LUNGSOD NG
MALOLOS—Kinukunsidera ng Environmental Management Bureau (EMB) ang panukalang
Sanitary Landfill (SLF) sa baybayin ng Obando bilang ‘sementeryo’ ng mga burak
na konataminado ng nakakalasong kemikal na huhukayin mula sa kailugan ng
Marilao at Meycauayan.
Ngunit nilinaw ng
EMB na ang nasabing plano ay kailangag sumailalim sa intensibong environmental
impact assessment (EIA) upang matiyak na ligtas ang pagdukal at paglilipat ng
mga burak sa panukalang SLF na matatagpuan sa islang barangay ng Salambao sa
Obando.
Samantala,
ipinagmalaki ng EMB na gumanda na ang kalidad ng tubig sa kailugan ng Marilao
at Meycauayan na noong 2007 ay napabilang sa 30 pinakamaruruming lugar sa buong
mundo o “Dirty 30.”
Ayon kay Lormelyn
Claudio, direktor ng EMB sa Gitnang Luzon, kinukunsidera nila ang panukalang
Salambao SLF upang paglagyan ng huhukaying burak sa kailugan ng Marilao at
Meycauayan dahil malapit lamang ito.
Gayunpaman, sinabi ni Claudio sa esklusibong panayam na “its
not final yet, but we are considering the Obando Sanitary Landfill.”
Ipinaliwanag niya na kailangan pang makapasa sa isasagawang
EIA study ang nasabing SLF bukod pa sa kailangang amyendahan ang environmental
compliance certificate (ECC) nito
Sa kasalukuyan, sinabi ni Claudio na batay sa ECC ng
panukalang Salambao SLF, ito ay maaari lamang tumanggap ng domestic wastes o
mga basurang nagmumula sa mga tahanan.
Ipinaliwanag ng direktor na kung sakaling payagang tumanggap
ng mga toxic o nakakalasong basura ng Salambao SLF, kailangan pang magtayo ng
pasilidad para sa nasabing uri ng basura.
Ito ay upang matiyak na hindi kakatas at tatapon sa tubig
ang kontaminadong burak na huhukayin mula sa kailugan ng Marilao at Meycauayan.
Noong nakaraang Marso, inihayag ng Department of Public
Works and Highways (DPWH) ang planong dredging project sa nasabing kailaugan na
nagkakahalaga ng P1.9-Bilyon.
Sa panayam ng Mabuhay kay Public Works Secretary Rogelio
Singson noong Marso 20, tiniyak ng kalihim na magihing ligtas ang paghukay sa
ilog.
Ipinagmalaki niya na ito ay gagamitan nila ng makabagoing
teknolohiya katulad ng tube technology, ngunit hindi niya ipinaliwanag kung
paano iyon gagawin.
Matatandaan na ang kailaugan ng Marilao at Meycauayan ay
napabilang sa inilathalang “Dirty 30” ng Blacksmith Institute noong 2007.
Batay sa pagsusuri ng Blacksmith Institute na naka-base sa New York, ang burak ng
nasabing kailaugan ay kontaminado ng mga nakakalasong kemikal tulad ng mercury,
chromium, lead at iba pang mga kemikal na nasa kategoryang heavy metal.
Ayon sa Blacksmith Institute, ang mga nasabing kemikal ay ay
posibleng nagmula sa mga pabrika ng mga alahas, nga tanneries na gumagawa ng
sapatos, at maging sa pabrika ng ng nareresiklo at gumagawa ng baterya.
Ito naman ay kinumpirma ng noo’y pamahalaang lalawigan ng
Bulacan na nagsabing ang polusyon sa kailugan ng Marilao at Meycauayan ay sanhi
ng mahigit 100 taong kapabayaan at kawalan ng ng malinaw na pamamahala.
Matapos namang ilabas ng Blacksmith Institute ang kanilang
ulat, kumilos ang noo’y pamahalaang panglalawigan ng Bulacan sa pangunguna ni
dating Gob. Joselito Mendoza.
Nagsagawa ng pag-aaral para sa rehabilitasyon at binuo ang
Marilao-Meycauayan-Obando Rivers System (MMORS) Water Quality Management Area
(WQMA).
Isa sa sa mga naging rekomendasyon sa MMORS-WQMA ay ang
paghukay ng burak sa ilalim ng nasabing kailugan.
Ngunit hindi pumayag si dating Gob. Mendoza dahil sa hindi pa natutukoy noon ang
teknolohiyang gagamitin.
Sa kanyang pahayag, sinabi ni Mendoza na kung hindi akma ang teknolohiya,
posibleng pinsala ang ihatid ng paghuhukay sa ilog sa halip na rehabilitasyon.
Ito ay dahil sa ang mga burak na kontaminado ay iaahon at
kung walang tamang paglalagyan, mas malaki ang posibilidad na makapinsala ito
sa kalusugan ng mamamayan.
Samantala, ipinagmalaki ni Claudio na gumanda na ang kalidad
ng tubig sa nasabing kailugan partikular na ang bio-checmical oxygen demand
(BOD).
Sinabi nya na ito ay dahil sa mga interbensyon ng mga
pabrika ng katad at alahas na nagsaipaglagay ng mga pollution control devices.
Bukod dito, ipinagmalaki rin ni Claudio ang pagtatayo ng
sewerage facility sa Lungsod ng Meycauayan sa pangunguna ni Kint. Linabelle
Villarica; at ang pagsasara ng mga open dumpsite sa gilid ng ilog ng Marilao at
Meyvcauayan.
Gayunapaman, hindi matiyak ni Claudio kung bumaba na rin ang
polusyon hatid ng mga heavy metals sa ilog dahil hindi pa sila muling
nakapagsagawa ng pagsusuri.
Sinabi niya nab ago matapos ang taon ay muli silang
magsasagaw ang pagsururi para sa heavy metal contents ng tubig mula sa
MMORS. (Dino Balabo)
No comments:
Post a Comment