MALOLOS—Idemanda na nating talaga ang mga local government
units!
Ito ang payo ni Obispo Pablo David sa mga lumahok sa
dalawang araw na Ora Mismo Regional Summit for the academe and the environment
na isinagawa sa Barasoain Center for Innovative Education (BarCIE) sa La
Consolacion University-Philippines (LaCUP) sa lungsod na ito noong Mayo 15
hanggang 16.
Ito ay dahil sa hindi pagpapatupad sa Republic Act 9003 ng
mga pamahalaang lokal sa Gitnang Luzon, bukod pa sa direktang paglabag ng mga
ito sa nasabing batas na kilala rin bilang “Ecological Solidwaste Management
Act of 2000.
Ang payo ng Obispo ay kaugnay ng mas naunang pahayag ni
Direktor Lormelyn Claudio ng Environmental Management Bureau (EMB) sa rehiyon
na hindi siya pabor na idemanda ang mga pamahalaang lokal dahil daw “partner
namin sila sa solidwaste management.”
Ngunit hindi
kumbinsido si David sa pahayag ni Claudio.
“Kung partner
sila at wala silang ginagawa, bukod pa sa lumalabas sa batas, partner’s in
crime iyan,” ani David na nagsisilbing auxiliary bishop ng Diyosesis ng San
Fernando sa Pampanga.
Sa kanyang
presentasyon sa mga lumahok sa dalawang araw na pagtitipon, nagpahayag ng
kalungkutan ni David sa pahayag ni Cludio, ngunit iginiit din niya na
nauunawaan niya ang kalagayan ni Claudio.
“I think, NGOs are in a better position to file
charges. Let us file charges against
local government units,” ani ng Obispo at sinabing lumalabas na walasng pag-asa
ang mga Pilipino sa pagpapatupa dng batas.
Ipinaliwanag niya na ang RA 9003 at noong pang taong 2000
napagtibay at sinaundan pa ng isang circular mula sa Department of Environment and Natural
Resources (DENR) kung saan ay itinakda sa taong 2006 ang pagsasara ng lahat ng
open at controlled dumpsite upang palitan ng mga sanitary landfill.
Ngunit ayon sa Obispo, ang itinakdang deadline para sa
pagtupad ay nawalan ng halaga.
Sinabi niya na karaniwan sa mga pamahalaang bayan, lungsod
at panglalawigan sa Gitnang Luzon ay hindi sumusunod sa intakda ng batas.
Bukod dito, maraming pamahlaang lokal ang nagpapatapon ng
maruming tubig sa mga sapat at ilog dahil sa kawalan ng sewerage facilities.
“Pollution is not only caused by the private sector, but by
the government itself, because they have not sewerage facilities,” ani David.
Kinumpirma naman ito ni Claudio na nagsabing ang mga
pamahalaang lokal ang may responsibilidad sa pagpapatayo ng mga katulad na
pasilidad.
Sa mas naunang pahayag, sinabi ni Claudio na 88 sa 130 bayan
at lungsod sa Gitnang Luzon ang nagpahiwatid na ng intension parra ipatupad ang
solidwaste management.
Ito ay nangangahulugan na 42 bayan at lungsod pa sa rehiyon
ang di tumutugon at tumutupad.
Ang pagtugon ng 88 ay kaugnay ng pagsusumite ng EMB-III ng
resulta ng imbestigasyon sa National Solidwaste Commission (NSC).
Ito ay sinundan naman ng NSC ng pagsasampa ng kaso sa
Ombudsman laban sa mga nasabing pamahalaang lokal.
“It was the NSC that file charges before the Ombudsman, but
as for me, I rather not file charges because LGUs are our partners,” ani Claudio.
Ang dalawang araw na summit ay nilahukan ng mga guro at mga
kinatawan mula sa ibat-ibang pamantasan at pamahalaang lokal sa sa Gitnang Luzon.
Sa kabila naman san a sa lungsod na ito isinagawa ang
summit, kapansin-pansin ang na iisang halal na opisyal sa Bulacan ang lumahok
sa dalawang araw na pagtitipon. (Dino Balabo)
No comments:
Post a Comment