarry sa Ilog Angat ay
muling isinatinig ng mga residente matapos pangunahan nina Alvarado at Lapid
ang ground breaking ceremony.
Binanggit ng mga residente sa Mabuhay na noong 2000 at
pinalano na rin ang Angat Eco-Tourism Project, ngunit ito ay ginamit lamang na
dahilan ng ilang opisyal upang makapagsagawa ng quarry.
Isang residente na humiling huwag banggitin ang pagkakakilanlan
ang nagsabi na noong Pebrero 24, 2003 ay pinaslang ng mga rebeldeng New
Peoples’ Army (NPA) ang dating pambayang tagapamahala ng Angat dahil sa
quarrying sa nasabing bayan.
Bukod dito, sinabi rin ng residente na may pagkakataon din
na sinunog ng mga NPA ang mga trak at iba pang kagamitan sa quarry sa Ilog
Angat.
Ayon sa residente, ang walang habas na quarry sa nagdaang
mga taon sa Ilog Angat ay maaaring isa sa mgaing dahilan ng tuluyang pagkasira
ng tulay sa Brgy. Sta. Lucia na nag-uugnay sa Angat at bayan ng Donya Remedios
Trinidad.
Sa kasalukuyan ay nakalitaw na an gang pelote ng nasabing
tulay.
Matatandaan na noong 2007 at 2008 ay sunod-sunod ang
reklamong isinumite ng mga residente ng Angat sa kapitolyo laban sa di mapigil
na quarry.
Ito ay tuluyan lamang napigil noong 2010 at 2011.
Ayon kay Gob. Alvarado, hindi na sila muling papayag na
magpatuloy ang walang haban sa quarry sa Ilog Angat.
Sinabi pa niya na ang mga graba at bunahing na kinu-quarry
sa nasabing bayan ay mataas ang kalidad.
Hinggil sa kaligtasan ng waterpark, sinabi ng gobernador na
ang mga gawaing katulad ng rowing, kayaking, at dragong boat race ay isasagawa
lamang kung tag-araw.
Gayunpaman, tiniyak na magpapatuloy ang operasyon ng
waterpark kahit tag-ulann dahil magtatayo rin doon ng mga restorann, ziplines
at iba pang gawain na makakaakit sa mga turista.
Inayunan din ito nina Mayor Feliciano Legazpi ng Norzagaray
at Arnel Mendoza ng Bustos.
Ito ay matapos hikayatin ni Lapid sina Legazpi, Mendoza at
maging sina Mayor Lorna Silverio ng San Rafael at Mayor Reggie Santos ng Angat
na magbuo ng tourism package sa kanilang bayan kaugnay ng planong pagtatayo ng
waterapark.
Ito ay dahil sa ang kahabaan ng Ilog Angat Mula sa
Norzagaray, Angat, Bustos at San
Rafael ang magiging sentro ng mga gawaing pangturista
para sa waterpark.
Ayon kina Legazpi at Mendoza,
kahit hindi pa nasisimulan ang waterpark at dinarayo na ang kanilang bayan ng
mga turistang naliligo sa ilog, partikular na sa Sitio Bitbit at Sitio Pugpog
sa Norzagaray.
Sa bayan ng Bustos, sinabi ni Mendoza na noong Enero ay
sinubukan na nilang magsagawa ng eksibisyon ng dragon boat at kayaking sa
Bustos Dam kaugnay ng pagdiriwang ng pagkakatatag ng kanilang bayan.
Iginiit pa ni Mendoz anal along dadayuhin ng mga turista ang
Bustos dahil sa napipintong pagtatapos ng ikalawang bahagi ng
Plaridel-Bustos-Sanarafael bypass road na nagsanga mula sa North Luzon
Expressway (NLEX).
No comments:
Post a Comment